[KR's POV]
"HAHAHAHA!!! I really had a great time today!" sabi ko kay Mawe. Nasa loob na kami ng elevator papunta sa dorm ng Got7
"Luge ako sayo eh. Naubos ang pera ko!" nakasimangot na sabi niya habang naka-cross arms
"That is what you called Stress eating tsaka ikaw na nagvolunteer na ilibre ako kaya sinulit ko na" bumukas yung elevator kaya naglakad na kami palabas
"Oo na. Nanakawan pa ako ng baboy" kinurot ko siya sa tagiliran na ikinangiwi niya
Nasa tapat na kami ng pintuan ng dorm ng Got7. Kumunot ang noo ko ng makitang bukas ito ng konti
Hindi ko naman to nakalimutan isara kanina ah?
"Bakit?" tanong sakin ni Mawe ng tumigil ako
"Tingnan mo oh bukas yung dorm nila" sabi ko kay Mawe at tinuro yung pintuan. Tiningnan niya ito at kumunot din ang noo
"Hala baka minumulto ka na talaga KR" hinampas ko siya ng malakas ng sabihin niya iyon
"Gago hindi totoo yun. Tara na nga" sabi ko at lakas loob na binuksan ang pintuan
Natigilan ako sa nakita ko. Parang tumigil ang buong mundo ng magtama ang mga mata namin. Agad na nag-unahan ang luha sa aking mga mata dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Napangiti ako at patakbong lumapit sa kanya
"Mark!" payakap na ako sa kanya pero pinigilan niya ako. Pinunasan ko ang aking mga luha at nagtaka sa ginawa niya
"Let's talk" natulala ako sa sobrang lamig ng tono ng boses niya. Nilayo niya ako sa kanya at naglakad papasok sa kwarto
Tila binuhusan ako ng malamig ba tubig ng gawin niya sakin iyon
Anong ibig sabihin nito?
"Ano problema nun?" hindi ko napansin na nakalapit na pala sakin si Mawe. Hindi ako sumagot at sumunod kay Mark sa kwarto
Nakita ko siya nakaupo sa kama habang nakakuyom ang kamao. Natakot ako sa kinikilos niya kaya nanatili akong nakatayo sa may pintuan
"Close the door" parang maamong tupa kong sinunod agad ang utos ni Mark
"WHAT IS THE MEANING OF THIS?!" nagulat ako sa sigaw ni Mark kaya hindi agad ako naka-ilag sa phone na palapit sakin. Napahawak ako sa mukha ko kung saan ito tumama
Mabilis na tumulo ang aking mga luha ng maramdaman ang paghapdi nito. Namuo ang pagkalito sa isip ko dahil hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya
"ANSWER ME!" nanigas ako sa kinakatayuan ko ng muli siyang sumigaw. Patuloy lang ako sa pagiyak habang nakatingin sa baba
"Pick up that damn phone and look what have you done!" agad kong pinulot yung phone niya at tiningnan kung ano iyon
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig at natuyo ang lalamunan ko ng makita kung ano yung nandon
Kaming dalawa ni Mawe na magkayakap at kumot lang ang panakip sa katawan
"H-hin-di ito t-to-too" nauutal kong sabi at lakas loob na tumingin sa kanya. Umaapoy ang mga mata nito sa galit at nagiigting ang mga bagang
"Fuck! Nawala lang ako tapos eto yung mababalitaan ko?!" napatingin ako sa baba ng muli siyang sumigaw
Hindi talaga ito totoo at alam ko sa sarili ko iyon. Magkahiwalay kami ng kama ni Mawe at kahit kailan ay hinding hindi magagawa sakin ni Mawe ang bagay na ito. Hindi ko rin alam kung sino ang kumuha ng litratong to
![](https://img.wattpad.com/cover/75339673-288-k693401.jpg)