Chapter 37

814 23 0
                                    

[Mark's POV]

Busy ang lahat dito sa backstage at may kanya kanyang ginagawa. Tinry kong tawagan si KR pero hindi siya nasagot

Gusto ko marinig boses niya bago kami magperform. Bakit ba kasi hindi siya sinama dito =___= Ibang lalaki pa tuloy kasama niya at hindi ako

"Hyung bakit ganyan mukha mo?" tumingin ako kay Bambam. Sumimangot lang ako at umiwas ng tingin

"Hindi kasi sinasagot ni KR tawag niya" hindi ko pinansin si Jackson na umakbay pa sakin

"Baka tulog na. 2 am na kaya sa Korea" sabi ni Bambam kaya napatingin ako sa kanya. Napasapo ako sa aking noo ng maalala kong hindi nga pala parehas oras namin

"Ayos lang yan Mark hyung. Makakauwi din tayo" sabi ni Jackson at pinat ang likod ko. Huminga ako ng malalim bago tumango. Ngumiti sila sakin at nagsimula ng maglagay ng mic at earphones. Ganon din ang ginawa ko

Miss ko na si KR. Ang malakas niyang bunganga at hampas. I miss her scent, her smile, her laugh and everything about her

"Why would I? Oo namimiss na kita at gusto kong nandito ka sa tabi ko pero hindi ko naman hahayaan na maging hadlang ako sa kasayahan at pangarap mo"

Napangiti ako ng maalala ang sinabi niya sakin. Ginanahan tuloy ako magperform!

"GOT7 Standby!" sigaw ng stage director namin. Naglapitan na kami sa entrance ng stage at naghanda

I am doing this for both of us KR. I want to make you proud of me and to Got7's fans

************************

"AYGAGO!" Sigaw ko ng biglang umapoy yung pan. Agad namang pinatay ni Mawe yung stove at binuhusan ng tubig

"Muntik mo ng masunog dorm ng Got7" sabi niya habang binubuksan yung mga bintana. Napatingin na lang ako sa baba at napakamot sa batok

Tinry kong magluto ng mga bagong korean food para pagdating ni Mark maipagluluto ko siya ng mga bagong dish kaso palpak ako

"Next time na lang KR kanina ka pa dito sa kusina" sabi niya at sinimulang linisin ang kalat na gawa ko. Tumulong na din ako sa paglilinis

"Para hindi ka mabored tara na lang mag-gala" kuminang ang mga mata ko ng marinig ang sinabi niya

"TALAGA?! Sige magaayos na ako ah. Bahala ka na jan HAHAHAHA!" sabi ko at dumiretso sa kwarto

Ahe! Matagal tagal na din akong hindi nakakalabas ng bahay kaya excited ako. Isang linggo na palang nandito si Mawe at wala kaming ginawa kundi manood ng movies, kdramas, anime at kumain ng kumain

"Tapos na ako!" sabi ko at lumabas na ng kwarto. Naabutan ko siyang naka-ayos na din habang nakaupo sa sofa

"Ang bilis mag-change outfit ah" sabi ko at lumapit sa kanya. Nginitian niya lang ako at tumayo na

"Tara na?" tanong niya. Tumango at nagsimula na kaming maglakad palabas

"FREE AT LAST!" sabi ko habang naka-open arms ng makalabas kami

"Ngayon ka lang ba nakawala sa koral?" Tanong niya sakin at tumabi

"Ngayon lang talaga" sabi ko at nagsimula ng maglakad. Naramdaman ko na tumabi siya sakin pero hindi ko ito pinansin

WAAAAH! Namiss kong lumabas. Nilibot ko yung mata ko. Wala namang nagbago. Ganon pa rin naman ang itsura ng Korea

"Libre mo ko nun" sabi ko kay Mawe at tinuro ang nakita kong bilihan ng tteokbokkie

Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon