[Mark's POV]
"KR!" tinapik tapik ko yung mukha nya pero hindi sya namulat. Sobrang putla nya at nanunuyo ang mga labi. Binuhat ko sya
"Jaebum ihanda nyo yung van dali!" sigaw ko sa kanila. Tumakbo naman sila pababa at sumunod lang ako. Si Jaebum, Bambam, Yugyeom at Mamaw yung kasama ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng kaba. Akala ko mawawala na si KR sakin. Agad kaming sumakay sa van at si Mamaw na yung nagdrive. Yakap yakap ko pa rin si KR habang nasa byahe kami. Chinecheck ko rin yung paghinga nya. Natatakot ako. Nakarating kami sa ospital at agad namin syang dinala sa emergency room
"Sir ano pong nangyari?" sabi sakin nung nurse habang binababa ko si KR sa hospital bed
"Hinimatay sya. Please assist nyo na agad sya" sagot ko. Tumango naman sya at may binigay na papel
"Relative nya po ba kayo? Paki fill up na lang po nito. Maghintay na lang po kayo sa labas" kumuha ako ng ballpen bago lumabas. Lahat sila nakaupo dun sa labas. Umupo ako sa tabi ni Jaebum at finill upan yung form
"Kamusta si KR?" tanong sakin ni Jaebum
"Wala pang sinasabi" sagot ko
"Ikaw may gawa nito no? Umamin ka!" napalingon ako sa sumigaw. Nakatungo si Momo habang nakatingin sa kanya si Mamaw ng masama. Tumayo si Bambam at hinawakan yung braso ni Mamawe
"Mawe babae yan hinaan mo lang boses mo" Bambam. Tinanggal ni Mawe yung hawak ni Bambam sa braso nya
"Bakit babae rin naman si KR ah" tumingin ulit si Mamaw kay Momo
"Hindi nga sabi eh"
"Ano yun? Trip ni KR bumitin sa dulo ng building? Na ilalagay nya sa pahamak ang buhay nya? Hindi ganun si KR! Kilala ko sya!" natapos ako sa pagfifill at binigay muna yun kay Jaebum. Tumayo ako at pumagitna sa kanila
"Mark hindi ko kasalanan yun mani--"
"Shut up"
"Ha?"
"I said shut up. Follow me" sabi ko kay Momo. Tumingin ako kay Mamaw
"Akong bahala kumalma ka lang. Magiging ayos din si KR" yun na lang ang sinabi ko at naglakad na palayo. Sumunod naman sakin si Momo. Galit na galit ako ngayon. Muntik ng mawala sakin si KR dahil sa babaeng mahal ko. Erase that, hindi ko na pala mahal si Momo. Hindi ko rin alam kung paano nangyari. Basta nawala na lang yung nararamdaman ko sa kanya. Nung party, dun ko naramdan na wala na talaga at sa iba na nababaling ang atensyon ko. Sasabihin ko na sa kanya ngayon. Pumunta kami sa isang bakanteng lote
"Admit it Momo" bungad ko
"Mark maniwala ka sakin hindi ko ginawa yun!" tiningnan ko ng blanko si Momo at hindi sumagot
"So pinaniniwalaan mo sila? Mark hindi nga sabi ako may gawa eh! Sabihin mo dun sa lalaking yun na hindi ako ang gumawa. Basta na sya nagbibintang hindi nya naman nakita!" sabi nya at umirap. Naikuyom ko ang kamao ko at sinamaan sya ng tingin
"Nakita ko ang lahat" nakitang kong nagulat sya pero agad ding bumalik sa dati
"Bumili ako ng coffee para sa kanila. Habang pabalik ako sa condo ay nakita ko kayong dalawa sa roof top. Nasa baba ako kaya kitang kita ko kung paano mo tinulak si KR. Anong dahilan at ginawa mo yun Momo?!" Hindi ko maiwasang di magtaas ng boses. Namutla sya sa mga sinabi ko. Lalong nawala ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya
"Mark nagawa ko lang yun dahil mahal kita. Ayoko ng may ibang babae na umaaligid sayo---"
"So lahat ng babaeng lalapit sakin papatayin mo? Malala ka na Momo. Hindi basta bastang babae lang si KR. Importante sya sakin. Let's break up" pinutol ko yung sasabihin nya at kasama nun ang pagputol ng relasyon namin. Natigilan sya sa huli ko sinabi. Unti unting namuo ang luha sa mga mata nya. Dati ayaw na ayaw kong umiiyak sya ngayon wala na lang. Niyakap nya ako at umiyak. Kumakalas ako pero hinihigpitan nya lalo yung hawak nya sakin
![](https://img.wattpad.com/cover/75339673-288-k693401.jpg)