Chapter 44

884 21 1
                                    

[KR's POV]

Isang salita lang ang masasabi ko

WOW!

Ang lawak ng bahay nila Mark. Hindi ko inakala na ganito kalawak ang loob nito. Napako na ata ako sa kinakatayuan ko kakalibot ng paningin ko

"Keara!" napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko

Si Mr. and Mrs. Tuan!

Hindi ko makakalimutan ang first meeting namin >.< Kahit naiilang ako ay hinayaan ko na lang silang yakapin ako. Nakakahiya kaya kay Mark kung iisnobin ko mga magulang niya. Ngumiti ako ng malawak ng humarap sila sakin

"May pawalk out ka pang nalalaman mahuhulog ka din pala dito sa anak namin" nakakalokong sabi ni Mrs. Tuan na ikinapula ng tenga ko. Narinig kong natawa si Mark ng mahina kaya lalong namula ang mga tenga ko

"Ikaw Mark baka pinapahirapan mo si Keara dun sa Korea" mariin akong tumango bilang pagsang ayon sa sinabi ni Mr. Tuan. Natawa silang dalawa ni Mrs. Tuan sa naging reaksyon ko

"Hindi na kaya. Mahal na mahal nga kita eh" parang mga teenager na kinilig sila Mr. and Mrs. Tuan sa inasta ng kanilang anak

"Mark may pag-ganon ka na ha hahahaha" sabi ni Mrs. Tuan at mahinang pinalo si Mark sa braso

"Mana ka talaga sakin" sabi ni Mr. Tuan na proud na proud

"Mom and Dad na ang itawag mo samin Keara ah" sabi ni Mrs. Tuan sakin bago kumindat

"Sige po Mom" sabay kaming natawa ni Mrs---ay ni Mom sa sinabi ko

"Doon sa taas yung kwarto niyo. Yung kwarto ni Tammy inayos ko talaga yun para sayo Keara. Yung kwarto mo Mark ganon pa rin. Syempre magkahiwalay kayo ng kwarto! Bawal pa yun" sabi ni Dad. Namula ulit ang mukha ko at napaiwas ng tingin. Bakit ba yun na lang lagi ang topic? >.<

"Hindi po Dad hahaha kaya ko naman kontrolin ang sarili ko" hinampas ko ng malakas si Mark dahil sa sinabi niya. Kaya daw eh halos marape na nga niya ako =___=

"AHAHAHA siguraduhin mo lang Mark. Sige umakyat na kaya mukhang pagod si Keara" sabi ni Mom kaya ngumiti ako bago sumunod kay Mark. Baka maligaw ako sa laki ng bahay nila mabuti ng sumunod kay Mark. Huminto si Mark sa isang pintuan kung saan nandon yung mga gamit ko. Talagang dinala to ni Holly dito ah? HAHAHA utusan lang pala yun ni Mark eh

"Dito yung magiging kwarto mo" sabi ni Mark at tinuro yung katapat na pintuan. Tumango ako at kinuha na yung mga gamit ko. Ngumiti ako bago binuksan yung kwarto at pumasok sa loob

"Kailangan mo ba ng tulong?" tanong sakin ni Mark bago ako makapasok sa loob

"Hindi. Thank you na lang" sabi ko at tuluyan ng pumasok sa loob

"Wow" sabi ko ng makita ang loob nito. Mas malaki pa ito kesa sa kwarto ko sa Pilipinas

Nilagay ko na yung mga gamit ko sa loob ng closet dahil magtatagal kami dito ng anim na araw. Pagkatapos kong ilagay yung mga gamit ko sa closet ay sandali kong nilibot yung kwarto. Kulay white and beige yung walls niya. May sarili itong banyo at may mini sofa din sa loob. May study table at katabi nito ang isang bookshelf. May bintana din ito na may space para upuan. In short ang ganda ng kwarto na'to Hindi na ako nakakaramdam ng kahit anong pagod o sakit ng ulo kaya napagpasyahan kong lumabas na lang ng kwarto para puntahan si Mark

"Mark" tawag ko habang kumakatok sa pintuan niya. Kumunot ang noo ko ng iba ang nagbukas ng pintuan niya

"Yes?" tanong ni Holly habang naka-dungaw sa pintuan. Inirapan ko siya at binuksan ng tuluyan yung pintuan para makapasok ako. Nakita kong nakaupo si Mark sa kama niya habang inaayos yung mga damit niya

Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon