Chapter 36

954 23 0
                                    

[KR's POV]

"First date natin ganon nangyari" sabi ni Mark. Napaka-relaxing ngayon dahil pagabi na

"Wala yun. Hindi naman natin alam na ganon nga ang mangyayari" sagot ko. Magkahawak ang kamay namin habang pinapanood ang mga ilaw na unti unting binubuksan

"Try natin yun KR oh!" Tinuro ni Mark yung lugar na puro locks

"Sige!" Masiglang sabi ko at tumakbo kaming dalawa palapit dun. Parang bata kami dito na tuwang tuwa na tinitingnan ang mga locks sa paligid

ANG DAMI! ♡

"Maglagay din tayo KR" sabi sakin ni Mark. Tumango lang ako at naglakad kami papunta sa bilihan ng lock. Bumili siya ng  isang white at gold na lock. Umupo kami sa bakanteng upuan

"Ano gusto mo ilagay?" tanong niya sakin

"Ikaw ano ba gusto mo?" tanong ko pabalik sa kanya

"Hmmm~ Ah!" may sinulat siya dun sa lock na hindi ko naman agad nabasa dahil natatakpan ng kamay niya

"I, Mark Tuan, take you Keara Rochiet Solis, to be my wife, to have and to hold from this day forward until death do us part" tumingin siya sakin at ngumiti ng malawak pagkatapos niya basahin iyon

Napangiti ako at kinuha sa kanya yung lock at pen

"I, Keara Rochiet Solis, take you Mark Tuan, to be my husband, to love and to cherish from this day forward until death do us part" basa ko sa sinulat ko

"Maigsi pa lang. Hindi kasya eh hahaha!" Sabi ko at nilapag yung lock sa lamesa

Pinagdaop ni Mark yung kamay naming may suot na singsing

"Sinuot mo na?" tanong ko kay Mark dahil hindi niya ito madalas isuot at ngayon ko lang napansin na suot niya pala

"Oo. Ang ganda tingnan no? Bagay sating dalawa" natawa ako sa sinabi niya

"Hinalughog ko buong dorm para lang makita to" dagdag niya habang nilalaro yung singsing sa daliri niya

"Talaga lang ah?" Pabirong tanong ko sa kanya. Sa gulo ba naman ng dorm nila siguro namuti na mata ni Mark bago niya nahanap yung singsing

"Oo naman! Patapon tapon kasi to sa dorm. Ngayon, kahit kelan hindi ko na ito tatanggalin sa kamay ko" nakatingin siya diretso sa mata ko habang sinasabi niya yun. Ngumiti ako at sumandal sa balikat niya

"Tara ilagay na natin to dun" sabi ko sa kanya at kinuha yung lock sa lamesa. Sabay kaming tumayo at naglakad sa mga kumpol na lock

"Dito maganda" hinila ako ni Mark papunta sa isang balcony. Kitang kita dito yung view sa baba. Wala akong naramdaman na kakaiba kaya nakahinga ako ng maluwag. Naramdaman ko ang pahigpit ng hawak ni Mark sakin. Ngumiti ako sa kanya at tumango

Nilibot ko ang aking paningin at dinama ang malakas na hangin na lalong nagpakalma sakin

"This is the perfect place" sabi ko at tumingin kay Mark. Lumapit kami sa mga bakal na nagsisilbing sabitan din ng mga locks

"Teka lang" nagtaka ako ng tanggalin ni Mark ang singsing niya. Tumingin siya sakin at ngumiti

"Basahin ulit natin yung nilagay natin sa lock tapos isuot natin sa isa't isa yung singsing" sabi niya at binigay sakin yung singsing niya. Tinanggal ko din yung singsing ko at binigay sa kanya

"Ready?" tumango ako at sabay naming sinuot yung lock dun sa bakal pero hindi pa namin nil-lock

"I, Mark Tuan, take you Keara Rochiet Solis, to be my wife, to have and to hold from this day forward until death do us part" sabi niya at sinuot niya sakin yung singsing

Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon