[Mark's POV]
Ginugulo pa rin ako ng mga members ko kung pano ako nakasal ng ilang oras lang
"Wala manlang reception! Wala ka bang take out na pagkain? Yung organic" Jackson
"Bakit hindi kaming dalawa ni Jaebum yung naghatid sayo sa altar! I'm your mom" Junior
"Hyung yung bride lang yung hinahatid sa altar" Yugyeom
"Ay ganon ba yun?" Junior. Napahilamos na lang ako. Pano nga ba ako nakasal sa kanya? Ewan ko din eh. Bago ako umalis ng L.A ay binigay na sakin ni Dad yung singsing at may pinapirma sakin. Huli na nung sinabi nyang wedding contract pala yun. Nasa Incheon Airport na ako ng tumawag sya sakin sabay sabi ng "Wedding contract yung napirmahan mo anak. Thank you di na kami mahihirapan sa future ingat ka jan sa Korea" sabay baba ng tawag. Ang talino ng papa ko diba? Psssh~
"Mark hyung hindi mo manlang kami sinama sa bachelors party!" Yugyeom
"Bawal ka pa dun masyado ka pang bata!" Youngjae
"EEEEEEEEH!!!!" pasimple akong pumasok sa kwarto namin ni Younjae. Di pa ako nakakatulog, tumakas lang kasi ako kila manager kaya nakapaglakad ako sa han river. Di ko alam kung bakit gising pa sila
"WHAT THE?!" sigaw ko ng makita yung babae sa kwarto. Di pwede! Dapat sa ibang room sya. Baka magselos pa yung Aghase sa kanya. Mas mahal ko yung mga fans ko kaya mga Aghase wag kayong maniniwala sa mga rumors
"YOOOUUUUNNNGGGJJJAAAAEEEE!!!" sigaw ko mula sa kwarto
"Bakit hyung?" pumasok agad sya sa kwarto
"Bakit dito yan natutulog?! Palabasin nyo nga yan dito!" sigaw ko. Gumalaw naman si Babae kaya napatingin kami sa kanya
"Hala hyung baka magising! Ang sama mo sa asawa mo!" sigaw ni Youngjae sakin. Di ko yan asawa! By contract lang pero hindi ko sya mahal!
"Bakit ka sumisigaw?! Mas maingay pa bunganga mo sakin eh!" may lumipad na dalawang unan sa direksyon namin. Aish! Tinamaan ako sa batok! Tapos si Youngjae sa mukha. Lumingon ako kung san galing yun. Si Babae nakaupo na sa kama tapos galit na galit yung mukha
"Lalabas na muna ako!" sabi ni Youngjae at mabilis na lumabas ng kwarto. Aish!
"Ang ingay ingay nyo! Kung ayaw nyo matulog aba magpatulog kayo! Di mo ba alam na wala pa akong tulog! Masakit pa ulo ko! Tsaka bakit ka nandito?! Diba si Bambam roommate ko?!" napangiwi ako sa lakas ng sigaw nya. Bakit ba sya yung pinakasal sakin nila Mommy at Daddy? Di ko pa sya iniintroduce sa members kilala nya na agad si Bambam. Sa inis ko ay binato ko sa kanya yung unan sa sahig. Bawian lang aba! Napatayo sya at sinamaan ako ng tingin
"Yan pala gusto mo ah! Eto saluhin mo!" sabi nya at sunod sunod akong binato ng unan. Shit! Kinuha ko naman yung unan sa kama ko at binato sya. Babae ba talaga to?! Ang lakas nya bumato ah. Level up na hinahagis namin. May kasama ng punda kumot pati na rin kurtina!
"Nakakainis ka! Bakit pa kasi ako nakasal sayo!" sigaw nya habang nagbabatuhan kami
"Akala mo ba ginusto ko to?! HINDI DIBA!"
"AH!" sigaw ko ng tamaan ako ng matigas sa mukha ko. Pagkatingin ko sa baba ay yung toner ni Youngjae. Napatingin naman ako kay Keara. FUCK! Pinangharang ko yung unan sa mga hinahagis nya. Mga cosmetics at skin care na yung binabato nya. Wild pala to! Di pa rin ako nagpatalo at binato din sya ng mga cosmetic ko. Ang dami pa namang gamit ni Younjae talo ako. Ubos na ang bala ko! Nahagip ng mata ko yung walis. Kinuha ko na yun at handang handa ng ihagis kay Keara