[KR's POV]
"SUSMARYANO!" sigaw ko ng makita yung pila sa concert venue. Grabe ang daming tao! Hindi na ako sumabay sa Got7 para di maghinala yung fans. Pinapakita din sa screen yung mga groups na magp-perform. Pumunta ako sa mga nagbebenta ng merch. Hinanap ko agad yung headband. Binili ko yung headband na may nakalagay na Got7 tapos nailaw. Sinuot ko yun at hinanap yung dulo ng pila. San ba yun? Lumapit ako sa isang grupo ng mga babae
"Miss san po yung pila?" naloka naman ako nung sumigaw sila. Ang ganda ko talaga joke
"AAAAH! Aghase din po ba kayo?" nagtaka naman ako sa tanong nila. Aghase? Baby bird yun diba? Baka yun yung fandom name ng Got7! Dun kasi sa lightstick nila may ibon
"Uuhm opo hihihi Sino bias nyo?" nabasa ko yan sa internet wag kayo. Talagang pinagaralan ko yun incase na may magtanong sakin di ako mapahiya
"Sakin si Yugyeom!"
"Sakin si Bambam!"
"Youngjae is mine back off!"
"Si Junior!"
"Jackson!"
"Sakin si Mark walang mangaagaw!" Halos maduwal naman ako sa sinabi nung babae. Iyong iyo na ateng! Pero sorry ka kasal kami
"Sayo ate sino?" sabi sakin ni Yugyeom biased
"Jaebum sakin" talaga naman! Si Jaebum lang pinakagusto ko sa kanila kahit si Bambam pinaka close ko. Para kasi syang tatay tapos mataas ang respeto ko sa kanya
"Wow leader! Dito ka na tumabi samin ate! Mukhang masaya ka naman kausap!" sabi ni Junior bias at siningit ako sa pila nila. Ay shala! Ang lapit kaya ng pila nila. Mga tatlong grupo tapos sila na. Heh! Swerte ko naman. Inangkla naman ni Mark biased yung braso nya sakin. Feeling close. Nagulat ako ng hawakan nya yung kamay ko na may suot ng wedding ring namin ni Mark. Hala! Nakalimutan ko palang tanggalin yun!
"Wow! Katulad ng singsing ni Mark! Guys tingnan nyo oh!" pinagdasal ko na sana hindi na lang ako nagtanong sa kanila
"Wow oo nga!" Youngjae biased. Naki-oo na din yung iba sa kanila. Pero pano nila nalaman na katulad ng singsing to ni Mark?
"Inggit ako! Mukha tuloy kayong couple! San mo nabili yan?" luh anong isasagot ko? Ina!
"Uuhh... Sa... Sa jewerly shop lang jan sa tabi tabi. Nagkataon lang ata na magkatulad kami ni Mark hehehe" galing ko magpalusot sana maniwala sila. Mukha naman silang naniwala kasi tumango tango sila. Sabay sabay pa. Cute!
"Pwede bang matry? Please!" sabi sakin ni Mark biased. Ayaw! Isip uli ng palusot. Aha!
"Di pwede eh. Bigay kasi to sakin ng daddy ko. Kahit kelan di ko to tinatanggal"
"Eeeeeehhhh ngayon lang---"
"AAAAAAH!!! Nagpapasok na sila! Get ready girls!" sigaw ni Jackson biased. Thank you Lord! Kumalas na sakin si Mark biased kaya nakahinga na ako ng maluwag. Narinig ko rin yung pagsigaw ng mga nasa likod namin. Isa isa na kaming pinapasok. Nilabas na naman nila yung ticket nila. Bakit yung ticket ko naiiba sa kanila? Baka mimiya hindi ako papasukin! Dali sakin si Bambam. Nung turn na namin ay binigyan nila ako ng banner na may nakalagay na "Mark saranghae" (Saranghae = I love you) What the?! Agad naman akong bumalik dun sa nagbibigay ng banner
"Kuya papalit" sabi ko dun sa nagbibigay ng banner. Papalitan na sana ni Kuya yung banner ko pero hinila ako ni Jackson biased
"Jaebum biased ayos na yan madaming nakapila oh tara na!" eh! Yung banner ko! TT.TT Wala na akong nagawa kasi ang dami talagang tao. Natulak na ako sa bigayan ng ticket. Pinakita ko naman yung ticket ko
![](https://img.wattpad.com/cover/75339673-288-k693401.jpg)