[KR's POV]
Lutang ako habang tinuturuan ako ng tutor ko. Iniisip ko pa rin kasi yung kagabi. Hindi matanggal sa isip ko yung ngiti ni Mark habang nakatingin sya dun sa babae. Sa bagay maganda naman kasi si Ateng tapos kilala nya pa. Bakit ko nga ba iniisip yun?! Umiling na lang ako at nag-focus sa ginagawa ko
"May problema ba KR?" tumingin ako dun sa tutor ko at umiling
"Mukhang meron eh. Ayos lang pagsabihan mo ako"
"Wala nga po. Hindi lang po maganda gising ko" chismoso mo ah. Kahit tutor ko sya nagiingat din ako. Malay natin fan din pala sya ng Got7 tapos magkalat ng kung ano anong fake news. Nabasa ko lang yun sa FB >w< Bumalik na yung tutor ko sa pagtuturo sakin
"Bukas na lang ulit. Bye KR"
"Sige po" sabi ko at nagbow. Sinara ko na yung pintuan at inayos yung mga papel ko. Sa sabado may JYP Nation concert yung Got7 niyaya nila akong pumunta. Kasama daw yung iba pang idols under JYP. Pupunta ba ako? Napatingin ako kay Coco na nasa paanan ko
"Pupunta ba ako hindi?" tinilt nya yung ulo nya na parang nagtataka o hindi alam. Sa tagal ko dito si Coco lang nakakausap ko at sa actions nya malalaman mo kung anong gusto nyang sabihin. Galing talaga ni Google!
"Dun sa JYP Nation concert" mukhang nakuha nya naman at tumahol sya at winagayway yung buntot nya. Oo daw
"Eh wala kang makakasama dito" tumahol sya ng dalawang beses at winawagayway pa rin yung buntot nya. Ayos lang daw. Hinimas ko yung ulo nya habang nakangiti. Okay manonood na ako! Sabi ni Coco eh. Sa sabado pa naman may tatlong araw pa ako. Ano kayang itsura ng loob ng company nila? Sa labas ko lang kasi nakita eh. Tulala lang ako dito sa may T.V. Di ko naman maintindhan yung sinasabi eh
"Momo..."
Ayan na naman sya! Asdfghjkl! Mababaliw ako dito eh. Kinuha ko yung tali ni Coco at sinuot sa kanya
"Lakad tayong Han River ah?" sabi ko sa kanya habang sinusuot sa kanya yung tali. Tumahol uli sya at winagayway yung buntot nya. Pinayagan na ako ni Mark lumabas ng bahay pero wag daw magpapagabi. Sinabi nya na rin yung password ng unit nila kaya gorabells na tayo! Pagkakalabas ko ng building ay pumara agad ako ng taxi. Nasa Han River na kami at tinanggal ko na yung tali ni Coco. Hinayaan ko lang sya tumakbo ng tumakbo pero hindi sya nawawala sa paningin ko. Dali ako kay Youngjae kapag nawala si Coco
"COCO!" lumapit naman agad sya sakin. Sinuot ko ulit yung tali nya at pumunta sa isang convinient store. Magp-pic nic kami ni Coco. Magsama silang dalawa! Ginugulo nila ang utak ko susmiyo. Idadaan ko na lang to sa kain. Tama!
[Mark's POV]
Ngiting ngiti ako habang nagp-practice kami. Di ko kasi makalimutan yung nangyari kagabi. Tangina nakakabakla! Nagkita ulit kasi kami kagabi. Di ko na kasi sya nadaanan kagabi kasi maaga silang natapos yun pala pupuntahan nya ako sa dorm namin. Kinikilig ako shit nakakabakla!
"Anong nakain mo Mark hyung?" Yugyeom. Napaisip naman ako. Di pa naman nakain simula umaga
"Wala pa. Ikaw ba?"
"Pfft! Slow mo hyung! Ngiting ngiti ka kasi!" dun ko lang nagets kung bakit nya ako tinanong nun
"Si Momo kasi pumunta sa dorm kagabi" bigla naman lumapit yung iba ko pang kamembers. Interesado din ang mga gago. May past kaming dalawa ni Momo. Natigil lang yung relasyon namin nung pumunta akong Korea para maging trainee. Hindi ko inaasahan na susundan nya ako dito at nagtrainee din sya. Kahit bawal sa contract, may relasyon pa rin kaming dalawa. Di na nga lang kami madalas nagkikita gawa ng schedules namin
BINABASA MO ANG
Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)
Fiksi PenggemarWe're married! Secretly 😉