Chapter 17

1.3K 32 4
                                    

[Mark's POV]

Nandito na kami sa sinasabi nung Kaye. Ayos naman. Peaceful, fresh air, perfect place for a vacation. Tapos ang lapit lang nung beach. Walking distance lang. Kitangkita mula dito. Kung dito na lang kaya kami tumira ng Got7? Kaso malayo sa company eh. Bumababa na kami sa van

"WHHOOOO! Ang tagal ko ding di nakabalik dito. 7 years old ako nung huli kong balik dito eh" kwento ni Kaye habang binababa nila yung mga bagahe nila

"Mamatay na nagtanong pre" Migo. Tiningnan ko si KR na nasa likod nila. Nakahawak sya sa braso nila Kaye at Migo. Pagkababa nila ng bagahe ay naglakad na kami papasok

"Knock knock! Lola! Tita!" sigaw ni Kaye. May lumabas na babae na mukhang mid-30's na. Niyakap nya si Kaye

"KAYE! Grabe ang laki mo na! Ang gwapo gwapo pa!" humiwalay yung babae

"Ako pa ba Tita? Ako lang naman pinakagwapo mong pamangkin"

"Sinabi mo pa hihihi" tumingin samin yung hula ko ay tita nya

"Lol di totoo yun" Joey

"Alam mo yan" Migo

"GGSS talaga tong si Kaye" Mamaw

"Talagang nagdala ka pa ng mga gwapo mo ring kaibigan! Tara pasok kayo" tumabi yung tita nya para makadaan kami

"Yon! Gwapo talaga kami alam namin" sabi ni Mamaw. Kung may gwapo dito ako lang yun. Pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Nagbow kaming lahat ng may lumabas na matandang babae sa isang pintuan

"Oh apo! Ikaw na ba yan?" lumapit si Kaye dun sa lola at niyakap yun

"Opo la. Gwapo ko no?" sabi nya at humiwalay na sa lola nya. Pwede bang batukan ko to? Isa lang. Tumango tango naman yung lola nya at tumawa

"Ibaba na natin tong gamit natin tapos punta na tayo dun sa beach" Kaye. Tumango lang ako at naghintay dun sa sala. Magkatabi kami ngayon ni KR na naghihintay sa kanila

"Ano ayos ka na?" tumingin sakin si KR at tinagilid yung ulo nya

"Sabi ko kung ayos ka na" umiling ulit sya. Napabuntong hininga ako. Kita mong di pa nakakapagsalita eh =___=

"Mags-swimming tayo ah? Magenjoy ka dun" sabi ko at ginulo yung buhok nya. Tumango tango naman sya at umiwas na ng tingin. Cute

"TARA NA MAGBEACH!" sabay kaming napatingin ni KR sa sumigaw. WTF?!?! Tiningnan ko silang tatlo from head to toe. Mga naka-boxer na superman lang tapos may salbabida silang lahat pati si Mamaw na bibe. May nga gogles din sila na suot pati yung sa paa na parang fin. Sabagay mainit na naman ngayon sa Korea pero ayos ang outfit nila ah =___=

"LA! Punta muna kaming beach ah?" paalam ni Kaye dun sa lola nya

"Osige. Magpapasunod na lang ako ng pagkain"

"YOWN! Love you La!" sabi ni Kaye at tumakbo na sila palabas. Naiwan kaming dalawa dito ni KR na naglalakad. Napatingin ulit ako kay KR na tahimik na naglalakad at tumitingin sa paligid. Kinuha ko yung cellphone ko at pasimple syang kinunan ng picture. Ang ano nya kasi... Ganda? Ang calm kasi nya saktong sakto sa view. Umiling iling na lang ako at binalik na yung cellphone sa bulsa ko. Nakarating na kami sa beach at nakita namin na naglulunuran yung apat

"Oh kaya pa? AHAHAHA!" Mamaw

"Aba OO! Game game!" Joey. Siya at yung nilunod kanina. Nagform sila ng circle

"Bato bato pic!" di ko masyadong nakita kung sino yung natalo pero mukhang si Kaye kasi nirarambol na sya nung tatlo. Naglakad na ako papuntang cottage sumunod naman si KR

Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon