[KR's POV]
Magkahawak pa rin ang kamay namin ng pumasok kami sa waiting room. Agad na nagtinginan samin ang mga members at gulat na gulat sa nakikita niya
"Hyung sapakin mo nga ako nanaginip ata ako" sabi ni Bambam habang kinakalbit si Jackson
"Hindi Bambam ako ata may kailangan nun. Pinagpalit na talaga ako ni Mark" sabi ni Jackson habang nakahawak sa may dibidib niya. Pinaikutan nila kami at tiningnan mula ulo hanggang paa
"Oh may ghad! Totoo nga!" sabi ni Yugyeom
Natawa na lang kaming dalawa sa reaksyon nila. Napabitaw ako sa kamay ni Mark ng lumapit sa amin si Manager
"Ayos na ba gamit niyo?" tanong samin ni Manager. Tumango tango silang lahat bilang sagot kay Manager
"Good. Hintayin na lang natin matapos yung show diretso na tayo sa kainan" yun ang huling sinabi ni Manager bago siya umalis. Nagsi-alisan na din ang ibang members at bumalik sa dati nilang ginagawa. Humarap sakin si Mark ng nakasimangot
"What was that?" tanong niya sakin. Kumot ang noo ko dahil hindi ko alam ang tinutukoy niya
"Bakit mo binitawan kamay ko nung dumating si Manager?" masungit na sabi niya sakin. Napakamot ako sa batok ko dahil sa sinabi niya. Hinila ko siya sa hindi masyadong matao na part ng waiting room
"Hindi ba pwedeng secret muna natin? Baka kapag nalaman nila maraming magbago. Mga members lang muna ang pwedeng makaalam please? " paliwanag ko sa kanya. Narinig ko ang kanyang buntong hininga kaya napatingin ako sa baba.
Nagpadala agad kami sa aming emosyon. Hindi namin naiisip ang mga susunod na pwedeng mangyari
Hinawakan niya ang kamay ko at tinaas ang ulo ko. May pagaalala sa kanyang mga mata pero nakangiti siya sakin
"I am willing to take the risk" sabi niya sakin habang diretsong nakatingin saking mata. Humigpit ang hawak ko sa kanya at napangiti
"Me too but this is not the right time for them to know" sabi ko sa kanya. Napapa-english tuloy ako ng wala sa oras
"I understand. I love you KR" sabi niya sakin at niyakap ako ng mahigpit
"Thank you. I love you too Mark" pagkasabi ko nun ay humiwalay na kami sa isa't isa at naglakad na kami pabalik sa mga members
"Hyung kayo na talaga?" inosenteng tanong ni Youngjae. Nagkatinginan kami ni Mark. Kinindatan niya si Youngjae bago tumango
"Congrats hyung! Double celebreation tayo mimiya" nanatili lang kaming nakangiti ni Mark. Mas masaya kung malaya naming naisisigaw sa buong mundo na kami na. Kung gaano namin kamahal ang isa't isa
"Pero secret lang muna" sabi ko kay Youngjae
"Ligtas samin ang sikreto niyo" nagulat ako ng maglapitan samin ang ibang members habang nakangiti samin
"I'm happy for you KR" sabi ni Bambam at akmang yayakapin ako pero humarang agad si Mark sa harapan ko
"Ano ka ba Mark bestfriend ko naman si Bambam ah" sabi ko sa kanya at hinampas siya ng mahina
"Oo nga hyung" sagot ni Bambam. Nanatili lang siyang nasa gitna namin ni Bambam
"Kahit na. Bawal hawakan si KR" sabi ni Mark bago umalis sa gitna namin. Nagkatinginan kami ni Bambam at sabay na natawa
"Wala tayong magagawa seloso to eh" sabi ko sabay turo kay Mark
"Ayos lang KR. Naiintindihan ko hahaha Baka pinapatay na ako ni Hyung sa isip niya" akmang hahampasin ni Mark si Bambam kaya agad tumakbo si Bambam papunta sa likod ni Jaebum
BINABASA MO ANG
Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)
Hayran KurguWe're married! Secretly 😉