Chapter 48

929 19 0
                                    

[KR's POV]

Kami na ata ni Mark ang pinaka-masayang tao sa buong mundo makaraan ang dalawang buwan. Walang problema o kahit na anumang away. Puno lang ng pagmamahal ang samahan namin. Isa lang pala ang problema namin. Iyon ay ang itago ang aming relasyon sa agency dahil hindi pa tapos ang kanilang dating ban. Natatawa na lang ako kada sasabihin ni Mark na engaged na kami dahil kasal na naman kami kaso kontrata nga lang

"Oh eto na yung shirt mo" sabi ko sa kanya at inabot yung shirt niyang hindi niya mahanap hanap

"Yung totoo Hon? May magic ka ba? Hinalungkat ko na yang closet hindi ko naman nakita" reklamo niya bago kinuha sa kamay ko yung shirt niya. Nagkibit balikat na lang ako at umupo sa tabi niya. As usual, pupunta sila sa JYP Ent. tapos magpapractice hanggang gabi, pagpaplanuhan ang next come back at marami pang iba. Syempre kasama ako dahil manager kuno ako ni Mark hihihi Hindi nila ako sinuswelduhan at naki-ride na lang si Manager Oppa pati rin si JYP PD-nim para nga naman kapag kasama ako ng Got7 ay may identity na ako at hindi ako paghihinalaang nakikipag-date sa kanila

Naka-ayos na ang lahat pati rin ang ibang members kaya umalis na kami sa dorm. Tahimik ang naging byahe namin dahil pagod silang lahat. Napabuntong-hininga na lang ako dahil wala akong magawa kundi ang panoorin lang silang magtrabaho at mapagod. Nagaalala rin ako dahil hindi sila nakakatulog at nakakain ng maayos. Sana naman isipin din nila ang kanilang kalusugan dahil mas mahalaga yun kesa sa kanilang trabaho

"May problema ba Honey?" napatingin ako kay Mark na nagsalita. Ngumiti ako at umiling

"Wala naman" sagot ko pero tinitigan niya lang ako at parang naghihintay pa ng ibang sagot. Sino bang niloloko mo dito KR halata naman sayo na malalim ang iniisip mo. Nawala ang ngiti sa labi ko at muling tumingin kay Mark

"Nagaalala lang ako dahil lagi kayong pagod at walang kain" sabi ko at tumingin sa baba. Naramdaman kong umayos siya ng upo

"Sanay na kami sa ganitong KR wag kang magaalala ayos lang kami" sabi niya habang may malawak na ngiti sa labi

"Halika nga dito" sabi niya at hinila ako palapit sa kanya

"Cute mo KR kaya mahal na mahal kita. Ayokong nagaalala ka. Ayos lang kami" sabi niya habang nakayakap sakin. Kahit papaano ay lumuwag ang pakiramdam ko pero hindi pa rin ako naniniwala na ayos lang sila. Kitang kita ko sa mga mata nila na pagod sila pero hindi ko siya kukulitin pa. Humiwalay ako at ngumiti sa kanya

"Sabi mo yan kaya ayos na ako. Umidlip ka muna gisingin ko na lang kayo kapag nasa JYP na tayo" sabi ko. Hinaplos niya ang buhok ko bago umayos ng upo at pinikit ang kanyang mga mata. Napaka-sarap talaga titigan ni Mark. Lalo na kapag tulog. Napaka-peaceful ng kanyang mukha. Parang walang problemang kinakaharap. Di ko mapigilang mapangiti bago ko iniwas ang aking paningin

Hindi nagtagal ay nakarating din kami sa aming destinasyon. Unti unti kong ginising si Mark at ang mga members na kasama namin. Pumasok na kami sa loob ng building ng may maramdaman akong kakaiba. Hindi maganda ang kutob ko. Pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda sa araw na'to. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Mark para mabawasan ang kabang nararamdaman ko

"Mark what's the meaning of this?" hindi pa man kami nakakapunta sa dance room nila ay sinalubong na agad kami ni JYP PD-nim habang may hawak hawak na cellphone. Napabitaw ako sa kamay ni Mark ng magtama ang tingin namin ni PD-nim at napatingin sa baba. Lahat ng members at staff ng Got7 ay nasa kanila ang atensyon. Lakas loob na kinuha ni Mark sa kamay ni PD-nim ang cellphone nito. Pinanood ko ang kanyang naging reaksyon. Puro gulat ito kaya nagtaka ako

Ano ang nakita niya sa phone ni PD-nim?

"Hyung...." yun lang ang salitang lumabas sa bibig ni Mark bago niya binalik ang cellphone niya kay PD-nim

Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon