[KR's POV]
Isang taon na ang nakalipas simula ng ikasal kami ni Mark. Inaamin namin na mahirap nga ang buhay may asawa pero hindi nito matatalo ang saya na nararamdaman namin kada gigising kami sa umaga at nasa tabi namin ang isa't isa sabay halik at bati ng good morning. Gustuhin man namin na manatili sa ganong posisyon pero kailangan naming bumango para magtrabaho
Oo may trabaho na ako at yun ay full time manager ng Got7. Buo pa rin ang grupo nila at patuloy na lumalago ang kanilang fanbase sa iba't ibang bansa kaya kailangan nila ng mas maraming staff kaya nag-apply na rin ako. Mahirap na baka may lumandi pa kay Mark habang nasa ibang bansa sila pero ayos lang din kasi may tiwala ako kay Mark. Baka samahan ko pa siya makipag-landian joke
Kasalukuyan kaming nagaayos para pumasok sa trabaho. Hanggang ngayon tago pa rin ang aming relasyon sa publiko pero karamihan ng nasa showbiz world ay alam na nilang kasal kami. Hindi naman kami nahirapang itago ang relasyon namin sa publiko dahil ang buong akala nga nila ay isa lang ako sa manager ng Got7 at syempre may kasama na itong pagiingat dahil mahirap ng mapagusapan pa ng publiko
Minsan naiisip ko na gusto kong ipagsigawan sa mundo na ako ang taong mahal ng taong pinagpapantasyahan niyo pero hindi ko magawa dahil takot din ako sa mga maari nilang sabihin tungkol sakin. Minsan ay napaguusapan din namin ni Mark ang topic na yan at balak niyang magpa-interview upang sabihin sa mundo na may babae na siyang minamahal at higit sa lahat ay kasal na kami. Pero sabi ko wag na lang dahil kami rin ang mahihirapan lalo na't lumalaki na ang bilang ng fans nila
"Hon tara na" tawag sakin ni Mark habang naka-ngiti. Hindi ko napansin na nakatulala pala ako sa kawalan. Mabilis kong sinara ang backpack ko na may lamang gamit naming dalawa at sumunod kay Mark. Sabay kaming sumakay sa kotse at pinaandar na niya ito patungo sa JYP Entertainment
May sarili na rin kaming apartment kaya hiwalay na kami sa mga members. Nakakamiss din silang kasama dahil kaming dalawa na lang ni Mark sa bahay kaya ang tahimik pero ayos na rin para may privacy din kaming mag-asawa. Nakatingin lang ako sa labas ng kotse habang si Mark ay nakatuon sa daan habang hawak ang isang kamay ko
Kung may maingay lang din sa bahay namin siguro hindi ko maiisip na ang lonely sa bahay. Minsan kasi kapag off duty ako magisa lang ako sa bahay. Si Mark kasi kulang na lang sa JYP Ent. na tumira pero naiintindihan ko naman siya. Gumagawa pa rin siya ng oras para sa akin at hindi siya pumapalya sa pagpapakilig sakin kahit sa mga maliliit na bagay. Pero mas masaya sana kung may makulit sa bahay, paikot ikot at puno siya ng sigla. Gigisingin ka sa madaling araw dahil gutom siya at iiyak kapag may nararamdamang kakaiba
"Mas masaya sana kung may anak tayo..." napahawak ako sa bibig ko ng masabi ng malakas yun. Narinig ko naman ang pagtawa ng malakas ni Mark kaya napatingin ako sa kanya
"Yan ba ang iniisip mo Hon kaya tulala ka jan sa labas?" sabi niya habang nakatingin pa rin sa daan pero nakakurba ang isang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. Bumuntong hininga na lang ako at tumingin ulit sa labas
"Oo" tipid kong sagot. Pero sa totoo lang parang pagod na pagod ako ngayon hindi ko rin alam kung bakit. Parang gusto ko lang matulog sa bahay. Naramdaman kong humigpit yung hawak niya sa kamay ko kaya napatingin ulit ako sa kanya
"Gusto mo bang mag-u turn ako jan wag na tayong pumasok. Sa bahay na lang tayo buong araw tapos magkatabi sa kama" sabi niya sakin at mabilis na tumingin sabay kindat at kagat sa labi niya. Automatic na tumaas ang lahat ng dugo ko sa mukha ko at pinalo siya sa braso
"Ano ba Mark!" sigaw ko kaya natawa siya. Lagi niya akong tinatawanan kapag inaasar niya ako sa mga ganyang bagay
"Ayaw mo nun malay natin matupad na yung gusto mong baby" dagdag niya pa habang natawa pa rin. Napahawak na lang ko sa mukha ko dahil ramdam na ramdam ko ang pag-init nito
BINABASA MO ANG
Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)
Fiksi PenggemarWe're married! Secretly 😉