[KR's POV]
Nang matapos kaming kumain ng mangga ay tinabi namin yung sobra at balak namin iuwi iyon sa korea. Sarap na sarap kasi yung Got7 lalong lalo na si Jackson. Ayaw pa ngang tumigil eh baka masobrahan patay kami kay JYP
"Lola maglilibot muna kami" paalam ko kay Lola nung pumasok ako sa loob ng bahay
"Ay sige apo. Hindi ka naman siguro mawawala ano kasi solo mo naman tong lugar at kilala ka dito" sabi sakin ni Lola
"Opo Lola. Sige po gala muna ako" sabi ko at naglakad na palabas ng bahay
Kadalasan alas-12 ng tanghali nagsisimula ang datingan ng mga bisita at mimiyang alas-4 naman ay simula na ng larong pambansa dun sa malaking lupain kung tawagin ng mga taga-dito. 9:30am pa lang kaya marami pa kaming oras mag-gala
"Tara na!" sabi ko sa kanila ng makabalik ako. Agad naman silang nagtayuan at nanguna na akong maglakad. Sinabayan ako ni Mark sa paglalakad kaya medyo nailang ako
ASDFGHJKL! Umiinit yung mukha ko kada maalala ko yung nangyari kanina >\\\\< Tapos hindi ko maiwasang mapangiti kahit ayaw ko. Bad lips!
"Uy tara bumunot dun!" sabi ko ng mahagip ng mga mata ko yung bunutan ng mga sisiw, bibe at ibon na maliit tsaka may mga cartoons na lobo sa taas. Nilapitan namin ito at naglabas ako ng barya
"Oh tigli-limang piso muna" sabi ko at binigyan ng pera ang Got7
"Bakit kami wala?" sabi ni Migo
"Aba meron kayong pera. Tsaka libre ko Got7 for the whole stay nila dito baka mimiya utuin sila ng mga tindera kasi hindi nila ang pera natin" paliwanag ko sa kanya
"Daming sinabi. Pwede ka ng sumali sa Miss U" singit ni Joey
"Gags! Bumunot na nga tayo" sabi ko sa kanila. Tinuruan ko ang Got7 kung paano laruin yung bunot bunot na yun kaya bumunot na sila ng kanya kanyang papel. Lahat sila bumunot para sa ibon na maliit kasi yun daw ang fandom name nila. Aghase daw yun. Ako rin pati yung mga unggoy sa maliit na ibon na din kumuha ng papel. Huhulaan namin dito ay letter
Lahat kami ay naka-tapat sa may ilaw baka sa kaling makita kung anong letter yung nakalagay sa papel
"A! Hula ko A to" confident na sabi sakin ni Jackson
"A~ Da aneunde wae jakku sumgyeo~ Nega nal johahaneunge imi~ Ne eolgure sseuyeo isseo~" kanta ni Youngjae
"A~ Nareul boda wae nuneul dollyeo~ Da aneunde A~ A~" sunod ni Jaebum
Ay ano to Glee? Joke lang wag niyo akong patayin
"This is A mister!" Sabi ni Jackson at binigay yung papel niya dun sa lalaki. Lahat kami sumilip kung tama yung hula ni Jackson ng ilublob na nung lalaki yung papel sa tubig
"YES! OHOO! Aghase!" sabi ni Jackson ng A nga ang lumabas sa papel. Pumili siya ng ibon na gusto niya at nilagay nung lalaki yung ibon sa maliit na kulungan bago ibigay kay Jackson
"Ahyeah! May aghase na ako" sabi ni Jackson at ipinakita samin yung ibon na napili niya. Kasing laki lang ng pointing finger ko yung ibon tapos kulay greean, white and orange
"Ah gusto ko din~" sabi ni Bambam kay sinilip niya ulit yung papel niya bago lumapit dun sa lalaki
"Sana tama. Pinagkakatiwalaan ko ang pangalan ko. Letter B" sabi niya bago ilublob nung lalaki yung papel niya
"YEEEAAAAH~~ EEEAAAAZZZYYYY~" sabi niya ng lumabas sa papel niya ay letter B. Lumapit ako dun sa lalaki ng confident na ako sa sagot ko
"Letter M po" nagsitinginan sakin ang ang Got7 (except Mark) at ngumiti ng nakakaloko