Chapter 49

916 21 1
                                    

[KR's POV]

Parang kahapon lang nung dumating ako ng Korea. Nakainom pa nga ako noon eh pero ngayon aalis na ako. Aalis na talaga ako. Wala ng atrasan ito. Ngayon ko lang narealize na ang lapit pala ng airport sa dorm ng Got7 dahil ang bilis namin nakarating dito o sadyang bumibilis talaga ang oras kapag ayaw mong mawalay sa taong mahal mo

Biglaan ang lahat, hindi manlang kami nakapag-handa sa pagalis ko pero wala na kaming dahil heto na. Nandito na ako at pabalik ng Pilipinas. Muling pumatak ang luha ko ng sulyapan ko ang labas ng bintana. Unti unting umandar ang eroplano palipad sa ere. Unti unti ring winawarak ang puso ko palayo sa kanya

"Hintayin mo ako Mark...." bulong ko bago hawakan ang binta ng eroplano. Puro ulap na lang ang nakikita ko at wala ng lupa. Pinikit ko ang mga mata ko. Umaasang panaginip lang ang mga ito pero nakarinig ako ng tinig ng isang babae na nanggagaling sa speaker habang sinasabi ang mga salitang

"Ladies and gentlemen, welcome to NAIA Airport. Local time is 3:44pm and the temperature is 30c. For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign"

Umayos ako ng upo at ginaya ang sinabi ng speaker. Huminga ako ng malalim at unti unti kong natatanaw ang lupa mula sa bintana

I'm home

Pinababa na kami sa eroplano at dumiretso kami sa kuhaan ng gamit. May parte na malungkot ako at masaya. Malungkot dahil malayo si Mark sa akin at masaya naman dahil muli kong makakasama ang mga kaibigan at pamilya ko. Matamlay akong naglakad palabas ng airport na akala mo ay namatayan

"KEEEEEEEYYYYYYAAAAAAAAAAAARRRRRRRRRR!!!!!!!!!!!!!!!" napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko pero bago pa ako makalingon ng tuluyan ay may apat na tao ang dumamba sakin dahilan ng pagbagsak namin sa sahig

"NAMISS KA NAMIN KR!"

"COMEBACK IS REAL MGA REPA!"

"YUNG SAPATOS KO HANGGANG NGAYON WALA PA RIN!"

"PASALUBONG KO ASAN NA?!"

Natawa ako sa mga pinagsasabi nila. Mukhang hindi naman magiging masama ang pagbalik ko dito sa Pilipinas nandito sila sa tabi ko. Paniguradong malilibang ako dito sa piling nila

"MGA UNGGGOOOOYYY!!!" Nag-group hug kami habang nakahiga sa sahig. Wala kaming pakialam sa iniisip ng mga tao. Pake ba nila! Tumayo na kami at tinulungan nila akong bitbitin ang mga gamit ko

"Why so sudden KR?" bungad sakin ni Mawe

"Oo nga. Nagulat kami nung tawagan kami nung Park Jinyoung ba yun? Pero hindi si Jinyoung ng Got7 kasi kilala namin yun" Kaye

"Tapos sabi samin na alagaan ka namin habang nandito ka sa Pilipinas" Joey

"Natawa nga ako dun sa term na alagaan kasi parang ipapaampon ka nila samin HAHAHAHAHAHA" Migo

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Lungkot ba o saya. Napabuntong-hininga ako at muling tumulo ang aking mga luha

"Oh bakit ka naiyak?" tanong sakin ni Mawe at hinarap niya ako sa kanya. Tumingin ako sa baba para hindi nila makita ang mukha ko at madaling pinunasan ang mga luha ko

"Ayan kasi Migo natakot sayo!" rinig kong sabi ni Kaye

"Anong ako? Baka sayo!" ganti ni Migo

"Ingay niyo! Naiyak si KR oh! Hindi pre baka na-overwhelm lang yan sa kagwapuhan ko" dahil sa sinabi ni Joey ay sunod sunod na batok ang natanggap niya galing sa tatlo

"Puro kayo kalokohan eh kaya lagi kayong naloloko" banat ni Mawe kaya samut saring tunog ang nilikha nila

"BOOM PANEESSS!!! Tamang tama dito Mawe oh! DITO!" sabi ni Joey habang tinuturo ang puso niya. Natawa ako sa kakornihan nila

Tama. Hindi naman masamang bumalik dito dahil nandito sila. Dito ako nagsimula at dito rin ako muling babalik. Sabi nga nila "It's more fun in the Philippines" mukhang totoo nga. Babalik balikan ko talaga ang Pilipinas

"Masyado ko lang kayo namiss kaya naiyak ako HAHAHAHAHA" pabiro kong saad

"Ayun naman pala" sabay sabay nilang sagot

"Tara KR marami kaming ik-kwento sayo! Tagal mo ring wala dito sa Pinas kaya maraming nangyaring hindi mo alam" sabi ni Migo. Ngumiti lang ako bilang sagot. Binuhat nila ang mga gamit ko at naglakad kami papunta sa kotse na pagkakaalala ko ay kay Mawe. Nakasakay na kami sa loob habang si Mawe naman ang driver, sa shotgun si Joey at si Kaye at Migo naman ang mga katabi ko. Napuno ng tawanan at kalokohan ang kotse ni Mawe habang nasa byahe kami hanggang sa mawalan na sila ng sasabihin at kwento sakin kaya napagdesisyunan kong sabihin na ang dahilan kung bakit ako bumalik dito

"Pero ang totoo talaga nan kung bakit ako biglang napabalil dito sa Pilipinas...." kinwento ko sa kanila lahat ng nangyari simula sa umpisa hangggang sa nangyari nung nasa korea pa ako. Hindi napigilan ng mga luha kong bumagsak habang kinikwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari

Sariwang sariwa pa sa puso't isipan ko ang lahat ng nangyari. Baon na baon ang lahat ng salitang iniwan sakin ni Mark. Paulit ulit ko itong naririnig sa ulo ko lalo na mga salitang mahal na mahal kita. Wala pang isang araw na nagkahiwalay kami pero miss na miss ko na siya. Oo nagkahiwalay na kami dahil may concert sila sa ibang bansa na hindi ako kasama pero iba pa rin kapag pinaghiwalay talaga kayo. Yung pinaglayo talaga kayo ng tadhana pero wala kayong kalaban kalaban dahil iyon ang tama. May social media naman na pwede namin maging koneksyon sa isa't isa pero iba pa rin talaga kapag siya na. Iba yung nasa tabi mo siya. Iba yung pakiramdam na harap harapan mo siya nakakusap, nakikita, naririnig, nahahawakan, nararamdaman. Iba ang pakiramdam kapag nandiyan siya. Ibang iba

"Pero dahil naniniwala akong kakayanin naming dalawa. Magiging ayos lang ako dito at siya doon. Maghihintay kaming dalawa hanggang sa dumating ang araw na muli kaming magkakasama. Dadating din ang araw na wala ng makakhadalang samin, magiging masaya na kami, malaya na naming maipagsisigawan sa mundo kung gaano namin kamahalan ang isa't isa. Darating din yun kaya maghihintay kami" huli kong sabi dahil hindi ko narin napigilan ang paghagulgol ko. Naramdaman ko ang paghimas nila sa likod ko

"Hayaan mo KR. Kami ang tutulong sayo para malibang ka dito sa Pilipinas. Gagawin namin ang lahat para mapasaya ka namin. Kahit ilang taon pa kayo maghintayan kakayanin niyo yan. Diba mga unggoy?" sabi ni Mawe

"YES SIR!" sigaw nilang tatlo

"Napaka-swerte ko talaga at meron akong mga kaibigan na tulad niya. Kahit mga ulupong kayo eh mahal na mahal ko kayo" natawa kaming lahat sa sinabi ko

"Mahal ka rin namin KR. Magkakapatid nga diba tayo kaso galing nga lang sa ibang nanay at tatay" napangiti ako ng sabihin ni Joey iyon

Malalagpasan namin ito tiwala lang. Wag lang may magloloko magiging ayos ang lahat. Kaya namin ito

Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon