[KR's POV]
Hindi ko alam kung gaano kami katagal magkayakap. Ayaw ko ng kumalas dahil natatakot akong panaginip lang ng lahat. Pero mali ako. Totoo lahat ng ito
"Kailangan mo ng bumalik sa loob baka hinahanap ka na nila" sabi ko kaya humiwalay kami sa isa't isa. Tila naka-ukit na sa aming mga mukha ang isang malawak na ngiti at hindi matanggal tanggal
"Pa-isa lang" bago pa ako maka-kibo ay mas mabilis pa sa kidlat niyang na-angkin ang aking mga labi bago tumakbo pabalik sa loob
"Mark Tuan!" iritado kong sigaw kahit wala na siya sa paningin ko. Napailing na lang ako at tumingin sa labas
Hindi na ako babalik sa Pilipinas. I choose to stay here. I'm happy here so why would I leave
Naramdaman kong magvibrate ang phone ko kaya madali ko itong kinuha. Text galing kay Mawe
"KR pabalik na akong Pilipinas. Pinadala ko sa SG yung gamit mo sa room ng Got7. Naiintindihan kita at alam ko kung gaano mo kamahal si Mark kahit ilang beses mong sabihin na naka-move on ka na kahit hindi pa. Ingat ka dyan. Tandaan mo mas mabilis pa ako kay Superman kapag tumawag ka"
Napa-ngiti ako matapos kong basahin ang text ni Mawe sakin. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binigyan niya ako ng mabuting kaibigan tulad ni Mawe. Hindi na ako nag-reply at binalik sa bulsa ko ang phone ko. Naglakad ako papunta sa concert hall at bumalik sa dati kong pwesto
Hindi tulad kanina. Puno ng sigla at saya si Mark habang nagpe-perform sila. Napa-ngiti ako at komportableng sumandal sa aking upuan. Napaka-gaan ng pakiramdam ko ngayon. Nawala lahat ng bigat at sakit na araw araw at gabi gabi kong nararanasan. Napalitan ito ng walang katumbas na kasiyahan.
"Talagang hindi ka pa nadadala?" napatingin ako sa likod ko kung saan nanggaling ang pamilyar na boses. Tinaasan ko lang siya ng kilay ng makita kung gaano kabalot ang suot niya at halos hindi ko na makita ang mukha niya. Hindi ako sumagot at nanatiling nakaupo sa pwesto ko
"I almost kill you and you're still here! Manhid ka ba? Hindi mo ba nararamdaman na ayaw kong nandito ka at umaaligid kay Mark!" sigaw niya pero nanaig ang ingay ng mga fans kaya parang nasa normal na tono lang ang kanyang boses
Tsss this immature brat. Hindi ba siya titigil? Sawa na ako sa mga pinagsasabi niya eh. Nako pag hindi ako nakapag-timpi isusumbong ko talaga to kay JYP-nim ng masibak na sa Twice. Legal ako dun
Lalong sumama ang mukha niya ng manatili akong tahimik. Bahala ka dyan sa buhay mo! Sasandal na ulit sana ako sa aking upuan ng may sabihin siyang hindi ko inaasahan
"I send that damn photo to Mark" lahat ata ng dugo sa katawan ko ay napunta sa ulo ko at konti na lang ay sasabog na ako sa galit. Huminga ako ng malalim at tumayo sa aking pwesto bago siya tapunan ng masamang tingin
KR ayos na kayo ni Mark. Wala na yung picture na yun sa inyo. Hindi yun totoo at peke lang. Palihim kong in-on ang record ng cellphone ko at lumapit kay Momo
You're dead
"Ano yung sinabi mo Momo?" inosente kong tanong kahit sa kaloob looban ko ay gusto ko ng patayin si Momo. This girl is really getting on my nerves!
"Ako ang nag-send kay Mark nung picture. I want to thank the power of technology for making a such master piece. Naniwala siyang totoo diba?" nakangising sabi niya sakin. Ngumisi din ako sa kanya at bahagyang napatawa
"Oo naniwala siya pero mas nanaig ang pagmamahalan namin kaya andito pa rin ako at mahal pa rin ako ni Mark" nakita ko kung paano nag-igting ang kanyang mga bagang at bumilog ang kamao