Chapter 11

1.4K 29 0
                                    

[Mark's POV]

"Sabi sayo Bambam susundan yan ni Mark hyung eh!"

"Talino mo talaga Yugyeom! Bilib ako sayo!"

"Wag nga kayong maingay! Ano pang purpose ng pagtatago natin kung magiingay lang din kayo!" mahinang sigaw ko sa kanila. Tulad ng sabi ni Yugyeom, sinusundan ko nga si Tomboy kasama nung Mamaw ba yun? Basta nakalimutan ko pangalan kaya Mamaw na lang. Una nilang pinuntahan ay mall kaya doble ingat kaming tatlo. Di lang si Tomboy ang tinataguan namin pati na rin fans namin. Malayo ang distansya namin kila tomboy para di kami mahalata at mukhang normal na tao lang din kami na nags-shopping, naka-disguise nga lang. Wig, cap, glass plus mask para hindi talaga kami mamukhaan

"Grabe ang tagal din nating di nakapag-lakad ng ganito kasama ng maraming tao" sabi ni Bambam habang tumitingin sa paligid. Tumango lang ako sa kanya. Di ko inaalis yung tingin ko kay Tomboy. Talagang naka-akbay sa kanya yung Mamaw na yun. Bakit ko nga ba sila sinusundan? Wala akong tiwala dun sa Mamaw eh! Baka mimiya kung anong gawin nya kay Tomboy ako pa may kasalanan. Napaiwas kaming tatlo ng tingin ng biglang lumingon si Tomboy sa part namin. Si Bambam at Yugyeom naman nagtuturo tapos biglang pumasok sa isang store. Shit those two! Bakit ba sila yung sinama ko. Sumunod na lang ako sa kanila

"Eto maganda Bambam bagay sayo"

"Sige hawakan mo lang magtitingin pa ako" hinawakan ko naman sila sa colar at hinila palabas. Ang bilis ng dalawang to ah!

"Hyung wait lang! Baka makasuhan pa ako ng magnanakaw!" sabi ni Yugyeom at basta na lang hinagis yung hawak nyang damit. Di ko sya pinansin at dirediretso sa paglalakad. Nasan na ba si Tomboy? Nakita ko agad sila na pasakay sa elevator. Shit! Humarap ako kila Bambam at Yugyeom

"Kayong dalawa. Hindi tayo nandito para mamili. Nandito tayo para bantayan si Tomboy" Ako

"Oo na hyung. Sabihin mo binabakuran mo lang yung asawa mo baka maagaw sayo" sabi ni Yugyeom at umakbay sakin. Tinanggal ko naman yun at sinamaan sya ng tingin

"Tara na. Wala na sila oh. Baka mimiya kung san na pumunta yun" Bambam. Oo nga pala! Agad akong napatakbo sa elevator. Tiningnan ko kung san ground sila papunta. 4th floor

"Maghandanan na lang tayo kesa hintayin sila" sabi ko at tumakbo pero pinigilan ako ni Yugyeom at tinuro sakin yung isang elevator na bukas. Pumasok na agad kami dun at pinindot yung 4th floor

"Sa sobrang pagmamadali ni Hyung di na nakapagiisip ng maayos HAHAHAHA" Yugyeom

"Nagtaka nga ako kung bakit maghahagdanan pa tayo eh may isa pang elevator HAHAHA" Bambam. Di ko sila pinansin at umiwas ng tingin. Di lang nakita na may elevator ganon na agad. Ang bagal naman ng elevator na to!

"Hyung chill ka lang" sabi ni Yugyeom at pinakita sakin yung cellphone nya

"Oh tapos?" anong interest ko sa mapa na may dalawang tuldok. To talagang si Yugyeom sarap tuktukan

"Di mo ba nakikita. Yan yung location ni KR. Binuksan ko kanina yung GPS ng cellphone nya para madali natin syang makita. Galing ko diba?" sabi nya at tinaas baba yung kilay nya. Tumango na lang ako. Kaya pala ang bilis nyang nalaman kung nasan sila tomboy. Bumukas na yung elevator at sinundan agad namin yung location ni Tomboy

"Ayun sa arcade!" sigaw ni Bambam kaya napatingin kaming dalawa ni Yugyeom dun. Naka-focus kasi kaming dalawa ni Yugyeom sa cellphone nya. Pumasok din kami sa arcade at bumili ng token yung dalawa

"Basketball tayo" sabi ni Tomboy at ngiting ngiti na tumingin kay Mamaw

"Tara!" sabi ni Mamaw at naglakad na sila papunta dun sa basketball station. Pigilan nyo ako puputulin ko braso ng Mamaw na to! Naka-akbay pa rin kay tomboy! Hinila ko si Yugyeom at Bambam sa basketball station. Magkatabi silang dalawa sa iisang station lang. Pwede naman magkahiwalay diba? Bakit sa isang station lang sila maglalaro?!

Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon