[KR's POV]
Nagising ako sa sinag ng araw. Sino ba nagbukas ng kurtina dito? Bumangon ako pero agad rin napahiga. Asdfghjkl SAKIT NG ULO KO! ><" Unti unti kong naalala yung nangyari kagabi. Inom pa more KR. Humiga muna ako at pumikit. Sino kaya nagbuhat sakin? Baka naman inalalayan na lang ako tapos di ko namalayan kasi tulog mantika ako. Nasan nga pala si Mawe? Baka kanina pa gising. Medyo nawawala na yung sakit ng ulo ko kaya tinry kong tumayo. Nakatayo naman ako ng maayos. Tumingin naman ako sa kabilang kama. Tulog na tulog yung dalawa eh HAHAHA Mga naka-suit pa eh. Si Mark naman nasa sahig. Hmph! Nagipit muna ako bago lumabas. Dumiretso agad ako sa CR.
Halos matanggal yung eyeballs ko ng makitang iba na damit ko. Baka pinalitan ako ni Mawe. Okay lang lagi naman ganon yun kapag lasing ako. Hehehe nanay namin yun eh. Ay maasar nga mimiya. Buti naalala ko yung nanay thingy na yun. Kwento ko sa inyo habang nagriritwal ako. Nung 2nd year HS kami nagsimula maging nanay si Mawe ng tropa. Naisipan kasi naming magbakasyon noon sa probinsya ng 1month sa bahay na walang kuryente at tubig. Ginawa talaga namin yun sa lakas ng trip namin. Buti nakayanan namin. Taga luto, linis, laba, magaling magbudget, bongga mag-alaga parang nanay na nga pak ganern! Maasahan sa lahat ng bagay tapos bigla na lang namin syang tinawag na nanay. Kaya mataas ang respeto ko jan kay Mawe sa mga seryosong bagay, sa kanilang lahat naman ganon kaya ganon din sila sakin. Mas mataas nga lang kasi babae ako. Natapos ang ritwal ko at lumabas na. Sumalubong agad sakin ang amoy ng almusal. PAGKAIN!
"Hmmm~ Sino kaya nagluluto?" naglakad na ako papunta sa kusina. Nakita ko si Mawe na nagluluto. Si Nanay! May nakalagay sa table na mga bacon at egg. Siguro fried rice na yung niluluto nya
"Goodmorning Nay!" bati ko sa kanya at tinabihan sa pagluluto. Naka-apron pa sya AHAHAHA. Tiningnan nya ako at ngumiti
"Goodmorning~" nagulat ako ng batukan nya ako ASDFGHJKL!
"AH! Para san yun?" sabi ko at hinawakan yung batok ko. Masakit na nga ulo nabatukan pa T^T
"Sabing wag maglalasing eh! Oh ano ka ngayon? Hangover. Tsk~ Maghain ka na nga para makakain ka na rin" sabi nya at bumalik dun sa ginagawa. Napakamot na lang ako ng ulo at sinunod yung sinabi nya. Nanay na nanay. Umupo ako sa lamesa at hinintay yung fried rice
"Tinawag mo na naman akong nanay" sabi ni Mawe at naglapag ng kape sa lamesa
"Naalala ko lang eh HAHAHA Ikaw nagpalit ng damit ko diba?" tumango tango naman sya at kinuha na yung fried rice. Nilapag nya yun sa lamesa at kaninan na!
"Sino pa nga ba. Ano bang ininom nyo at halos lahat kayo eh knock out?" sabi ni Mawe habang naglalagay ng fried rice sa plato nya. Pagkatapos nya ay ako naman kumuha
"Soju. Ang lakas nga eh nagulat ako tapos 20% alcohol lang" Ako
"Oh? Ilang bote nainom nyo" Mawe
"Sampu pero share share na kami dun" Ako. Tumango tango na lang sya at nagsimula na kaming kumain. Miyamiya ay isa isa ng lumabas ang members sa kwarto at tumambay sa living room. Pffft! Mga nakapikit pa rin tapos nakahawak sa mga ulo XD
"Oy kain na muna kayo para mahimasmasan ng konti" sabi ko sa kanila at isa isang inalalayan papuntang dining area. Nakita kong sumunod din si Mark. Kumain na sila dun pati na rin ako. Pakuha kuha lang ng bacon. Favorite ko to eh ^^
"Bili lang ako ng coffee para sa inyo" sabi ni Mark at tumayo na. Tumango tango naman sila at dirediretso sa pagkain. Nanlilibre pala yun? Ayos ah. Bumalik na lang ako sa magkuha ng bacon. Natapos kaming kumain at ako na nagprisinta na magliligpit. Mukhang di pa kaya nung mga yung gumalaw
*May nagtext~*
Napatingin ako sa cellphone ko. Unregistered number. Nagpunas muna ako ng kamay bago buksan yung message