Chapter 5

1.5K 35 0
                                    

[KR's POV]

"She is my wife" tahimik lang ako na nakikinig sa kanila. Halos masuka suka naman ako ng sabihin nya yung line na yun

"Mark alam ko naman na lahat ng Aghase asawa mo pero malala na tong isa na to" asawa nya kaya talaga ako! By contract!

"Manager asawa ko talaga sya. For real"

"ANO?!"

"I can explain later but I first let me talk to her" narinig ko yung footsteps palapit sa walk in closet. Tinanggal ko na yung nakapatong saking jacket. Yes i'm saved!

"Keara?" agad naman bumilis ang tibok ng puso ko sa boses nya. Ang lalim! Nakakatakot TT.TT

"Keara alam kong nanjan ka naamoy kita. Lumabas ka na" naamoy daw? Werewolf ba sya? Lakas ng pangamoy ah. Binuksan ko yun at niyakap sya. Nadala na rin siguro ako sa sobrang takot ko kaya nagawa ko yun. Hindi nya naman ako niyakap pabalik kaya lumayo agad ako

"Sorry... Sa yakap" sabi ko ng nakatungo

"Ayos lang. Naka-chansing ka pa" tumingin ako sa kanya ng masama at pinalo sya ng malakas sa braso. Yung takot ko napalitan na ng inis. Akala ko pa naman mangyayari yung katulad sa mga drama na kapag dumating na yung lalaki mag-aalala sya sakin ng sobra pero sa drama lang yun

"AH! Para san yun?!"

"Mark kailangan pa natin magusap" sabay kaming napatingin ni Mark kay Unknown guy. Bumuntong hininga si Mark at tumingin uli sakin

"Maguusap tayo mimiya. Tapos kapag may dumating na hindi mo kilala sabihin mo house maid ka namin" sabi nya at naglakad na palabas kasama ni Unknown guy

"ANO?! HINDI AKO HOUSE MAID BAHALA KA JAN!" nakalabas na sila ng unit habang ako naiwang nakatayo dito. Makakain na mga lang. Pumunta na ako sa kusina at isa isang binuksan yung drawer, cabinet at huli ang ref

"AMEN RAMEN! Ang daming pagkain ubos kayo lahat sakin!" sabi ko habang ginagala yung paningin ko sa ref. Joke lang di ko yan uubusin. Kinuha ko na yung fresh milk at cereal. Breakfast lang ang peg. Anong oras na nga ba [10:36AM] Ooh~ Ayos na din. Nilapitan ako nung aso kaya napatingin ako sa kanya

"Cute!" sabi ko at umupo sa sahig. Tumalon sya sa lap ko kaya napangiti ako. Di pa ata sila nakain. Tumayo ulit ako at naghanap ng dog food. Nilagyan ko sya dun sa bowl nya at tinabi sakin

"Ikaw ba si Coco?" tanong ko dun sa aso na busy sa pagkain. Aba ayaw ako pansinin!

"Pssst~ Ikaw ba si Coco?" di nya pa rin ako pinapansin. Para akong tanga dito na nakatingin sa aso habang nakain. Wala akong magawa eh. Inubos ko na yung cereal at niligpit na yung pinagkainan ko. Kung gawin ko na lang kaya yung mga sinabi sakin ni Mark? Naalala ko pa naman yun. Sisimulan ko sa mga kwarto nila. Pumasok ako dun sa unang kwarto. May double deck sya at halos malula ako sa dami ng damit

"I changed my mind!" sabi ko at sinara ulit yung pintuan. Mukha namang malinis kaya wag na. Pinuntahan ko naman yung kwarto ni Mark. Mangagalikot na lang ako! Pumasok ako dun sa kwarto. San ba ako magsisimula? Sa drawers na lang. Inisa isa ko yung drawer nya. Ayos mga damit nito ah. Itago ko nga yung iba para ibigay dun sa mga unggoy dejoke mayaman yung mga yun. Sinara ko na ulit yung drawer kasi wala naman akong interes sa damit nya. Baka di ko mapigilan sarili ko gupitin ko yung mga yun. Tumingin naman ako sa ilalim ng kama ni Mark. Sana nga sa kanya to kasi dalawa yung kama dito eh. Sabi nila nasa ilalim ng kama o kaya sa ibabaw ng cabinet daw tinatago yung mga sikreto nila hihihi. May nakita akong box kaya hinila ko agad yun palabas. Pagkabukas ko ay mga photo albums yung nakita ko. Kay Mark! Inisa isa ko yung mga photo albums na nandoon. Nakita ko din sila Mr and Mrs Tuan. May mga kapatid din sya. 2 babae tsaka isang lalaki. Siguro mas matanda si Mark dun sa isang lalaki kaya sya yung nakasal sakin. Ang gara naman kung sa babae din ako ikakasal diba :3 May isang photo album din dun na kasama nya sila Bambam tsaka yung members. Ang cute ni Bambam dati hihihi! Nang matapos ko ng makita yung photo albums ay may nakita akong picture frame sa pinakababa kinuha ko naman yun at tiningnan maiigi. Family picture nila. May kasama pang isang babae kaso faded na yung mukha, parang sinadya nga tanggalin eh. Tapos naka-akbay sa kanya si Mark. Hmmm~ Kelan ko kaya sya makikitang ngumiti? Yung ngiti nya din dito sa picture na may kaakbay syang babae. Ang meaningful kasi ng ngiti nya dito tapos ngayon akala ko daladala lahat ng problema sa mundo kasi hindi ngumingiti! Binalik ko na ulit yun sa box at tinago na akala mo walang gumalaw. Lumabas na ako dun at binuksan yung T.V. Sakto may palabas! Kaso di naman ako interesado kaya paunti unti naka tulog na ako zzzZZZ

Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon