Chapter 40

983 27 0
                                    

[KR's POV]

"Dali na KR sumama ka na" sabi ni Bambam at parang bata na pumulupot sa braso ko

"Sabi ng hindi ako sasama eh!" sabi ko at hinila ang braso ko sa kanya

Last day na namin dito sa Korea at saktong ending concert na din ng Got7 kaya nandito si Bambam sa hotel room namin ni Mawe para kulitin akong manood ng concert nila

"Promise hindi ka lalapitan ni Mark hyung! Ilalayo kaagad namin siya sayo!" tumingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay

Hindi ko alam kung paano nila napatawad at natanggap ulit si Mark. Wala rin akong balak alamin. Mabuti na rin yun para sa kanila

"Kahit na ayoko pa rin" sabi ko at tinuon ang pansin sa T.V na hindi maiintindihan ang palabas

"KR naman~ Miss na miss ka na namin. Last day mo na naman dito sa Korea eh. Kahit magpaalam ka lang samin wag na kay Mark. Naging parte ka rin naman ng buhay namin" malungkot na saad ni Bambam. Humalumbaba ako sa sofa at huminga ng malalim

Hindi talaga ako tatantanan ng lalaking to hangga't hindi ako um-oo eh

"Papayag na yan~ Eto na yung ticket oh" nilapag niya sa lamesa ang ticket na hindi nalalayo sa huling binigay nila sakin noong JYP Concert. Dalawa ito para din siguro kay Mawe. Tiningnan ko lang ito saglit at tumingin kay Bambam. Tinaas baba niya ang kanyang kilay habang nakangiti ng malawak

"Kayo lang dadayuhin ko dun hindi si Mark" agad napatayo si Bambam sa sagot ko

"NICE! Oo kahit kami lang wag mong pansinin yung gagong yun" natulala ako ng sabihin ni Bambam ang salitang "gago" Napatingin sakin si Bambam at nanlaki din ang mata ng marealize niya kung anong sinabi niya

"HAHAHAHAHA!!!" sabay naming tawa

"Hayaan na natin wala naman si Mark" sabi ni Bambam

"Bahala ka. Basta ako kahit murahin ko yun walang problema" sabi ko at muling tumingin sa T.V

"Basta KR 7pm sharp! Aabangan kita! Alis na ako may maga-ayos pa kami" tumayo si Bambam at ganon din ang ginawa ko

"Mawe hatid ko lang si Bambam sa baba!" sigaw ko sa bandang kusina kung saan nandun si Mawe. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at naglakad na kami ni Bambam palabas

Mimiya pa namang 11pm ang flight namin kaya pwede pa akong maka-attend ng concert nila

"Alam mo ba KR. Nung nawala ka sa dorm bumalik ang lahat sa dati pero parang may kulang" sabi ni Bambam. Hindi ako kumibo at nanatiling nakikinig

"No one dares to mention your name there when Mark is around. Pero kapag wala siya dun ka lang ulit namin napagu-usapan. Kung ayos ka lang ba o hindi mga ganon" tango na lang ang naisagot ko sa mga sinasabi niya

Sa totoo lang nakaka-miss ko talaga ang dorm ng Got7 pati members. Si Jaebum na crush ko simula pa lang ng pag dating ko dito. Si Jackson na walang kapaguran kakadaldal. Si Jinyoung na nanay ng lahat. Si Youngjae na dinaig pa ang araw at megaphone sa lakas ng boses. Si Yugyeom na wala ng ibang ginawa kundi pagtripan ako pati ang mga hyungs niya. Tsaka tong si Bambam na naging best friend ko habang nandito ako sa Korea

Don't mention Mark hindi ko siya nami-miss. Nasa stage na ako ng moving on kaya mag move on na din kayo

Hindi ko namalayan na nasa labas na pala kami ng hotel kung hindi pa titigil si Bambam sa paglalakad. Tumingin ako kay Bambam na naka-disguise at ngumiti

"7pm copy" sabi ko na ginantihan niya ng isang matamis na ngiti. May humintong van sa harapan namin at agad siyang pumasok

"See you!" sabi niya bago saraduhan ang pinto. Ngumiti at ako pinanood ang van na mawala sa paningin ko bago pumasok sa loob

Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon