Chapter 19

1.1K 32 0
                                    

[Mawe's POV]

Umupo ako kahit pikit pa mata. GOODMORNING WORLD! Naginat-inat din ako at bwala! Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Nakita kong tulog pa yung apat. Ako naman lagi unang nagigising ano pa bang bago. Si Joey at Kaye magkayap, si Migo naman diretsong diretso matulog akala mo bangkay sa loob ng kabaong, si KR ayun nasa kama. Sa sahig kasi kaming apat natulog baka masanggi namin si KR tapos mahulog sa kama edi maalala nya na naman yung nangyari kahapon. Tumayo na ako at umupo sa kama ni KR. Napangiti ako ng makitang may panis na laway sya sa pisngi at gulo gulo yung buhok. Hay KR~ Magsalita ka na nga para magera na natin yung babaeng gumawa sayo nito. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Nakita ko yung Lola ni Kaye na umiiom ng tea sa dining table

"Oh gising ka na pala iho tara mag-almusal" Lola

"Sige po. Maghihilamos po muna ako" tumango si Lola kaya naglakad na ako papuntang CR. Morning rituals sabay konting papogi. Okay~ Lumabas na ako at dumiretso sa kusina. Nagsuot ako ng apron at tiningnan kung ano pwedeng maluto sa ref

"Pasensya ka na di ako nakagluto ng agahan. Nagkakaedad na kasi" sabi ni Lola. Ngumiti ako at kumuha ng itlog

"Ayos lang po. Kami na nga lang nakikitulog dito eh. Di nyo na po kami kailangan asikasuhin" tumango tango naman yung Lola ni Kaye. Kumuha din ako ng loaf bread. Ready to cook na! Binati ko na yung itlog at isa isang nilubog yung loaf bread dun. Pagkatapos nun ay pinrito ko na. May umakbay sakin pero di ko pinansin

"Anong niluluto mo Nay?" tiningnan ko si Migo ng masama. Si Migo lang naman ang umaakbay sakin

"Loaf bread with egg coat po TAY" bakit ba biglang bumalik yang Nanay at Tatay na yan =___=

"HAHAHA. Sige hilamos lang muna ako" tinapik nya ako bago umalis. Umiling na lang ako at tinuloy yung pagluluto. Natapos akong magluto at nilagay ko na yun sa lamesa. Saktong labas din ni Kaye sa kwarto. Si Migo naman nanonood sa sala

"Kain na" sabi ko kay Kaye. Tumango sya at naglakad papunta sa CR. Sunod na lumabas ay si Joey at sinundan din ni KR. Kumuha ako ng niluto ko at naglagay sa platito sabay timpla ng kape

"Yown foods!" sigaw ni Joey at umupo na. Umupo na rin sila KR, Migo at Kaye at kanya kanyang kain

"Oh kape" sabi ko at inabot kay KR. Kinuha nya naman yun at humigop. Nagtimpla din ako para sakin at umupo na din

"Ang galing ng welcome nyo samin dito ah. Muntik ng mamatay si KR" sabi ni Kaye. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanila. Napatigil sila sa pagkain at natahimik

"Wag na kayong magisip ng kahit ano. Ang mahalaga ay ligtas na si KR. Isipin nyo na lang kung pano tayo makakaganti" sabi ko at bumalik sa pagkain. Hinawakan ni KR ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya. Umiling iling sya at parang gusto nyang sabihin na wag namin gawin yung sinabi ko. Ngumiti ako ng tipid at ginulo ang buhok nya

"Joke lang. Alam kong ikaw na bahala dun. Kumain ka na nga" ngumiti din sya sakin at bumalik na sa pagkain

"Pero wag lang syang magpapakita sakin. Baka masabunutan ko sya" Joey

"Sabunot talaga? Sapakin mo na! Sabunot sabunot pang bakla lang yun!" sigaw ni Migo

"Pre babae yun. Maki-ayon tayo sa normal na away nila sabunot. Mas pambakla ang sampal! Magisip ka nga" Joey

"Oo nga no. Sige sabunutan natin sya kapag nakita natin" Migo. Napailing na lang ako habang kumakain. Di ko talaga alam takbo ng utak ng mga to

Natapos kaming kumain at si Kaye na ang nagligpit. Kanya kanyang upo naman kami sa sofa habang nanonood ng T.V

"Tara mag-gala! Ilang linggo na lang babalik na tayong Pilipinas eh" sabi ni Migo. Oo nga pala. Kapag bumalik silang Pilipinas kasama na ako. Napagusapan na namin yun kagabi

Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon