Chapter 10

1.4K 36 3
                                    

[Mark's POV]

Shit! Ang lakas pala ni Tomboy sumuntok! Tomboy talaga! Nandito pa rin ako sa dressing room habang dinala na ng staff namin si Tomboy sa hospital. May hawak tuloy akong ice bag sa may labi ko. Tsk! Nabangasan pa ako!

"Mark ano bang pumasok sa isip mo at ginawa mo yun? Halata naman sa tono ni Yugyeom na nagloloko lang sya" sabi sakin ni Momo. Nandito pa sya. Nakita nya lahat ng nangyari kanina. Eh sa nagdilim bigla yung paningin ko nung sinabi nyang si Bambam yung ama. Hindi din naman imposible yun kasi magkaroommate sila. Ang lamig tuloy sa dressing room namin. Walang nagpapansinan at yung kanta lang sa stage yung maririnig

"Momo lumabas ka na. Kanina ka pa nandito" sabi ni Jaebum. Sumunod naman sa kanya si Momo at naglakad na palabas. Sinundan ko naman sya ng tingin. Ngumiti sya bago lumabas. Tumalikod ulit ako para di ko makita yung mukha nila. Tsk! Bakit nga ba ako nagalit? Ano naman pake ko kung mabuntis si Tomboy at si Bambam yung ama? Ayos nga yun para sila na yung ikasal at maghiwalay na kami nun! Aish! Ang gulo ng isip ko pati ako hindi ko magets. Si Momo ang mahal ko pero sa ginagawa ko parang nagseselos ako kay Tomboy at Bambam. AISH! ANG GULO!

"Hyung sorry" napatingin ako kay Yugyeom. Umiwas ako ng tingin at hindi nagsalita. Umupo sya sa tabi ko

"Hyung nagbibiruan lang naman kami eh ikaw lang yung nagseryoso kaya nagulat din kami sa ginawa mo" ako pa may kasalanan ganon? Hindi na lang ako nagsalita at nakinig lang sa kanya

"Nagselos ka hyung no?" sabi sakin ni Yugyeom na may nakakalokong ngiti. Di ako nagreact

"Hyung ikaw ah! Nako. Ikaw din maiipit sa sarili mong sitwasyon" yun na lang ang sinabi nya at umalis na sa tabi ko. Medyo naguluhan ako sa huli nyang sinabi. Ano daw?

[KR's POV]

Dalawang araw na simula nung nangyari sa dressing room. Mukhang ayos naman silang tatlo nila Bambam at Yugyeom pero kaming dalawa eto nagbabangayan

"Wala manlang sorry! Ikaw tong nauna eh!" sigaw ko sa kanya. Pano ba naman itopic uli yung nangyari

"Malay ko bang nagpabuntis ka talaga sa lalaking yun!" Sigaw nya pabalik sakin. Nakahanda na yung ibang members na awatin kami incase na may mangyari ulit na suntukan

"Ano naman kung mabuntis talaga ako ni Bambam?" Ako

"Edi ayos! Mad-divorce agad tayo!" Mark

"Pero ayaw kong magpabuntis para lang madivorce sayo! Ilang buwan na lang hintayin mo aalis na ako!" Ako

"Mabuti naman!" Mark

"KR Pano naman kami kapag umalis ka na?" Junior

"Oo nga! Mamimiss ka namin. Pati na rin ni Coco" Younjae

"Syempre pa minsan minsan bibisitahin ko KAYO hindi yung ISA jan" talagang inemphasize ko yun para dama nila

"Edi SILA!" Mark. Daig pa ata ako nito na may regla ngayon. Menopause na ata kaya ganyan! Day off ng Got7 kaya kumpletong kumpleto kami dito. Buti naman at napapahinga sila kahit isang araw lang. Napapagod din naman sila kahit papaano

"Nako hyung! If I know nagseselos ka lang sa kanila HAHAHA!!!" sinamaan ng tingin ni Mark si Jinyoung. Baka ikaw nagseselos jan Jinyoung

"Ako magseselos? Di no! Magsama pa sila!" Mark. Kung pwede lang talaga! Kaso si Jaebum yung gusto kong makasama hihihi ^^ Tinayo ako ni Yugyeom at tinabi kay Bambam. Minsan ang lakas talaga ng trip nitong si Yugyeom. Pinag-hawak kamay nya pa kaming dalawa ni Bambam with interwined fingers. Kahit hindi ko alam kung nagseselos talaga si Mark o hindi ay naki-ride na lang ako sa trip ni Yugyeom

Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon