[KR's POV]
Akala ko magiging normal na ang mga araw na mararanasan ko dito sa L.A kaso....
"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!! MARK BWISET KAAAAAA!!!!" mahigpit ang kapit ko sa braso niya para maiwasan ang pagkadulas at pagbagsak ng katawan ko sa napakalamig na yelo
Hindi ko alam na meron pa lang mala-winter wonderland dito. Puro yelo at nyebe ang paligid at napaka-lamig. Niyaya ako dito ni Mark na mag-skateboarding kaso hindi ko naman alam na ganito pala kahirap to! Meron namang parang tungkod kaso ang hirap din gamitin kaya hindi ko na lang ginamit yun
"HAHAHAHAHA!!! Subukan mo ulit KR hindi naman ganon kahirap" sabi niya at binitawan ako. Sinubukan kong tumayo at umandar kaso ang kinalabasan ay sumubsob ako sa sahig. Narinig ko ang paghalakhak ni Mark sa nangyari sakin pero agad niya rin akong tinulungan maka-tayo pero natatawa pa rin siya. Sinamaan ko lang siya ng tingin bago ginantihan ng palo sa braso
"Ganito kasi KR" nilayo niya ako sa kanya pero hawak niya ang mga kamay ko. Dahan dahan niya akong hinila at parang nags-slide lang ako nyebe
"Oh diba. Parang skating lang" sabi niya at nagpatuloy kami sa pag-dausdos sa nyebe. Bahagya akong napangiti ng makuha ko kung paano mag-skateboarding. Nagtama ang mga mata namin ni Mark at sabay kaming napangiti
Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin palapit sa kanya. Halos masubsob ako sa dibdib niya ng gawin niya yun. Pinulupot niya ang kanyang mga braso sa bewang ko. Tinaas ko ang aking paningin at muling nagtama ang aming mga mata
"How I wish time would stop right now" bulong niya pero malinaw ko itong narinig
"So I could admire how beautiful you are and how lucky I am having you right here in my arms" halos kumawala na sa dibdib ko ang puso ko. Parang unti unti akong tinutunaw ng mga titig niya sakin na nagpalambot sa mga tuhod ko. Umukit ang isang tipid na ngiti saking labi at pinulupot ang mga braso ko sa batok niya
"Hindi mo na kailangan pahintuin ang oras para mangyari yun. Lagi lang ako nandito para sayo at kahit kailan hinding hindi kita iiwan" sabi ko at mas lumapit sa kanya. Ngumiti ito ng malawak sa naging sagot ko at mabilis na inangkin ang mga labi ko. Tulad ng sinabi ni Mark, parang tumigil bigla ang mundo ko ng mas lumalim ang halik ni Mark. Ilang segundo ang lumipas at humiwalay kami sa isa't isa. Parehas kaming naghahabol ng hininga ng magtama muli ang mga mata namin. Ngumiti kami ng malawak at niyakap ang isa't isa
"Mahal na mahal kita KR lagi mong tatandaan yan" bulong niya sakin
"Mahal na mahal din kita Mark" sagot ko. Humiwalay siya sakin at sinalubong ako ng isang matamis na ngiti
"Tara try naman natin yung skating!" sabik na sabi niya at hinila ako. Tinanggal na namin ang mga gears namin para sa skateboard at nagpalit ng pang-skating. Mukhang mas madali ito dahil marami akong nakikita na nags-skating
Pero nagkamali ako. Pagkatapak na pagkatapak ko sa yelo ay agad akong nadulas at muli kong narinig ang malakas na tawa ni Mark
"Ikaw ba Honey eh hindi marunong magbalance ng sarili hahaha" sabi niya habang tinatayo ako. Sumimangot ako at mahigpit na kumapit sa braso niya
Nagpatuloy lang kami sa mag-slide sa yelo at inikot ang buong skating rink. Mas nadadalian ako dito kesa dun sa skateboard dahil natuto na agad ako kung paano ang tamang pagb-balance ng sarili ko at paano umandar ng hindi nadudulas
"You're doing great Hon!" sabi niya at dahan dahang binitawan ang mga kamay ko. Napangiti ako ng malawak ng magawa kong mag-skate ng hindi bumabagsak sa yelo
"Habulin mo ako!" sabi ni Mark at mabilis na lumayo sakin
"Baliw!" sigaw ko at sinubukan habulin siya. Hindi pa ako ganon kabilis para maabutan siya pero napapanatili ko pa rin ang balanse ng aking katawan habang pabilis pabilis ang aking takbo
BINABASA MO ANG
Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)
Fiksi PenggemarWe're married! Secretly 😉