Chapter 33

928 31 0
                                    

[KR's POV]

Naabutan naming may sarisariling mundo sila ng makabalik kami sa room

Humiwalay sakin si Jaebum at lumapit sa ibang members. Ako naman ay dumiretso sa tabi ni Mark na hanggang ngayon ay wala pa ring kibo

"Mark sorry" hindi ko alam pero guilty ako sa nangyari sa kanya. Tumingin siya sakin. Ako naman ang umiwas ng tingin dahil ang lamig ng tingin niya sakin. Hindi ko alam kung sino ang may kasalanan kasi hindi ko naman sinabi na sumunod siya sakin sa loob. Wala akong kasalanan pero guilty ako

"Don't be" sabi niya ng sobrang lamig na tono. Natatakot ako sa kanya ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi nga ako makatingin sa kanya ng diretso

"Sorry" sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Narinig kong bumuntong hininga siya at umayos ng upo

"Wala kang kasalanan"

"Alam ko pero parang meron. Hindi ko alam kung ano pero parang meron" patuloy ako sa pagiyak. Naramdaman kong hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko

"Kapag sinabi kong wala, Wala. Understand?" inangat niya ang ulo ko at nagtama ang mga mata namin. May buhay ang kanyang mga mata at malawak siyang nakangiti

Parang nabunutan ako ng tinik sa puso at nakahinga ako ng maluwag. It's so comfortable sitting besise him while holding me softly. Gosh I can't believe I fell for him. I don't know how long it will last but as long as I can keep it a secret I will. For his and my sake

******************************

"CUT!" sigaw ni Direct. Madali kong kinuha yung bag at lumapit kay Mark. Tinanggal ni Mark yung jacket niya at binigay sakin. Umupo siya sa isang upuan at todo paypay naman ako para hindi siya pagpawisan. Nako pag nangyari yun mangangati na naman siya

"Tubig" inabutan ko siya ng bottled water. Kinuha niya ito at diretsong ininom

Nagsh-shoot sila ngayon ng MV. Binago lahat ng schedule tsaka theme. Lahat ng scene ay sa loob lang ng studio ginawa para iwas sunog. Tapos may apoy yung ibang scene nila kaya doble ingat kami dahilan na rin kung bakit sobrang init dito sa loob

"Nice one. Okay next scene na tayo kaya magbreak muna kayo dahil mag-aayos pa kami" sabi ni Direct at naging busy na ulit ang lahat. Nakasunod ako kay Mark papuntang sa dressing room dahil magpapalit na din sila ng damit. Nandun ang ibang members na busy din. Umupo lang ako sa tabi dahil wala naman akong trabaho dito

"KR tulungan mo nga ako dito" sabi ni Mark na nasa loob ng palitan ng damit. Iniwan ko yung gamit sa upuan ko at naglakad papunta dun

"Ano ba yun?" hinawi ko yung kurtina. Hinila niya ako papasok at sinara yung kurtina. Nangarera na naman ang puso at nahirapan akong huminga

"Aish! Pwede naman akong papasukin ng maayos!" lumayo agad ako sa kanya at hinampas siya sa braso. Napakamot siya sa batok niya

"Sorry. Hindi ko ma-zipper to" napatingin ako sa salamin at ngayon ko lang napansin na bukas yung sa likod niya

"Oh siya talikod" tumalikod siya sakin at zinipper ko yung damit niya

"Hindi mo naman ako kailangan alagaan 24/7. Hindi na ako bata
" sabi niya at naglakad na kami palabas. Umupo kami sa bakanteng upuan. Bumuntong hininga ako. Paulit ulit na niyang sinasabi sakin yan

"Kasi nga diba kailangan kitang alagaan kasi matigas yang ulo mo" sabi ko at tinuro yung ulo niya

"Uy hindi ah. Good boy kaya ako" sabi niya at binababa yung kamay ko

Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon