Chapter 4. "Someday, Somehow"

1.8K 44 1
                                    



"Cecelia bilisan mo na. Late na tayo oh."



"Oo na." Putek naman kasi! Nasira pa yung sapatos ko pagbaba namin ni Berto sa tricycle. Para tuloy akong pilay na tumatakbo nito. Natagalan ako ng gising dahil sa pag re-research ko kagabi. Buti nalang at saktong pag-upo namin saka lang dumating si Prof.



"Miss Cecelia Cristina Calumpit."



"Sir?" napatayo ako ng wala sa oras.



"You're excuse. Pinapatawag ka sa PE Faculty."



"Okay po." Sumenyas na lang ako kay Berto saka lumabas na. Dumeritso muna ako sa locker ko kasi may extra shoes ako dun pang PE. Muntik pa akong maligaw sa pagmamadali. Nagtaka naman ako kasi maraming estudyante sa faculty, may meeting ata. Tayka, bakit ako kasama dito?



"Since everybody's here sasabihin ko na ang agenda ng meeting. Next week will be our foundation and since you're all the president of the clubs and org. I will call you responsible for the said event."



Ano raw? Wala akong naintindihan.



"Miss Sasha"



"Sir?" Napatingin ako sa nagsalita. Wow! Just wow! Sobrang ganda niya na parang ang sarap suntukin ng mukha para magpantay kami. Matangkad, maputi, pang model ang katawan. Nakaka insecure naman!



"Cheering squad will be representing a showcase talent next week and I'm looking forward to a high class performance."



"Of course sir. As always." she smiles like an angel. Literal na napanganga ako. Kasi naman kumpara sakin, kuko lang yata niya ako. Nahiya tuloy ako sa hitsura ko. Alam mo yung kanta ni Taylor Swift, "she wears high heels, I wear sneakers. She's cheer captain and I'm on the bleachers". Putik! Tama yun eh!



"Miss Cecelia?"



"Po?" napatayo ako bigla.



"You're the new manager of the basketball team right?" tumango ako ng bahagya kasi naman halos lahat ata ng babaeng nandito, kung makatitig sakin para akong babalatan ng buhay. Napaka overwhelming ba talaga nitong posisyong meron ako? Tyler, baka hindi na ako makalabas ng buhay dito!



"May friendly game next week and the participants are coming from 5 different schools. I hope your team will give us their best play. I want you to submit the teams name this afternoon. Is that clear?"

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon