[KR's POV]
Basang basa kaming pumasok nila Mark, Kylie at Leila sa loob ng bahay kaya pinag-rob muna kami. Nasa hapag kainan na kami ngayon at magkatabi kami ni Mark. Kasama namin ang buong pamilya ng mga Tuan pati rin si Holly. Saling pusa =_____=
"Oh she's Grace, Keara. She just arrive" pakilala sakin ni Dad sa katapat ko. Mukha siyang tomboy
"Hi Keara nice to meet you" tumayo siya sa kanyang upuan at nakipag kamay sakin. Tumayo din ako sabay ngiti at nakipag kamay din
"A pleasure to meet you too, Grace" sagot ko bago umupo. Madalas akong ma-awkward kapag 'Keara' ang tawag sakin pero ayos lang sakin kapag sila ang tumatawag sakin nun
"Let's eat" sabi ni Mom kaya nagsimula na kaming kumain. Kukuha na sana ako ng pagkain pero pinigilan ako ni Mark
"Ako na. Baka mahiya ka pa alam mo namang ayaw kong nagugutom ka" sabi niya at pinuno ng pagkain ang plato ko. Kulang na lang ay tumulo ang laway ko habang nilalagyan ni Mark ang plato ko dahil mukhang masarap ang mga pagkain na niluto ni Mom
"Mark mimiya na lang ulit baka matapon sayang lang. Magr-round two na lang ako" sabay kaming natawa at tinigilan na ni Mark ang paglalagay ng pagkain sa plato ko. Punong puno ba naman yung plato ko. Baka isipin ni Mark patay gutom ako which is totoo naman. Sinimulan ko ng kainin ang mga pagkain
ANG SAAARRRAAAAAPPP!!!
"Mark can you please pass me the food" sabay kaming napatingin ni Mark kay Holly. Anong food? Marami kaya ditong pagkain
"You have your own hands to get it" sabi ni Mark at bumalik ulit sa pagkain. Nakita kong sumimangot si Holly sa naging sagot ni Mark kaya napangisi ako
"Solid burn" komento ni Joey sabay tawa ng malakas. Siniko siya ni Grace kaya natigilan siya sa pagtawa
"Just eat" sabi ni Grace kaya tahimik naming inubos ang mga pagkain na nasa plato namin. Gusto pa ngang lagyan ni Mark yung plato ko kaso tumanggi na ako kailangan dalagang pilipina ako ngayon. Lumapit samin sila Kylie at Leila at hinawakan ang kamay namin ni Mark
"Let's swim again Aunt KR!" sabi ni Leila at hinila ako
"Uncle Mark will join us too!" sabi naman ni Kyle at hinila patayo si Mark. Napatingin kami ni Mark kay Tammy. Ngumiti ito samin bago tumango. Ngumiti din kami ni Mark at nagpahila na sa dalawang makukulit na bata
"I want to join too!" nagmamadaling sumunod samin si Holly. Hindi namin siya pinansin at hinayaan makisali. Pigilan niyo ako baka lunurin ko yan dun sa pool
"AAAAAAAAHHHH!!!" sabay sabay naming sigaw bago tumalon sa pool. Binuhat ko si Leila dahil nasa malalim kaming part. Nakita ko namang buhat ni Mark si Kylie at nalulunod naman si Holly joke! Ayos lang si Holly. Sa isip ko lang pala siya nalulunod
Nagtampisaw ang mga bata sa tubig habang buhat buhat namin sila. Wala kaming nagawa kundi sumigaw at tumawa. Parang bumalik ako sa pagkabata. Nakitampisaw na din ako gamit ang isa kong kamay. Masaya na sana ang lahat kaso umeksena na naman si Holly
"Mark its to deep in here" sabi ni Holly at kumapit sa braso ni Mark. Ang liit mo kase!
"Then go over there" sabi ni Mark at tinuro kay Holly yung mababaw na parte ng pool
"I'll go there on my own? Why won't you join me?" sabi niya at mas lumapit kay Mark. Kung hindi ko hawak si Leila o kaya wala dito yung mga bata nilunod ko na talaga tong haliparot na'to
"I have to keep my eye on my wife" sabi ni Mark at pinulupot niya sa bewang ko ang kanyang braso bago hilahin palapit sa kanya. Ngumisi ako kay Holly ng makitang masama ang tingin niya sakin. Binitawan niya ang braso ni Mark bago umahon sa pool
![](https://img.wattpad.com/cover/75339673-288-k693401.jpg)