[KR's POV]
Agad akong nagsuot ng makapal na jacket at sapatos. Naka-jogging pants naman ako tsaka tshirt sa loob. Lumabas na ako at lumapit kay Mark na naka-mask at jacket din
"Di ba pwedeng si Manager Oppa na lang sumama sakin? Baka kasi mamukhaan ka ng fans mahirap na" sabi ko ng makalapit ako sa kanya
"Hindi yan" sabi nya at naglakad na palabas. Sa bagay gabi na naman. Sumunod ako sa kanya palabas. Nilabas ko yung cellphone ko at naglista ng mga bibilhin. Nagsearch na din ako ng mga recipe
*boink*
Napaatras ako ng konti ng masanggi ko yung nasa harapan ko. Bobo mo KR ayan tuloy nababangga ka. Mags-sorry sana ako pero si Mark lang pala yung nabangga ko
Nagulat ako ng suotan nya ako ng mask. Malapit na pala kami sa may parking lot. Eh? Marunong ba magdrive si Mark?
"Incase na mamukhaan ako ng fans ayos lang sakin pero ikaw hindi" sabi nya sakin at naglakad na papunta sa kotse ng Got7. Ano daw? Di ko na pinansin yung sinabi nyang hindi ko naman naintindihan at sumunod sa kanya
Pumasok na kami sa loob at inistart na nya yung kotse. Pinagpatuloy ko naman yung paglilista sa cellphone ko
Samgyupsal
Jajangmyeon
Ramyeon
Ice cream
Chickhen
Kimbap
Pizza
BurgerDinagdagan ko na ng mga gusto ko hihihi. Kaya ba namin ubusin tong mga to? OO! Sunod ko namang nilista yung mga ingredients ng mga pagkain na lulutuin
"Wala ba kayong schedule bukas?" tanong ko kay Mark pero sa cellphone pa rin ako nakatingin. Ang tahimik kasi eh tsaka para rak rak na mimiya celebration daw eh
"Wala naman" rinig kong sagot nya kaya tumango tango ako. Binalik ko na sa bulsa yung cellphone ko at tumingin sa labas. Woah~ Ganda talaga ng korea kapag gabi. Nakakarelax
"We're here" sabi ni Mark kaya napatingin ako sa unahan. May bukas pa pala na supermarket sa ganitong oras. Pagkatapos mag-park ni Mark ay lumabas na kami ng kotse. Inayos ko yung mask ko at kumuha ng malaking push cart. Tinulak ko na ito at nastart na mamili
"Ako na magtutulak" sabi ni Mark at sya na nagtulak
"Ikaw ah nagtutulak ka! Buti wala dito si Duterte kundi kanina ka pa nasa sahig" kumunot naman yung noo nya sa sinabi ko pffft! Ako lang nakaintindi sa sinabi ko. Umiling na lang ako at kumuha na ng mga kailangan
**************************
"Andito na kami" sabi ko habang pumapasok sa loob ng dorm. Ang dami naming binili! Humiram din ako sa staffs ng mga eletric stove para maluto agad. Tinulungan naman kami ng ibang members magbitbit
"WHOOO! Ang dami naman nito KR" sabi ni Youngjae ng maipasok namin lahat ng pinamili at nilagay sa dining table
"Sabi nyo kasi celebration eh hehehe" isa isa ko ng tinanggal sa plastic yung mga ingredients at hinati kung para san sya gagamitin. Nilagay ko agad sa freezer yung ice cream baka matunaw. Sa cooler naman yung softdrinks and SOJU HAHAHA Lasing ulit tong mga to
"Ako at si Bambam ang magluluto ng jajamyeon at samgyupsal, si Mark at Yugyeom naman sa Pizza at Burger, Jackson ikaw bahala sa Ramyeon, Jinyoung ikaw sa Chickhen, Jaebum at Youngjae kimbap naman sa inyo"
"YES BOSS!" sabi nila at kinuha yung mga ingredients na inasign ko sa kanila. Kami nila Bambam, Mark, Yugyeom ang naiwan dito sa kitchen tapos yung ibang member nandun sa living room. Dun namin nilagay yung ibang stove. Nagstart na kaming magluto. Orayt tiba tiba na naman ang tsan ko mimiya