Chapter 31

869 23 0
                                    

[KR' POV]

Naalimpungatan ako dahil parang biglang uminit ang paligid. Tinanggal ko yung jacket ko at naglakad palabas para uminom ng tubig. Painom na sana ako ng makita ko na umuusok ang paligid at amoy na may nasusunog. Kinabahan ako kaya agad kong nilibot ang bahay

Napatigil ako ng makitang nasusunog ang balcony sa second floor ng bahay kung saan malapit ang room nila Jaebum, Jinyoung, Jackson at Youngjae. Nilalamon na ng apoy ang buong balcony at unti unti na itong kumakalat papasok sa bahay. Agad akong pumasok sa room nila at ginising sila

"Jaebum! JAEBUM-AH! Leader gising nasusunog yung bahay!" sabi ko at niyugyog si Jaebum. Hindi agad ito nagising kaya kinabahan ako. Sorry kung magagawa ko ito. Sinampal ko siya ng malakas kaya nagising agad siya

"Nasusunog yung bahay! Gisingin mo na si Manager at ibang staff ako ng bahala sa members! Ingatan mo din ang sarili mo!" Napaubo ako ng umuusok na din dito sa loob ng kwarto. Agad naman napatayo si Jaebum at dumiretso sa labas. Pinagsasampal ko din ang ibang members kaya agad din sila nagising

"Gisingin niyo na ang ibang staff dali! Tulungan niyo sa Jaebum! Magiingat kayo!" sabi ko at nauna na silang lumabas lumabas ng kwarto. Nagamadali akong kunin ang gamit nila Jaebum at chineck kung may naiwan lumabas. Nagpaiwan si Jinyoung sa taas at tinulungan si Jaebum gisingin ang mga staff na nasa 2nd floor natutulog. Malaki ang bahay kaya naghiwahiwalay na kami ng makababa kami sa 1st floor. Lumabas muna ako sa bahay at hinagis dun ang gamit nila Jaebum bago bumalik sa loob

Pinuntahan ko agad yung kwarto namin at sinampal ko din ang mga members

"Nasusunog yung bahay bilis! Gising na! Lumabas na kayo!" tinulak ko na sila palabas dahil nagsisiksikan na din ang mga nagising na staff para makalabas ng bahay. Kinuha ko lahat ng gamit ko pati rin nila Mark. Sinilip ko kung may naiwan ba bago ako tumakbo palabas. Binagsak ko ang gamit namin sa sahig at napaluhod. Mabilis na kumalat ang apoy sa buong 2nd floor at unti unti na rin nitong nilalamon ang 1st floor

"Wala bang naiwan sa loob?" tanong ng isang staff at binilang kami isa isa. Yung iba naman chineck kung sino ang mga kasama. Hiwalay ang Got7 sa mga staff para mapadali ang head count. Si Manager naman ay tumawag na sa fire station

"Si Coco..." bulong ko sa sarili ko at nilibot ang mata ko sa paligid. Namutla ako ng maalala na kinulong ko siya sa bakanteng kwarto sa 1st floor. Nakalimutan kong palabasin siya dahil nakatulog agad ako. Binalingan ko ng tingin ang nasusunog na bahay. Konti pa lang ang apoy sa baba at kaya pang makuha si Coco

"COCO!" sigaw ko at agad tumakbo pabalik sa loob

"KR!" hindi ko na pinansin ang mga boses na tumatawag sakin. Coco hindi pwede. Hindi ka pwedeng mawala. Iniisip ko pa lang na hindi ko maliligtas si Coco ay parang pinipiraso na ang puso ko. Kahit aso lang yun mahal ko yun at siya lang ang meron ako kapag wala akong kasama. Narinig ko ang tahol niya kaya agad kong binuksan ang pintuan

"Coco!" Sabi ko at agad itong pinulat at niyakap

"KR look out!" May humila sakin palabas ng kwarto. Sa lakas nun ay tumilapon ako. Nakita ko na lang na may malaking kahoy na puno ng apoy sa harapan ko at nasa kabila nun si Mark. Nanigas ako sa pwesto ko ng palibutan siya ng usok at narinig ko ang mga ubo niya

"M-ma-mark.... MARK!!!" tumayo ako at akmang lalapit sa kanya pero may humila na sakin palabas ng bahay. Mga bumbero ang humihila sakin palabas kaya binalik ko ang tingin ko kay Mark

Nakita kong napahawak siya sa tuhod niya at hinahampas ang dibdib habang patuloy na umuubo

"Bitawan niyo ako! Si Mark nasa loob pa! Andon pa si Mark bitawan niyo ako!" pumiyok ako at patuloy na umagos ang luha sa aking mata. Nagpumiglas ako sa hawak nila pero hindi ito sapat dahil bitbit ko si Coco at nanghihina ang tuhod ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi physically kundi emotionally

Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon