[Mark's POV]
Pagkalabas ni KR at Mawe ay naiwan akong tulala sa loob ng dorm
What have I done?
Napasabunot ako sa aking buhok at iritadong ginulo ito
"WHAT HAVE I DONE?!?!" sigaw ko bago suntukin ang pader. Hindi ko ininda ang sugat na natamo ko at nagsimula na itong dumugo
Napaluhod ako at napasabunot ulit sa aking buhok
"Ang tanga mo Mark! Ang tanga tanga mo!"
Mukha na akong bakiw dito habang kinakausap ang aking sarili
Hindi ko naman intensyon na gawin ko yun kay KR pero dumilim ang aking paningin at hindi na nakontrol ang aking sarili
I guess, I will regret this thing I made for the rest of my life
Napahiga ako sa sahig habang inaalala ang mga kawalangyaang ginawa ko kanina
Hindi ko naisip na kaya kong gawin yon. Sa babaeng pinakama-mahal ko pa. Alam kong hinding hindi na niya ako mapapatawad pero hihingi pa rin ako tawad sa kanya. Alam ko rin na hindi katanggap tanggap ang ginawa ko sa kanya pero susubukan ko pa rin
Nabulag ako ng kasakiman. Inuna ko ang galit ko kesa sa pagmamahal ko sa kanya. Tama si Mawe. Kulang ako sa tiwala at respeto. Dapat pinagkatiwalaan ko silang dalawa na hindi nila magagawa yon
Napatingin ako sa lamesa at natawa sa nakita ko
Lubid
************************
"JYP PD-nim. Na-food poison ang lahat ng members ng Got7. Naireklamo na namin ang hotel kung sila naka-check in. Based on the investigations, merong sasaeng fan na naglagay ng lason sa pagkain nila------ Oo---- Pabalik na kaming Korea---- Cancel na po lahat ng event in US?------ Sige po---- END NA PO AGAD?! Sorry PD-nim----- Ending concert? ------- Okay" imbes na sa isang hotel kami mag check in ay sa ospital kami dumiretso. Pina-admit na namin si Mawe para magamot ang mga natamong sugat at nilinis naman ang sugat ko sa noo. Sapat na ang laki ng hospital room para magkasya kaming lahat
Kapag sa hotel kasi kami pumunta malaki ang posibilty na may makakita sa amin na fan hindi tulad dito sa ospital ay wala talagang makakaisip na nandito ang Got7 kaya nagmistulang hotel room ngayon ang hospital room dahil dito kami magpapalipas ng gabi
Nakasimangot na humarap sa amin si Manager. Naka-tungo lang kami at walang balak tumingin sa kanya
"Ayos na. Naasikaso ko na ang sa management" malumalay na saad niya kaya napa-angat kami ng tingin. Sinalubong kami ng isang tipid na ngiti galing kay Manager
"Parang mga anak ko na rin kayo. Ipapahamak ko pa ba kayo?" Sumigla ang paligid at lumawak ang ngiti sa aming labi
"I LOVE YOU MANAGER!!!" nangingilid na luhang sabi ni Jackson. Natawa kaming lahat sa naging reaksyon ni Manager na halos masuka ng yakapin siya ni Jackson pero agad din itong napalitan ng fatherly smile
"Anong nangyari KR?" natahimik ang lahat at tumingin sila sa direksyon ko ng itanong iyon ni Jaebum. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko
Kinuwento ko sa kanilang lahat ang nangyari
Masasabi kong puno ng galit ang mga mata nila ngayon at tulad ko ay pinipilit din nilang pakalmahin ang sarili nila
"Hindi ko maiisip na kaya palang gawin ni Mark yon" bulong ni Jinyoung. Tumayo ako at isa isang hinimas ang likod nila at binigyan ng tipid na ngiti