Chapter 12

1.3K 36 6
                                    

[KR's POV]

"Hindi pwede!" yan agad yung sagot na nakuha ko kay Mark pagkauwi namin ni Mawe

"Bakit naman? Matutulog lang naman kami ah anong masama dun? Bakit kami nila Bambam at Yugyeom" Wala talaga akong maisip na problema kung bakit kami pinipigilan ni Mark. Baka sya may problema sa utak

"Yun na nga eh. Ayos lang sila Bambam kasi magkahiwalay kayo ng kama. Eh kayo? Matutulog kayo ng MAGKATABI. Bawal bawal. Dun na lang sya matulog sa sofa" Eh ano naman? Di ko talaga alam takbo ng isip nito eh

"Aba kakagaling nya lang sa flight tapos sa sofa mo patutulugin. Tsaka ano bang problema dun? Kapatid na nga turing ko dito kay Mawe eh" depensa ko kay Mark. Order in the court! Dejoke. Akala mo may debate dito eh

"Basta hindi pwede magkatabi ang babae at lalaki!" sagot nya sakin. Ano daw? Pano na yung mga mag-asawa, mag-shota, mag-kapatid kung bawal? Diba diba? Tsaka...

"Eh? Nakatabi ko na tong matulog dati eh"

"ANO?!" Sagot nilang tatlo. Oo nga pala nandito din si Bambam at Yugyeom. Kwarto nila to eh

"Oo. Kaya ayos lang matulog ulit kami ng magkatabi. Ano may problema ka pa Mark?" sabi ko kay Mark at tinaasan sya ng kilay. Feeling ko konti na lang sasabog na sya at namumula na din yung tenga nya. Ehehe panget~

"FINE!" sabi nya at padabog na naglakad palabas. Bakit ganon yun? Parang bata! Umiling na lang ako at hinubad yung sapatos ko

"Epic~ HAHAHA!" napatingin ako kay Bambam at Yugyeom na nagtatawanan. Okay? Pati sila nabaliw na ata

"Iba talaga magselos si Mark Hyung. Nagiging super sayan HAHAHA!" Yugyeom. Ayan na naman tayo sa selos na yan. Bakit kasi yun pa yung term nila. Pwede namang galit na lang diba. Nakakaloka~ Kumuha ako ng damit at nag-shower muna saglit. Sa CR na din ako nagbihis alangan naman dun pa sa kwarto

"ANO TO?!" sigaw ko ng makabalik ako sa kwarto

"Tsss edi kwarto!" sabi ni Mark na naglalatad ng comforter sa sahig. Di naman maintindihan yung itsura ni Bambam at Yugyeom. Nagsasakalan na ewan. Umiling na lang ako at tumabi kay Mawe. Dalawa kama dito at sa space sa gitna sya naga-ayos

"Makikigamit muna ng CR ah. Shower lang din ako" sabi ni Mawe at tumayo

"Sige" ngumiti naman ako at tumango sa kanya. Kumuha din sya ng damit at towel bago lumabas

"Ay grabe kapagod!" Sigaw ni Mark bago humiga dun sa nilatag nya. Napataas naman yung kilay ko dun. Maghapon lang syang naka-kulong dito sa dorm nila napagod pa sya =___=

"Syempre hyung ikaw ba naman---" hindi na natuloy ni Bambam yung sasabihin nya kasi may lumipad na unan sa mukha nya. Boom sapul! Pinandilatan sya ng mata ni Mark. Tumango tango naman si Bambam at nag-peace sign. Tumaas baba naman yung kilay ni Yugyeom sabay tingin kay Bambam. Okay ang weird ng senayasan nila =___=

"KR ano.. May victory party kasi ang JYP. Kakatapos lang ng concert namin diba? It was a huge success! Kaya may victory party kami. Gusto mo bang sumama bilang date ko?" oh yung JYP Nation con nila. Hmph! Naalala ko na naman yung Momo na yun. Porket naka-dress, lugay, make-up tsaka ayos sya nginingitian na sya ni Mark. Magsama sila. Tsaka ayos lang maging date ako ni Bambam kahit hindi ako kalendaryo. AHA! Light bulb!

"Formal attire ba?" sabi ko kay Bambam. Ngayon lang ako nagka-interest mag ayos kaya pagbigyan nyo na ako. Gusto ko lang pamukha dun sa Mark na yun na may ibubuga din ako!

"Oo. Ayos lang ba?"

"Naman! Kaso wala akong susuotin eh" wala naman kasi akong hilig dun pano ako magkakaroon ng ganon diba

Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon