[KR's POV]
Mabilis lumipas ang oras at alas onse na agad ng gabi. Halos lahat ata ng adult ride nasakyan na namin kaya lulang lula na si Youngjae at Jackson HAHAHAHA Napagdesisyunan namin na ferris wheel na ang huli naming sakyan bago kami umuwi
"5 persons lang daw" sabi ni Migo samin. Tinanong niya kasi dun sa worker kung ilan ang kasya sa isang ride
"Eh 12 tayong lahat" sabi Jaebum
"Tig-five tapos hiwalay yung dalawa" Jinyoung
"Syempre alam na natin kung sino yung dalawang yun" sabi ni Yugyeom at tumingin ng nakakaloko samin ni Mark. Napatingin naman ako kay Mark at ganon din siya sakin
"A-ayos lang sakin..." sabi ko sa kanila at umiwas ng tingin kay Mark
"Aayiiiieee~ Ikaw Mark ayos lang?" tanong ni Yugyeom kay Mark
"Oo" dahil sa sagot ni Mark yung puso ko parang kabayong nangangarera na naman
"AAAAYYYYIIIIIIEEEEE!!!" sigaw nilang lahat ng marinig yung sagot ni Mark
"Oy tayo na oh" sabi ni Joey at pumasok na kami. Unang nakasakay yung apat na unggoy. Kasama nila si Jackson tapos yung sumunod naman yung ibang members ng Got7 hanggang sa kaming dalawa na ni Mark yung sumakay
Unti unting tumaas yung ride. Tahimik lang kaming dalawa ni Mark. Tumingin na lang ako sa baba para hindi ako masyadong ma-awkwardan
"Ayos ka na? Wala bang sumasakit sayo?" Nagulat ako ng biglang magsalita si Mark
"Ah... Oo. Maayos na ako" sabi ko at ngumiti
"Mabuti naman kung ganon" sabi niya. Hindi na ako sumagot dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko
"Tutal ngayon lang tayo nagkaroon ng time magusap ng hindi nag-aaway bakit hindi natin sulitin. Tell me something about you KR" napatingin ako sa kanya. Wow ha out of the blue topic
"Sige bet ko yan. Wag mo akong aasarin sa mga sasabihin ko ah. Tsaka dapat ikaw din magkwento!" natawa siya ng mahina sa sinabi ko
"I promise" ngumiti naman ako at nagisip kung ano bang pwedeng ikwento kay Mark. Siguro mabuti na rin tong magusap kami. Cool off muna kami sa pag-aaway
"Hhmm~ Simpleng abnormal lang naman ako na babae eh. Boyish, hindi mahilig sa mga girly things, one and only child, anak ako ng business man at isang---"
"Alam ko na yan. Obvious naman abnormal at tomboy ka. Pati family background mo alam ko na din" putol ni Mark sakin. Sinamaan ko siya ng tingin
"Alam mo na naman pala eh. Bakit may pa tell me something about you KR ka pang nalalaman" sagot ko sa kanya
"Pffft~ I mean yung hindi ko pa alam. Yung mga ginagawa mo nung hindi pa tayo magkakilala. Kung ano yung buhay mo dito sa Pilipinas" paliwanag niya sakin. Aaaaah~ Hindi kasi nililinaw eh nalito tuloy ako
"Ah! Nung nagaaral pa ako madalas akong nasa guidance office kasama ng mga unggoy, madalas kong marinig ang salitang 'Fearless' at 'Sobrang tapang' dahil sa wala akong pinipiling kalabanin" tiningnan ko yung reaksyon ni Mark sa mga sinasabi ko. Mukhang interesado naman siya at nakikinig mabuti kaya pinagpatuloy ko yung pagk-kwento ko
"Kapag may pasiga siga sa harapan ko tapos tinarayan ako ah lagas agad buhok nun. Hindi pwede sakin yung mataray tsaka siga. Try lang naman nilang kalabanin ako eh papatulan ko din sila" hmph! Ayoko sa mga taong ganon. Ang taas ng tingin sa sarili kaya eto naman si Ako taga-baba nila. Hindi nga lang in a good way
BINABASA MO ANG
Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)
Fiksi PenggemarWe're married! Secretly 😉