Chapter 41

903 23 0
                                    

[KR's POV]

Nasa lobby na kami hanbang naglalakad palabas ng may humarang sa daanan namin. Hindi ko agad sila nakilala dahil nakatingin ako sa baba

"Where do you think your going?" maarteng tanong ng isa sa kanila. Bading ba to? May pagka-british accent pa yung salita niya. Inangat ko ang ulo ko at nagulat sa nakita ko

"KR!" sabi nilang lahat bago ako dinambahan ng yakap. Yumakap din ako sa kanila. Ilang segundo kaming nasa ganong position bago humiwalay sa isa't isa

"Hindi mo manlang sinabi na ngayon alis mo!" padabog na sabi ni Yugyeom at nag-pout

"Kung hindi pa sasabihin samin ni Bamban hindi pa namin malalaman" dagdag ni Youngjae na nakasimangot

"WAAAAAH!!! KR MAMIMISS KITA!" sabi ni Jackson at yumakap sa binti ko

"Uy baliw! Tamayo ka nga jan!" natatawang sabi ko dahil mukhang bata si Jackson sa binti ko. Mariin siyang umiling at mas hinigpitan pa ang yakap sa binti ko

"Si Hyung nga parang baliw. Bibisita pa rin naman dito si KR. Diba?" sabi ni Jinyoung habang nakangiti ng tipid. Ngumiti din ako at muling tumingin kay Jackson

"Mga ilang minuto na lang" sabi ni Jackson at nanatili sa binti ko. Natawa na lang kaming lahat sa pagiging clingy niya

"Ingat ka dun KR. Naiintindihan namin ang naging desisyon mo" napatingin ako kay Jaebum ng magsalita siya

"Basta tandaan mo KR nandito lang kami para sayo" saad naman ni Bambam. Tumingin ako sa mga mukha ng mga members. Lahat sila ay may ngiti sa mukha pati si Jackson na nakapulupot pa rin sa binti ko

Gumuhit din ang isang tipid na ngiti sa aking labi habang nangingilid ang mga luha

"Maraming salamat sa inyo. Bibisita naman ako dito kaya wag kayong magalala. Alam ko naman mamimiss niyo ang kagandahan ko" natawa kaming lahat dahil sa sinabi ko

"GROUP HUG!!!" sigaw ni Yugyeom. Tulad ng sinabi niya ay nag-group hug nga kami

"Hindi ba pwedeng hindi ka na umalis?" tanong sakin ni Bambam ng humiwalay na kami sa isa't isa

"Kung pwede lang pero kailangan" binigyan ko siya ng ngiti na ginantihan niya rin

"KR" tawag sakin ni Mawe. Napabuntong hininga ako at tumingin sa bawat ng mata ng mga members

"Kailangan ko ng umalis. Ingatan niyo ang mga sarili niyo. Maraming salamat dahil natanggap niyo ulit si Mark. Bibisita ako dito pangako yan" sabi ko sa kanila. Ngumiti lang sila sakin pero bakas sa mga mukha nila ang lungkot

"Wala na akong maasar" sabi ni Yugyeom na ikinatawa ko

"Wala ng magluluto satin ng Adibi" dagdag ni Jinyoung na nagpaalala sakin ng mga alaala na magkakasama kaming lahat

"Wag nga kayong ganyan. Di pa naman ako mamatay" pabirong sabi ko kahit nagbabadya ng kumawala ang mga luha ko

"Wala ng gaganti sa mga hampas ko" Youngjae

"Wala na akong food buddy" Jackson

"Wala ng malakas ang bunganga sa dorm" Jaebum

"Wala na akong bestfriend" Bambam

Hindi ko napigilan ang mga luha ko at umagos na sila pababa sa mukha ko

"Kayo naman eh pinapaiyak niyo ako!" sabi ko sa kanila habang pinupunasan ang mga luha ko

Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon