Chapter 20

1.1K 30 0
                                    

[Mark's POV]

3 linggo na ang nakalipas pero di pa rin nagsasalita si KR. Nakabalik na din ng Pilipinas sila Mamaw at iba nya pang kaibigan. Lumalakas na din kahit pa paano si KR at bumabalik na rin ang sigla nya. Pangiti ngiti nga lang. Sa bahay pa rin ng Tita at Lola ni Kaye nakikituloy si KR baka kasi maalala na naman ni KR yung nangyari sa kanya kapag dinala namin sya sa dorm

Napagdesisyunan namin na isama ngayon si KR sa JYP Entertainment building kasi walang magbabantay sa kanya doon

Pinauna ko silang maglakad incase na makasalubong namin sila Momo ay di agad makikita ni KR. Sinama din namin si Coco kasi namimiss na daw sya ni KR. Binigyan na din namin si KR ng mini white board at erasable marker para mas maiintindihan namin sya

Nakapasok kami sa loob ng dance studio ng maayos. Whooo! Bakit ba ako kinakabahan? Baka kasi bigla na lang sumulpot ang Twice at makita ni KR si Momo tapos magwawala na naman si KR eh ang hirap hirap nyang pakalmahin. Akala mo tutang inabuso ng may ari kaya ultimo hawakan mo lang o kaya kausapin kinakatakutan

Ilang beses na din yan ng nangyari kaya naawa ako kay KR. Minsan sa madaling araw bigla na lang magigising tapos magiiiyak. Hindi ko na ulit hahayaan na may mangyaring masama sa kanya. Di ko na alam kung anong pwedeng gawin ko sa taong magtatangka na manakit sa kanya

"KR upo ka lang jan ah tapos panoorin mo kaming sumayaw. Maglaro kayo ni Coco kung gusto mo" sabi ko kay KR na nakaupo sa couch kasama si Coco. Tumango tango naman sya bilang sagot

"Good. Banatay mo si KR, Coco ah?" sabi ko kay Coco. Tumahol ito kaya napangiti ako ng tipid. Ginulo ko muna yung buhok ni KR bago pumwesto sa harap ng salamin

"Panoorin mo kami KR ah?" sabi ni Bambam habang nakatingin sa reflection ni KR sa salamin

"Magaling ata tong sumayaw" dagdag pa ni Yugyeom. Tumingin si KR sa kanila at tumango tango

"Oh mag-start na tayo" sabi ni Jaebum at inistart na yung kanta

Nagsimula na kaming sumayaw at nagfocus na ako sa mga galaw ko. Nakailang ulit din kami at ibang kanta naman ang pinractice namin

Napatingin ako sa gawi ni KR at Coco. Halos matumba naman ako ng makitang wala sila doon. Nakita kong bukas yung pintuan kaya lalo akong kinabahan

"Teka lang guys hanapin ko lang si KR" sabi ko sa kanila kaya napatingin silang lahat sakin

"Anjan lang naman--- Mark hanapin mo na dali!" sagot ni Youngjae

"Baka makasalubong nya pa si Momo" sabi ni Jackson kaya agad akong lumabas ng studio para hanapin si KR. Pano kung hindi lang pala sa dance studio sya lumabas? Shit mahihirapan ako kung pati sa building lumabas sya. Patakbo kong nilibot ang floor kung nasan ako. KR nasan ka?

[Third Person's POV]

Habang abala si Mark sa paghahanap kay KR ay hindi nya alam na si KR ay napadpad malapit sa dance studio na nasa loob ay Twice

Parang bata na nakikipag habulan si KR kay Coco ng may makabangga sa kanya. Automatic na nagdive si KR sa sahig dahil sa lakas ng impact. Napahawak ito sa pwet nya at dahan dahan tumingin kung sino ang nakabangga nya. Nanigas sya sa pagkakasalampak sa sahig ng malaman nya kung sino yun

"Uh! Talagang hindi ka na nadala no? Tsss" sabi ni Momo at namewang. Hindi alam ni KR ang gagawin nya at nanatili lang syang nakatingin kay Momo. Lumapit si Momo kay KR at umupo na parang natatae para magkalevel sila ni KR. Sorry di alam ni Otor tawag sa upo na yun basta yun na daw yun

"You know what, dahil sayo nagbreak kami ni Mark! Nakipaghiwalay sya sakin dahil sayo!" sabi nito at dinuro duro yung noo ni KR. Tahimik lang si KR na nakatingin kay Momo kaya lalo itong nagalit

Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon