Chapter 22

1.2K 36 1
                                    

[KR's POV]

Agad akong napahiga ulit sa kama ko ng maramdaman ang matinding sakit ng ulo

Hhmmasdfghjklrawr! Ang bilis ko atang nalasing kagabi tsaka sobrang sakit ng ulo ko. Ang sarap iumpog sa pader paulit ulit

"Ayan inom kasi ng inom" minulat ko yung isang mata ko para makita kung sino yung nagsalita at umupo sa kama

"Oh inumin mo para mawala kahit papaano yung sakit" nilapag ni Mark yung baso ng tubig at gamot sa side table at tinulungan ako makaupo. Ininom ko yung gamot at sumandal sa balikat ni Mark. Lula pa rin ako eh

"Kapag nahimasmasan ka na. Mag-ayos ka na at pupunta pa tayong ospital" sabi niya at tumayo na

"SIR YES SIR!" sabi ko bago bumagsak yung katawan ko ulit sa kama at nakatulog ulit

***-------**********-------***

"Of all people na naging pasyente ko at nagka-trauma. Si KR ang pinaka-mabilis maka-recover and that's a good sign" sabi nung doctor samin habang nakangiti sakin. Ngumiti din ako sa kanya pabalik

Nandito kami ngayon sa ospital kasama ng Got7. Complete attendance pa! Pati si Manager Oppa nandito din. Hindi ko naman alam isasagot ko dun sa doctor kasi ano bang alam ko sa nangyayari kaya sila Mark na yung sumasagot sa doctor. Hindi nagtagal ay natapos din yung paguusap nila sa doctor. Bago kami makalabas, Binigyan nung doctor si Mark ng reseta ng vitamins at anong chuchu para magpatuloy daw yung paggaling ko. Dahil curious ako, kinuha ko sa kamay ni Mark yung papel at binasa yun kahit hirap akong magbasa ng hangul

Anti-depressant?! Sleeping pills?! Ano ba tingin sakin nung doctor na yun? Pang-baliw naman tong gamot na'to eh. Napanguso ako at binalik na yung papel kay Mark

Ayokong inumin yun! Ayos na naman ako eh. Look at me. Breathing and alive na alive. Trauma lang yun di na yun mababalik tsaka kapag iniisip ko yung pagmumukha ni Momo hindi ako natatakot. Natatakot man ako eh yun ay sa kung anong pwede kong gawin sa kanya kapag nagkita kami aarrgghh!

"Mark ano..." pinigilan ko si Mark nang malapit na kami sa bilihan ng gamot

"Ano yun?" tumigil siya sa paglalakad at lumingon sakin pati na rin ang ibang members

"Wag mo na akong ibili ng gamot tsaka vitamins. Hindi ko naman kailangan nun eh. Ayos na talaga ako" ngumiti ako ng mas matamis pa sa ube halaya at leche flan para makumbinse ko sila na ayos lang talaga ako

Kumunot yung noo niya at lumapit sakin

"Kailangan mo yun KR para mas gumaling ka" hinawakan niya yung magkabilang balikat ko at diretsong nakatingin sa mga mata ko

"Ayos na talaga ako Mark. Ayoko lang talaga inumin yung mga gamot na yun" sabi ko sa kanya habang nakatingin din sa mga mata niya. I really hate medicines. It's like medicines makes me weaker. Matagal kaming nagtalo ni Mark sa titigan hanggang sa mapabuntong hininga siya

"Okay you win" binitawan niya na ako at naglakad na papuntang parking lot

"Yes" bulong ko sa hangin at nag-act na parang nanalo sa lotto at sumunod sa kanila

"Sigurado ka bang ayos ka na?" tanong sakin ni Bambam at sinabayan ako sa paglalakad. Tumango tango naman ako at ngumiti ng malapad

Nakarating kami sa parking lot at hiwalay ulit ang members sa van. Kasama ko ngayon sila Mark, Jaebum, Jackson at Jinyoung. Hyung line!

Tahimik lang ang buong byahe. Walang nagsasalita at kumikibo kaya eto ako ngayon. Pinaglalaruan yung seatbelt, nakikipag-thug of war para malaman kung sino mas malakas samin

Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon