[KR's POV]
"Wala ka na bang nakalimutan?" Tanong sakin ni Mark habang nilalabas namin ang maleta at bag na dadalhin namin sa L.A. Muli ko itong tinangnan para masiguradong wala nga akong nakalimutan
"Wala na" sabi ko ng masigurado na ayos na ang mga gamit ko. Ramdam ko pa rin ang kirot sa aking ulo kaya nakahawak ako sa braso ni Mark
Medyo naparami yung inom ko kagabi medyo lang naman. Akala ko kasi mga hapon o gabi na kami aalis eh alas-singko pa lang ng umaga ngayon! Tulog pa yung ibang members except kay Jaebum na nagaayos na rin ng gamit
"Ingat kayo dun ha" sabi ni Jaebum samin. Sabay kaming lumingon ni Mark at ngumiti
"Ikaw din hyung" sabi ni Mark at tinapik sa balikat si Jaebum
"Babalik din kami agad" sabi ko habang malawak na nakangiti
"Kayong dalawa lang nandun Mark. Kapag hindi nakapagpigil condom lang katapat tsaka pills" parang umakyat lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko sa sobrang pula at napaiwas ng tingin samantalang si Mark naman ay may nakakalokong ngiti lang sa kanyang mukha. Sinuntok ko ng malakas si Mark sa braso at tinapunan ng masasamang tingin
"HAHAHA wala akong ginagawa!" sabi niya habang nakahawak sa braso niya
"Yung mukha mo kasi!" sigaw ko
"Gwapo?" dagdag niya sa sinabi ko
"Ewan sayo!" sabi ko at padabog na naglakad palabas habang hila hila ang maleta ko. Narinig ko ang mga yabag niya sa likuran ko kaya binagalan ko ang paglalakad ko
(A/N: Amp! Ang pabebe ni KR!)
Shut up author abot dito yung bunganga mo
(A/N: Ay sorry. Kung ako sayo susunggaban ko na agad si Mark)
Baliw talaga tong author na'to
Natigil ang paguusap namin ni Author ng may yumakap sakin galing sa likod
"To naman si Honey di na mabiro" sabi niya sa malambing na tono. Napairap ako ng maramdaman ang kilig sa aking katawan. Hindi ako sumagot pero humarap ako sa kanya habang nakayakap pa rin siya sa bewang ko. Mahina siyang natawa ng salubungin ko siya ng nakasimangot
"Sorry po" sabi niya at pinagdikit ang noo namin. Nararamdaman ko ang hininga niya at amoy na amoy ko ang nakakalulong niyang pabango
"Oo na" sabi ko at bahagya siyang nilayo sakin at ngumiti ng malawak. Sabay kaming napatingin sa cellphone niya ng tumunog ito
Lumaki ang mga mata namin at napatakbo papuntang parking lot. Hindi na namin naisip kung may makakakita samin ni Mark dahil late na kami as in LATE. Thanks Bambam sa pagtext samin at nakita namin kung anong oras na. Madali kaming sumakay ni Mark sa kotse at basta na lang namin pinasok sa backseat yung mga gamit namin bago pumasok sa loob
"Ang landi mo kasi" sabi ko ng nasa byahe na kami. Parehas kaming natawa sa sinabi ko
"I'm just being sweet" protesta niya sakin. Napailing na lang ako habang nakangiti at tumingin sa daanan. Mabuti na lang at madaling araw pa lang kaya hindi kami nahirapan makapunta sa airport. Pinark ito ni Mark at tinext kay manager ang location ng kotse para hindi sila mahirapan hanapin ito mimiya. Kinuha ko yung mga gamit ko at tinulungan ako ni Mark dalhin yung mga yun. Nag-suot kaming dalawa ni Mark para hindi kami makilala ng mga tao. Sakto yung dating namin nagpapasok na sila ng mga pasahero sa erplano. Sa may bintana ako pumwesto habang katabi ko si Mark. Tinanggal na namin yung mask namin para makahinga kami ng maayos