[KR's POV]
Mabilis natapos amg fiesta at ngayon ay bagsak na lahat ng boys sa kwarto dahil sa dami ng ginawa nila ngayong araw at eto ako nakahiga sa kama at nagbabalak ng matulog. Limang araw dapat kami dito sa Pilipinas kaso pinapabalik na ulit sa Korea ang Got7. Um-oo na lang ako dahil wala naman akong magagawa trabaho nila yun eh yun ang unahin nila bago ako
Sa tatlong araw na yun ay nag-gala lang kami hindi manlang sila naka-experience ng tunay na relaxing time tapos ngayon pagod na pagod sila dahil kung ano ano pinag-gagawa nila dito sa fiesta
Hoy KR ang OA mo. Masama ma-stress ka kasi kakagaling mo lang sa sakit. Relax lang wag mo sisihin ang sarili mo kung bakit pagod ang Got7 okay? Masama yan baka bumalik ang trauma mo
Pinikit ko ang mga mata ko baka sakaling makatulog ako at tuluyan na nga akong nakatulog
*************************
Tatlong buwan na ang nakalipas ng makabalik kami dito sa Korea. Hectic na hectic ang schedule ng Got7. Aalis ng maaga uuwi ng madaling araw. Minsan di sila kumpleto kapag umuuwi o kaya dadaanan na lang nila ako. Ayon sa aking narinig ay naghahanda ang Got7 sa kanilang comeback kaya ayun ngudngod sila sa trabaho
Lagi lang akong mag-isa sa dorm kaya bored na bored ako lagi. Halos maging house keeper na nga ako mg dorm nila kasi ako taga-linis, laba, luto, taga-bantay kay Coco etc.
At eto ako ngayon di ko alam kung paano ko nalinis lahat ng kwarto nilang daig pa ang sinalanta ng bagyo. Umupo ako sa sofa at binuksan yung TV. Agad kong nilipat yung channel ng bumungad sakin ang MV ng Twice
Psssh~ Simula nung bumalik ako sa ulirat hindi ko na ulit nakikita si Momo. Matakot siya kapag nagkita kami kasi hindi katanggap tanggap ang ginawa niya sakin. Kahit matagal na yun hindi pa rin ako nakaka-move on. Minsan kapag sumasama ako sa Got7, kapag nasa mataas kaming building bigla na lang akong nanginginig tapos iiyak. Di ko pa kontrolado ang emosyon ko kaya iwas muna ako sa matataas
Nagulat ako ng marinig ang cellphone ko. Agad ko naman itong sinagot ng makitang manager ito ng Got7
"Oh?" walang ganang bungad ko dahil ngayon ko lang naramdaman ang pagod dahil sa paglilinis ko
["Mag-ayos ka ng gamit mo. Sama ka samin sa shooting ng Got7 maganda dun tsaka aabutin tayo ng ilang araw kaya magdala ka ng damit. I know that you're a bit bored in the dorm"] nawala ata lahat ng pagod ko ng marinig ang sinabi ni Manager. YAAAASSS!!! WHOOOOO!!! Makakalabas na ako ng dorm!
Pumasok agad ako sa kwarto at nag-ayos ng gamit
"Yes Manager eto na nagaayos na. Anong oras alis?" sabi ko habang nagaayos ng gamit
["I'm gonna pick you up at 2"] with that binaba na ni Manager ang tawag. TWO?! Eh twelve pm pa lang eh. Oh well mabuti ng prepared baka may makalimutan pa kahit hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Inayos ko na din ang gamit ni Coco para may kasama naman ako dun habang busy ang Got7
"Coco-ah aalis daw tayo sabi ni Manager! Excited na ako! Saan kaya tayo pupunta?" tanong ko kay Coco na katabi ko. Hindi ito tumahol pero winagayway niya lang ang kanyang buntot
Nagkibit balikat na lang ako bago pumunta sa kusina para kumain
Saan kaya kami pupunta? Tsaka wala akong idea sa comeback nila. Bahala na basta mage-enjoy ako ayos na
Inayos ko na yung pinagkainan ko at tumambay ulit sa sala
"KR!" lumingon ako sa pintuan ng may tumawag sa pangalan ko
"Akala ko ba 2? 12:30 pa lang ah" sabi ko ng si Manager yung tumawag sakin
"Maagang natapos yung Got7 kaya ngayon na tayo pupunta sa shooting area" sabi niya sakin. Tumango tango lang ako