[KR's POV]
Sa kalandian naming taglay ay hindi rin namin natiis ang isa't isa kaya eto kami ngayon papunta sa hindi ko alam na lugar. Babawi daw si Mark ngayon at paniguradong magugustuhan ko DAW. Tumigil ang sasakyan kaya nagtaka ako
"Blindfold muna" sabi niya at sinuotan ako ng blindfold
"Mark ha anong pakulo naman to?" tanong ko habang sinusuotan niya ako ng blindfold
"A magician never reveal his secret" nakakalokong sabi niya na sinundan ng mahinang tawa
"Talaga lang ha?" hindi na ako nakarinig ng kahit anumang tugon bukod sa pag-andar ulit ng sasakyan. Mga ilang minuto ang lumipas at muling tumigil ang sasakyan
"We're here" sabi niya. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Naramdaman kong may humawak sa mga kamay ko
"Be careful Hon" sabi niya at dahan dahan akong bumababa sa kotse. Pinakiramdaman ko ang paligid ko dahil wala akong bakikita. Presko at malamig na hangin ang naramdaman ko pagkalabas na pagkalabas ko ng kotse. Inalalayan ako ni Mark kung saan man niya ako dadalhin hanggang sa tumigil kami
"Ready Honey?" bahagya akong tumango. Naramdaman kong pumwesto siya sa likod ko at dahan dahang lumuwag ang piring ko sa mata
"SURPRISE!!!" sigaw niya sabay tanggal sa blindfold. Hindi ko masyadong maaninag ang kapaligiran dahil malabo pa ang aking paningin. Unti unti ay luminaw ito at napangiti na lang ako ng malawak
May malaking projector screen at may nakalatag na blanket at mga unan. May mga pagkain din na naka-hain sa isang maliit na lamesa. Ang mga punong nakapaligid ay sinabitan ng mga ilaw na nagpapaliwang ng kapaligiran. Malakas na hangin ang dumadapo sa aking balat habang nililibot ko ang aking mga paningin. Hindi ko maiwasang mapangiti ng magtama ang mga mata namin ni Mark
"Sorry kung ganito lang. Ano kasi uuhhh..." tumingin siya sa baba habang bahadyang sinisipa ang sahig. Napansin ko rin namula ang kanyang tenga kaya natawa ako ng mahina
"Ano kasi... Gusto kitang masolo ng matagal. Tayong dalawa lang at wala ng iba" sabi niya habang nasa ganong posisyon pa rin. Napangiti ako at niyakap siya
"Gusto ko rin yun Mark at nagustuhan ko rin tong ginawa mo" sabi ko sa kanya bago kumalas sa yakap. Sinalubong niya ako ng malawak na ngiti bago hinawakan ang kamay ko
"Tara na?" sabi niya. Ngumiti ako at tumango kaya nagtungo na kami sa blanket. May nagplay na video sa screen kaya napatingin ako. Isang movie na ang pamagat ay A Walk To Remember. Umupo na kami sa blanket at kumain na rin habang nanonood. Naramdaman kong sumandal si Mark sa balikat ko. Napangiti ako at sinandal ang ulo ko sa ulo niya
Medyo nadadala na ako ng movie dahil ang ganda niya ng biglang mamatay ang lahat ng ilaw pati na rin ang projector. Walang natirang liwanag kundi ang buwan pero hindi iyon sapat para makita ko ang buong kapaligiran. Nakarinig ako ng mga kaluskos kaya kumapit ako kay Mark. Nanlaki ang mga mata ko ng maramdamang wala siya sa tabi ko. Hindi lang isa ang naririnig kong mga yabag kundi marami sila. Nakaramdam ako ng takot dahil ramadam kong maraming tao ang nakapaligid sakin at wala pa si Mark sa tabi ko
"Mark" yan lang ang nagawang lumabas sa bibig ko. Umayos ako ng upo at pinilit makakita sa dilim kaso wala akong nagawa. Kinapa ko ang sahig nagbabakasakaling may makuha para protektahan ang akong sarili. Nakapulot ako ng isang sanga kaya tumayo na rin ako. Nakarinig ako ng kaluskos sa likod ko kaya napalingon ako
"Sinong nanjan?!" sigaw ko sa kawalan. Hindi ako umaalis sa pwesto at pinakiramdaman ang paligid. Naalerto ako ng makarinig ulit ng mga yabag. Parang tumatakbo sila at palapit sa akin. Hinanda ko ang sarili ko pero tumigil ito bago pa tuluyang makalapit sakin
![](https://img.wattpad.com/cover/75339673-288-k693401.jpg)
BINABASA MO ANG
Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)
Hayran KurguWe're married! Secretly 😉