Chapter 18

1.1K 31 0
                                    

[Mark's POV]

Gabi na kaya sinisimulan na naming ayusin yung bon fire. Medyo madilim na kaya kanya kanyang tuksuhan ang maririnig habang nagaayos. Kayo ba naman magswimming tanghaling tapat ewan ko lang kung di kayo mangitim

"May lumulutang na damit!" sigaw ni Mamaw at tinuro si Joey na may bitbit ng fire woods. Sa aming lahat sya ang pinakanangitim. Kami ng Got7 pati si KR namula lang

"Ina nito! Oo na ako na maitim!" sagot ni Joey at padabog na nilagay yung fire woods sa kumpol na ginagawa namin

"AHAHAHA!! Buti ako konti lang initim" tumabi si Migo kay Joey at pinakita yung braso nya

"Sakin walang nangyari. Namula lang" sabi naman ni Yugyeom at lumapit kay Joey

"Pag ako pumuti ulit who you kayo sakin" sabi ni Joey at umalis na. Nagtawanan lang sila at binuhusan na ng gas yung fire woods

"Tabi guys! Malalaki laki din tong nagawa natin" sabi ni Jaebum habang hawak hawak yung kahoy na may tela sa dulo. Lumayo naman kami. Sinindihan na ni Jaebum yung tela

"1...2...3!"

"WOAH~!" sabay sabay naming sabi ng lumiwanag yung bon fire. Ang laki! At the same time its pretty

"Oh stick! Marshmallow, hotdog, sausage at kung ano ano pa oh ayan" sabi ni Jackson at nilapag yung tray nyang dala. Pumalibot kami sa bon fire at umupo. Kumuha ako ng stick at nilagyan ng marshmallow at sausage

"Sino gusto maunang magsalita?" sabi ni Jaebum

"Ikaw na lang ikaw leader eh" Jinyoung

"Dapat huli na lang" Youngjae

"Ako na mauuna" Mawe

"Oh sige" Youngjae

"Ehem! Ano bang sasabihin ko? AH! Buti at nagkasundo kayo ng mga unggoy na to. Akala ko nung una magiging awkward kasi nga di kayo magkakakilala" Mawe

"Naman! Ganyan talaga. Pakapalan ng mukha" Bambam

"Hahaha oo nga eh. Yun lang! Oh ikaw na Migo" Mawe

"Ako? Ano... Thank you sa pagtanggap samin dito sa Korea. Sure ako mageenjoy kami dito" Migo

"Kapag may free time kami pupuntahan namin kayo tsaka para mabisita na rin namin si KR" Jaebum

"Oo nga pala dito muna si KR no. Hoy ikaw! Magsalita ka na kasi tsaka wala lang yun ano ka ba! Asan na yung malatigre na KR?" sabi ni Kaye at hinawakan yung dalawang braso ni KR at hinarap sa kanya

"Di ganon kadali yun Kaye. It takes time to heal a trauma. We need to be patient and wait" Migo. Binitawan ni Kaye si KR at binigyan ng encouraging smile

"Kaya natin to" dagdag pa ni Kaye at ginulo yung buhok ni KR. Ngumiti naman ng tipid si KR. Nagpatupatuloy yung mga message nila para sa isa't isa hanggang sa umabot sakin

"Oh Mark hyung ikaw na" Bambam

"I just want to say---"

"Teka lang Mark dahan dahan lang baka hindi maiintindihan ni Youngjae" Jackson. Automatic na napalo sya ni Youngjae

"Sige pagpatuloy mo lang Mark" Jaebum

"I just want to say na nagenjoy ako ngayon. Masaya din ako na may nakilala akong bagong tao pero maingay din tulad ni KR. Yun lang" Ako

"OH! Longest message na yun ni Mark hyung para satin! Bambam narecord ba?" Yugyeom

"Oo! 0.7 seconds! New record!" Bambam. Bakit nga ba ulit ako nasama sa group na to? Umiling na lang ako. Turn na ni Jaebum

"So una sa lahat, thank you Lord kasi hindi mo kinuha si KR samin. Parang kapatid na namin sya except kay Mark. Mapagsasalita din natin si KR kakayanin natin tong lahat. Gusto ko rin ipaalala na bukas ay may trabaho pa tayo kaya wag kayong magpuyat. Sabi nga ni Manager kanina wag na natin ipaalam kay JYP-nim to baka magka-issue pa. Wag na lang natin pansinin kapag nasa company na tayo. Second, Kaye, Migo at Joey welcome na welcome kayo dito sa Korea kaya pwedeng pwede kayong bumalik dito anytime. Lastly, gagawin natin ang lahat para mapabilis ang pagrecover ni KR. Jai?" Jaebum. Tumayo kaming lahat. Kahit sa Got7 lang namin to ginagawa at sinama na rin namin si KR at tropa nya

"Parang let's go team lang sa basketball lagi namin tong ginagawa bago kami magperform pero sasabihin natin G-O-T-12 Jai. Okay?" Jaebum

"Bakit G-O-T-12?" Joey

"12 tayong lahat eh kay GOT12" Jaebum

"1...2...3...G-O-T-12 JAI!" sabay sabay naming sigaw. Nagpalakpakan naman kaming lahat at bumalik na sa pagkakaupo. Kung ano ano lang ang ginawa namin doon pampalipas oras

[12:00 AM]

Pinatay na nila yung apoy at isa isa na kaming naglakad pabalik sa bahay ng lola ni Kaye. Ako naman buhat buhat ko tong tomboy na to. Ginigising ko kanina ayaw magising amp. Ginuide ako ni Kaye kung saan ang magiging kwarto samantala ni KR

"Dito Mark" binuksan ni Kaye yung pintuan. Agad naman akong pumasok sa kwarto at inihiga si KR sa kama

"Kami ng bahala kay KR pre wag kang magalala. Safe na safe sya dito" sabi ni Kaye at tinapik yung braso ko. Tumango ako

"Sige mauna na ako" tumango sya kaya lumabas na

"Oh alis na kayo?" salubong sakin nung Tita ni Kaye pagkalabas ko ng kwarto

"Opo. Maraming salamat po sa pagkain" sabi ko at nagbow

"Ano ka ba wala yun. Masaya kami at may bumisitang idol dito samin" sabi nya at tinapik yung braso ko

"Kilala nyo po kami?" Ako

"Oo naman. Got7 kayo diba?" Tita ni Kaye

"Opo hehehe Nakakatuwa naman" ngumiti ako

"Pwede ba magpapicture sayo? Napakagwapo mong bata" sabi nya at nilabas ang kanyang cellphone

"Ah hahaha maraming salamat po. Sige po walang problema" pumwesto na kami at nagpicture

"Babalik pa naman po kami dito para bisitahin si KR tsaka tropa nya" sabi ko pagkahiwalay namin. Pumasok si Jaebum sa bahay

"Mark tara na maaga pa tayo bukas" sabi ni Jaebum sakin. Tumango naman ako at humarap sa tita ni Kaye

"Mauna na po kami Tita ni Kaye" nagbow ako sa tita ni Kaye

"Tita Jaydy na lang. Sige ingat kayo at madaling araw na"

"Opo" naglakad na kami palabas ni Jaebum. Pumasok na kami sa van. Tulog na sila. Siguro sa pagod na rin. Taas ng energy nila kanina. Umupo ako sa bakanteng upuan at tumingin sa labas

"Ingat kayo!" sigaw nila Kaye, Migo, Mawe at Joey at kumaway. Kumaway din ako sa kanila bago saraduhan yung pintuan ng van. Umandar na yung van kaya pinatay na din yung ilaw. Bukas back to work na naman kami. Sana makayanan naming pagsabayin yung pagbabantay kay KR at trabaho. Di ko alam pero parang ang bigat ng dibdib ko kada maalala ko ang nangyari ngayong araw. Lalo na nung nasa rooftop kami, hawak hawak ko ang kamay ni KR habang nasa bingit sya ng kamatayan. Makitang ang hina hina nya at nakadepende lang sa mga taong nasa paligid nya. Umiling na lang ako at pumikit. Di nagtagal ay nakatulog din ako zzzZZZ

-------

A/N: Sorry short update TT.TT

Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon