[KR's POV]
"Ang dami ko ng naiisip na pwede natin gawin dito sa pilipinas! And i'm sure your gonna love it!" proud na sabi ko sa kanila bago umupo. Nasa gitna ako ng apat na unggoy habang nasa harapan namin ang Got7
Nakarating kami sa hotel at dumiretso kami sa kanya kanya naming hotel room
"Ako lang mag-isa dito?" tanong ko ng bigyan nila ako ng hotel room key. Tumango sila sakin. Common sense naman KR ikaw lang nagiisang babae asa ka pang maki-share sa room nila
Pumunta na kami sa kanya kanya naming room. Sumama saking yung apat na unggoy. Katapat ng room ko yung room nila Mark at Jackson. Napanganga ako ng makapasok kami sa loob
WOW! Ang laki niya. Nilagay ko muna sa tabi yung maleta ko at nagliboy. May sariling living room, king size bed, refrigerator, at restroom
"Laki nito KR ah" sabi ni Migo habang nililibot yung paningin sa hotel room
"Oo nga eh. Tapos magisa lang ako" binalikan ko na yung maleta ko at nagsimula magayos. Buti matitinong damit yung nandito. Naiwan sa may living room yung apat na unggoy. Natapos agad ako at niyaya ko yung apat na pumasok sa room nila Mark at Jackson
*~Ring ding dong ring ding dong ringiding ringiding~*
"KR! Pasok kayo" si Jackson at tulad ng sinabi niya ay pumasok na kaming lima. Magkaparehas kami ng room. Naiba lang ng arrangement. Naabutan naming nagaayos sila ng gamit. Natapos din naman sila agad at umupo kami sa living room
"Tawagin ko lang yung ibang members" sabi ni Mark. Tumango lang kami at lumabas na siya ng room
Time check [11:46am]
Magla-lunch palang pala. May bright idea ang magandang ako!
Nagsidatingan na din yung ibang members kasama si Mark. Kasiya kaming lahat sa sofa. Dalawa kasi sofa dito tapos harapan
"Magla-lunch ano gusto niyong kainin?" biglang tanong ni Jaebum kaya napatingin ako sa kanya
"Eto menu nila oh" iiaabot na sana ni Mark kay Jaebum yung menu pero hinila ko yun
"Hep! Nasa pilipinas tayo ngayon. Nasa teretoryo ko kayo kaya ako masusunod" sabi ko sa kanila at ngumiti ng malapad
"First, magpalit muna kayo ng damit. Agaw atensyon kayo kung ganyan suot niyo sa pupuntahan natin" tumango sila at nagsi-tayo
"Ganto dapat suot niyo. Sando or t-shitt tapos basketball shorts tapos tsinelas lang" dagdag ko pa
"Eh? Anong fashion yun?" Sabi sakin ni Bambam. Eto talagang lalaking to
"It's called pambahay fashion" at ang mga uto uto nga naman ay tumango tango at paniwalang paniwala sa sinabi ko
"Okay okay~" sabi nila at lumabas na ng room nila Mark
"Magpapalit lang din ako" paalam ko kila Mark at Mawe bago bumalik sa room ko. Sakin naman ay white t-shirt, shorts at tsinelas
Pagkapalit ko ay nakasabay ko pa sila Jaebum at Youngjae sa pagpasok sa room nila Jackson. Nasa loob na sila Bambam at Yugyeom, si Jinyoung na lang hinihintay
Aba aba! Naka-sando silang lahat! My my my! Ang muscle, biceps at triceps palong palo! Lalo na yung kay Jackson at... Mark *Q*