Epilogue

1.2K 25 0
                                    

[Third person's POV]

Abala ang lahat sa kani-kanilang gawain. May nagaayos ng kanilang mga make up, nagaayos ng damit, chine-check kung ayos na ba ang mic at ang lahat ng bagay na makikita dito sa loob ng simbahan. Lahat ay nagaabang sa magaganap na pagiisang dibdib ng dalawang magkasintahan

Sa panig ng babaeng ikakasal ay walang humpay na asar ang nang-gagaling sa kanyang mga kaibigang lalaki. Dahil sa walang kaibigan na babae ang ikakasal ay sila ang tumulong ditong mag-ayos. Bumubuhos din ang suporta nila para sa kanilang matalik na kaibigan na ngayon ay maga-asawa na

Sa kabilang dako naman sa lalaking ikakasal ay hindi mapakali ang anim na lalaki sa pagaayos sa lalaking ikakasal. Naga-away pa ang mga ito kung anong medyas ang isusuot at kung anong pabango ang gagamitin. Kahit nagkakagulo silang lahat ay may tiyak na mangyayari sa araw na ito

Merong magaganap na kasal

Lahat ng kanilang pamilya, kamag-anak at kaibigan ay imbitado sa pribadong kasal na magaganap. May iilang grupo din sila na inimbitahan kasama ng mga staff galing sa iba't ibang kompanya. Naunang makarating sa simbahan ang mga kaibigan at mga grupo galing sa iba't ibang kompanya kasunod ay ang pamilya ng ikakasal

Nagkita muli ang magkakaibigang Raymond, Dorine, Vher at Sheryl. Masayang masaya sila dahil dumating na ang araw na pinakahihintay nila at matutupad na din ang pangako nila sa isa't isa nung mga bata pa sila

Ang ipakasal ang kanilang mga anak sa isa't isa

Nung una ay naga-alala sila dahil baka hindi tama ang kanilang ginagawa dahil pinilit lang nila ang kanilang mga anak na magsama pero hindi nila inaasahang aayon ito sa kanilang kagustuhan. Wala namang magulang na gustong pahirapan ang kanilang mga anak kaya balak sana nilang pagkatapos ng isang taon at hindi pa rin nagkakaayos ang dalawa ay papalayain na nila ito upang mahanap talaga ang mga taong para sa kanila

Ang dalawang ikakasal ay parehas na kinakabahan sa mangyayari. Halo halong emosyon din ang nagtatalo sa kanilang mga puso. Kaba, saya at naguumapaw na pagkasabik na makita ang isa't isa. Marami na silang pinagdaanan bago dumating ang araw na ito. Hindi naging madali sa kanila ang ipagpatuloy ang kanilang relasyon dahil sa magkaiba nilang mundo. Maraming nagkandarapa at nahuhumaling sa lalaking idol at maaring ma-apektuhan ang career niya kapag nalaman na may kasintahan na ito na isang simpleng babae. Pero kahit na ganon ay nanatili pa rin ang pagmamahal nila sa isa't isa at hindi sumuko. Pinatunayan nila sa ka kanila kung gaano nila kamahal ang isa't isa sa pamamagitan ng sabay na pagharap sa mga problema at solusyunan ito. Ngayon ay malaya na sila at handa ng bumuo ng isang pamilya

Naunang makarating ang lalaking ikakasal sa simbahan. Dinumog siya ng kanilang mga bisita at naguumapaw ang bati sa kanya. Kaliwa't kanan naman ang pasasalamat niya sa mga bisita niya. Hindi mapakali ang lahat ng sabihin ng receptionist na nandyan na daw ang bride kaya maghanda na daw ang lahat. Sobrang lakas ng kabog ng puso ni Mark ng sabihin ng receptionist iyon. Konting minuto na lang ay makikita na niya si KR at konting oras na lang magiging ganap na silang mag-asawa. Pumwesto na ng lahat sa kani kanilang pwesto at naghahanda para seremonyang gaganapin sa araw na ito

[KR's POV]

Nasa labas na kami ngayon ng simbahan. Kasing lamig na ata ng yelo ang mga kamay ko sa kaba at pagkasabik. Naramdaman ko naman na hinawakan ni Mawe ang kamay ko kaya tumingin ako sa kanya. Ngumiti siya sakin at halos maluha luha na din ang kanyang mga mata. Ako din konti na lang maiiyak na ako sa sobrang saya. Tumingin din ako sa taong nasa driver's seat at nasa shotgun. Parehas silang nakangiti sakin. Hanggang ngayon natatawa pa rin ako kay Kaye at Migo na nagsiksikan sa shotgun dahil kaming dalawa lang ni Mawe kasya dito sa backseat kasi ang laki ng wedding gown ko habang si Joey naman ang driver namin. Nauna silang bumaba at pinagbuksan kami ni Kaye ng pintuan. Inalalayan naman ako ni Mawe makababa ng kotse

Secretly Married To An Idol (GOT7 Mark Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon