[KR's POV]
Busy ang lahat sa kanya kanyang gawain pati na rin ako dahil ngayon na ang showcase ng Got7. Nandito kami sa waiting room ng KBS. Hindi man ako staff talaga pero tumutulong na din ako para mapabilis ang gawain
"Oh tubig" may nag-abot sakin ng bottled water. Tiningnan ko kung sino yun
"Thank you Mark" sabi ko at kinuha yung tubig. Ngumiti siya sakin at pinat yung ulo ko. Uminit yung mukha ko kaya tumalikod ako sa kanya
"KR yung mga mic akin na" dun ko lang naalala na nasakin pala yung mga mic na gagamitin nila. Lumapit agad ako kay Manager
"Eto po Manager" sabi ko sa kanya. Kumuha siya at binigay sa ibang members. Namigay na rin ako
"Thanks KR" sabi ni Jaebum
"Wala yun. Goodluck sa inyo!" Sagot ko sa kanya. Ngumiti siya at naglakad na palayo
"Got7 stand by na kayo sa backstage" sabi ng isang staff ng KBS. Niretouch muna ang mga members bago kami pumunta sa backstage. Paypay to the max na naman ako kay Mark para hindi pagpawisan
Bakit ang lamig lamig sa Korea pero ang init init dito? Ako nahihirapan eh
Natapos yung naunang nagperform. Twice pala nauna hindi ko napansin. Dumaan sila sa harapan namin at nag-bow sila sa isa't isa. Ako naman ay diretsong nakatayo lang habang nakataas ang isang kilay. May mga ngumingiti sakin at kumakaway pero hindi ko sila pinapansin. Nagkatinginan kami ni Momo kaya lalong sumama ang tingin ko. Nag-cross arms ako at inirapan siya. Buti na lang nasa harapan ko si Mark kundi sinugod ko na yang si Momo. Naglakad na sila paalis pero mainit pa rin ulo ko. Kinuha ni Mark yung pamaypay sa kamay ko at pinaypayan ako
"Baka mimiya umapoy ka dyan. Masunog pa yung buong studio" sabi niya ng may nakakalokong ngiti sa labi
"Ewan sayo. Tigilan mo nga ako" sabi ko at umiwas ng tingin
"Hahaha napaka-mainitin talaga ng ulo mo KR. Tara nga dito palamigin natin" nagulat ako ng hilahin niya ako palapit sa kanya at niyakap. Nakalimutan ko atang huminga ng ilang segundo at sobrang bilis ng tibok ng puso ko
Wag papahalata KR na kinikilig ka. Pa-hard to get ka muna uy landi mo!
"Sa tingin mo nakatulong to? Nako Mark pinapainit mo lalo ulo ko" sabi ko at tinulak siya palayo sabay talikod. Hinawakan ko yung mukha ko dahil sobrang inet nito
"Next Got7" naglakad na sila papunta sa stage. Humarap na ako sa kanila ng marinig ko yun
"Go Got7! Fighthing!" sabi ko sa kanila
"Wala bang goodluck kiss jan?" tanong ni Mark at nilapit yung mukha niya sakin
"Lakas din ng trip mo ano. Tumigil ka nga!" Sabi ko at nilayo yung mukha niya sakin. Nagtawanan ang members at napailing ng sumimangot si Mark
Ano ba Mark ginugulo mo utak at puso ko alam ko ba yun? Dahil jan sa pinapakita mo lalo akong nahuhulog. Baka naman trip mo lang ako kaya nagagawa mo yan pero hindi naman pala ako mahal
Napabuntong hininga na lang ako sa mga iniisip ko. Yung ibang staffs bumalik na sa waiting room. Kami na lang ni Manager ang natira dito. Pinanood ko sa screen yung perfomance ng Got7. Abot din dito ang sigawan ng mga fans nila kaya natuwa ako
They deserve all the love of the fans. They work hard for them and now they are working together as one. Walang Got7 kung walang IGot7, wala ding IGot7 kung walang Got7. 7 or nothing, 7 or never nga daw sabi nila
Natapos ang performance nila. Sinalubong ko sila ng palakpak at inabutan ng tubig
"Ang galing niyo! Ang pogi pogi hihihi" sabi ko sa kanila
![](https://img.wattpad.com/cover/75339673-288-k693401.jpg)