[KR's POV]
*RIIIIIIINNNNNGGGGG*
"WHHHOOOOOO!!! AT LAST TAPOS NA ANG PASUKAN!" sigaw ko at agad tumayo sa upuan ko. Oo last day na ng school namin. BAKASYON NA! Inayos ko na ang bag ko at binalibag yung upuan. Ganon din yung ginawa ng tropa ko. Mga barumbado eh. Bago pa kami mapagalitan ng president namin ay agad na kaming tumakbo palabas ng room
"Have a great vacation guys!" sabi ko sabay flying kiss at tumakbo ulit. Naglakad na lang kami ng pababa na kami sa hagdan
"YES! Ano pre gala ba muna tayo?" sabi sakin ni Mawe sabay akbay sakin
"GAME! San ba?" tanong ko naman pabalik
"Oh well san nga ba? Court? Billiard? Com. Shop? Club? Bowling? Ang dami eh di ko maisip" sagot naman ni Miguel. Humawak ako sa baba ko na akala mo na ang lalim ng iniisip. Effect lang yan mga pre para mukhang matalino
"Mahaba pa naman ang araw puntahan na natin lahat yan oh!" sabi ko sa kanila. Nagkatinginan kaming lahat at ngumiti
"Oh tara na sa kotse ni Kaye!" sigaw ni Joey at nagunahan pa kaming lima papuntang parking lot. Ganto kami lagi ng mga tukmol na to. Bali lima kami sa tropa Ako, si Mawe, Joey, Kaye at Miguel. At tama kayo jan isang babae lang ako sa tropa. Angal kayo? Ano pabigwas ko na ba kayo sa tropa? Dejoke lang. Binuksan ko yung blouse ko pero may tshirt naman ako kaya ayos lang. Half day lang kami kaya malayang malaya kaming maglakwatsa at pumunta kung saan saan. Nilagay na muna naming yung mga bag namin sa compartment ng bag ni Kaye bago pumasok sa loob
"Ako sa passenger's seat!" sabi ko at pumasok agad sa passenger's seat bago pa sila makapagsalita. Umupo na si Kaye sa driver's seat tapos yung tatlong bibe este tatlo ay dun sa back seat
"San ba tayo unang pupunta?" tanong ni Kaye habang nagd-drive
"Iba naman gawin natin aba! Nakakasawa ng pumunta sa mga sinabi ni Migo eh" sabi ni Joey. Migo nickname ni Miguel baka malito kayo. Oo nga naman. Nagisip uli ako ng magandang puntahan
"Kart racing na lang oh?" sabi ko sa kanila
"Yung nasa likod ng Ayala Circuit?" tanong ni Migo. Tumango na lang ako
"Ayos! Katabi nun soccer field. May kainan din kasi likod lang ng Ayala Circuit. Sige dun na lang" sabi naman ni Mawe. Di nagtagal ay naka-rating din kami sa Kart Racing place. Dinala ko yung wallet ko at bumababa na sa kotse. Naglakad na kami papunta sa entrance. May binigay sila saming form at nagbayad na rin kami
"Miss ganyan po ba talaga kayo? Pwede po bang ibutones nyo naman yung blouse nyo puro lalaki kasam mo oh" napatingin naman ako dun sa babaeng nasa harapan ko habang nagf-fill up ako ng form. Ngumisi ako at umiling
"No need. Sanay na yang mga yan sakin. Try lang nilang may gawin sakin patay yang mga yan" sabi ko at binigay sa kanya yung form. Tumingin na lang sya sa baba at tinuro kung saan kami magpapalit ng damit. Syempre hiwalay kami ng damitan ng mga yun. Pagkalabas ko ng dressing room ay binato ako ni Mawe ng pink na helmet. Binato ko naman sa kanya pabalik yun
"Gago ka ba? Gusto ko yung black! Oh kaya yung red na lang!" ayoko talaga sa mga girly things. Yuck! It's not my stye~ Tinawanan nya lang ako at hinagis sakin yung black and red na helmet. Kanya kanya kaming sakay sa karts
"Ladies first~" sabi ni Joey at sa unang kart ako pinaupo. Tumango na lang ako at umupo dun
"Siguraduhin nyong matatalo nyo ako ah?" sabi ko sa kanila at sinuot na yung helmet ko
"Aba oo!" Mawe
"Yabang!" Kaye
"Tatawanan na lang kita kapag natalo ka" Joey