[KR's POV]
"AAAAAAAAHHH!!! NAKAKATAKOT!!!" sigaw ni Youngjae ng lagyan siya ng malaking besss este ahas sa kanyang leeg
Pagkatapos naming kumain ng pinya ay dumiretso na kami dito sa malapit na Zoo
"No it's okay" comfort nung expert na humawak kay bess ay sa ahas pala
"Okay! 1...2...3!" sabi nung photogtapher at kinunan ng picture si Youngjae. Buti na lang talaga at may kasama kaming staff ng Got7 kaya hindi na namin kailangan mag-rent ng photographer
"AAAAAAAH!!! AYOKO NA!!! AYOKO NA!!! TANGGALIN NIYO NA TO!!!" Sabi ni Youngjae. Dahil korean daw yun sabi ni Author hinayaan lang nung worker yung ahas sa leeg ni Youngjae
"Paki-tanggal na daw si Bes kay Youngjae" sabi ko dun sa worker. Agad naman niya yun ginawa
"Who's next?" tanong nung worker. Kami na lang ni Mark yung wala pang picture kasama yung ahas
"Sabay na kayong dalawa para mabilis!" sabi ni Mawe at tinulak kaming dalawa
"Kami po sabay na" sabi ko dun sa woker. Ngumiti naman siya samin
"Magtabi po kaya wag na po kayong mahiya" lumapit naman ako kay Mark pero hindi pa rin kami nagdidikit. Nagulat ako ng biglang nilagay nung worker yung ahas sa leeg ko
KYAAAAAAH ANG LAMIG!!! Pinahawak sakin nung worker yung part malapit sa ulo kaya hindi ko naiwasang matakot ng konti
YAY! Pano kung bigla akong tuklawin nito? Aba! Magiging nilagang bes to pagnangyari yun
"Oh" is it me or parang tinutulak ako ng ahas palapit kay Mark? Di nagtagal ay naramdaman ko yung katawan ni Mark sa gilid ko
"Yiiiiiieeeeeeehhh~~~" napatingin ako sa kanila at sinamaan sila ng tingin
"Ashushushu~ KR kunware pa gusto rin naman!" sigaw ni Kaye. Inirapan ko lang siya at tinuon dun sa ahas yung atensyon ko
"KR tingin dito!" tumingin naman ako dun sa photographer at ngumiti
Aish! Pahamak tong ahas na to ah! Nilalapit ako ng nilalapit kay Mark! Halos mayakap na ako ni Mark sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Yung tipong kayang kaya ko ng sumandal sa dibdib ni Mark sa lapit namin
"CHUCHUCHUCHU~~!!!" sigaw ng Got7 ng makita kung gaano kami kalapit ni Mark sa isa't isa
"1..2..3!" pagkakuha ng picture namin ay agad kong pinatanggal yung ahas dahil ang awkward sa pakiramdam na ang lapit ni Mark sakin
Hindi pa rin natapos yung panunukso samin hanggang mapunta kami sa mga outdoor animals
"OMG yung buong angkan niyo nandito HAHAHAHAHAHAHA!!!" sabi ko ng makita yung mga kulungan ng unggoy. Nalukot naman agad yung mukha nilang apat sa sinabi ko
"Sa gwapo kong ito sa unggoy pa" Migo
"Psh~ Whatever unggoy pa rin kayong apat para sakin" Ako
"Tapos ikaw yung Queen Ape" nagtawanan naman silang apat sa sinabi ni Kaye
"Gago!" sabi ko at binatukan siya
"Oh! Kapag siya nanunukso hinahayaan lang namin eh" sabi ni Kaye sabay himas sa batok niya
"Ewan sayo" sabi ko at naglakad na ulit. Sumunod lang sila sakin
"Woah! Try natin yun!" sabi ko sa kanila ng makita yung horse back riding
"Tara dali!" naglakad na kaming lahat sa may entrance nung field. Nag-fill up muna kami ng form bago kami magsuot ng mga safety gears