Special Chapter #1.5

1.5K 37 12
                                    

[Mark's POV]

Nanginginig ako habang buhat buhat ang walang malay na katawan ni KR. Tumatakbo kami ngayon pababa ng building. Nauna na ang ibang staff at manager namin para ayusin ang kotse. Si Bambam lang ang member na sumama dahil hindi sila pwedeng sumama lahat dahil mahirap ng magkaroon pa ng issue

Halos maiyak ako kakaisip kung ano ang dahilan ng pagkahimatay niya. Mas kinabahan pa ako ng maalala ang kundisyon ng katawan ni KR sa mga nakaraang araw. Lagi siyang matamlay at laging tulog. Minsan ang hirap din niyang intindihin dahil madalas siyang magka-mood swing

"Pasok na agad kayo Mark dali" sabi ni manager noona habang nabukas ang pinto ng van. Agad naman kaming pumasok sa loob at mabilis nilang sinarado ang van. Yakap yakap ko si KR habang nakaupo siya sa tabi ko. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay sa takot na kung anong pwedeng mangyari sa asawa ko

"Magiging okay din yan Hyung" sabi sakin ni Bambam at tinapik ang braso ko. Kahit alam kong malakas ang katawan ni KR hindi ko pa rin maiwasang matakot at mag-alala dahil sa simpleng dahilan na mahal ko siya

Hindi din naman nagtagal ay nakarating din kami sa ospital. Agad kaming dumiretso sa emergency room. Sila manager na ang nag-asikaso sa lahat habang kami naman ni Bambam ay tahimik habang naka-suot ng pang-disguise namin

"Dito po Sir" lumapit sakin ang isang nurse at ginabayan niya ako kung saan ko ihihiga si KR. Ayoko siyang bitawan, natatakot ako. Gusto ko hawak ko lang siya hanggang sa dumilat ulit ang kanyang mga mata. Pero mukhang hindi ko magagawa yun dahil kailangan namin ng tulong sa doktor. Huminga ako ng malalim bago ko siya dahan dahang inihiga sa kama

"Sir dito na lang po kayo hintayin niyo na lang po matapos ang gagawin naming checking sa kanya" sabi ng nurse at sinarado na ang kurtinang kulay berde na pumigil sakin sa pagtitig kay KR

Please KR, Be safe my love

Nakita ko si Bambam na nakaupo sa bench kaya tumabi na lang din ako sa kanya. Wala naman akong ibang magagawa kundi ang maghintay. Dumating na din sila manager at tumabi din samin

"Pray lang tayo para kay KR at sana walang masamang nangyari sa kanya" sabi samin ni Manager bago ngumiti ng bahagya. Wala akong ibang sagot kundi ang tumango.

Hindi pa rin mawala ang kaba na aking nararamdaman. Parang bawat oras na lumilipas ay lalong bumibigat ang paghinga ko. Unti unti din akong sinasakal ng katahimikang bumabalot sa amin. Hindi mapakali ang isipan ko kung ano na ang nangyayari sa asawa ko. Kung ayos lang ba siya o may iba pang dahilan

"Hyung ayos ka lang?" napatingin ako kay Bambam. Nararamdaman ko pati siya ang nagaalala. Tumango na lang ako at umiwas ng tingin

"Pinagpapawisan ka kasi hyung" napahawak naman ako sa noo ko at nagulat ako ng maramdamang pawisan nga ako. Hindi ko namalayan na pinagpapawisan na ako ng malamig sa kaba. Pati ang mga kamay ko ay nanlalamig na. Pinunasan ko na lang ang noo ko at hindi pinansin si Bambam

Mga ilang oras pa ang lumipas bago bumukas ang pintuan ng emergency room. Lahat kami ay napatayo at ang lahat din ay nakatingin sa doktor. Naga-abang kung sa ano ang sasabihin niya

"Sino ang asawa ng pasiyente?" tanong ng doktor. Naalarma naman ako ng sabihin niya yun. Lalo tuloy akong kinabahan

"A-ako po" sabi ko. Tumingin sakin ang doktor. Seryoso ang kanyang mukha at hindi ko ito mabasa. Dumoble tuloy ang kabang nararamdaman ko. Huminga siya ng malalim at pumikit. Naisara ko ang kamao ko dahil parang kakawala na ang puso ko sa sobrang kaba

Idilat niya ang kanyang mga mata at mabilis na ngumiti. Nagtaka naman ako sa kanyang inasal kaya medyo humupa ang kaba na nararamdaman

"Congratulations! Soon to be daddy" sabi niya at nagpalakpakan ang mga nurse sa likod niya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon