Chapter 12. "Answered thoughts"

1.4K 42 0
                                    



"Dito ka lang." Bulong niya habang nakasubsob sa leeg ko. Gusto ko siyang itulak at bigyan ng flying kick sa mukha pero naawa ako kasi ang init-init niya.



"Oo na hindi ako aalis. Pero pwedeng bitaw muna. Ang lansa mo!" sinuntok ko siya ng mahina sa tiyan kaya bumitaw siya. Nakita ko tuloy yung mukha niya. Honestly, mukha siyang zombie kasi parang pumangit siya sa paningin ko. Hehehe joke lang. Naglakad siya ng pasuray- suray kaya mabilis ko siyang inilalayan paupo sa kama niya.



"Nasan yung mga alalay mo?" umiling siya saka humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot. Napangiwi tuloy ako. Grabe! Ang laki naman ng kwarto niya parang isang buong bahay namin to ah. May sofa at malaking tv sa gilid, may isang pinto na sa tingin ko kay banyo, may mini refrigerator pa ang kulugo. Ay siya na! Nahiya naman ang beauty ko sa yaman nila.



"Cecelia. . ." nataranta ako ng mapansin kong nanginginig siya. Dali-dali akong sumampa sa kama niya. Takte! Kasya ata buong pamilya ko sa kama na'to. Niyugyog ko siya.



"Hoy! Ano bang drama mo? May sakit ka ba talaga o nang ti-trip ka na naman?" hindi siya sumagot at mas nanginig siya. "Sebastian hoy! Anong gusto mong gawin ko? Naman eh! Dapat talaga hindi na ako sumama sayo eh."



"Tu. . .tubig. ."



"Tubig?" mabilis akong tumalon sa kama saka pumunta sa water dispenser. Pag balik ko sa kama niya eh bahagya na siyang nakaupo. Basang-basa na siya ng pawis. Wetwew! Wet look! Inabot ko sa kanya ang tubig pero tumango lang siya na namumungay ang mata. Napa irap ako. Fine! Tyler, may sakit siya kaya dapat bantayan ko siya. Para narin makabayad na ako sa utang na loob ko sanya para quits na kami.



Tumabi ako sa kanya ng upo saka pinainom siya ng tubig.



"Ngayon lang to ah kasi may sakit ka. Swerte mong inaalagan pa kita! hmp!" bababa na sana ako sa kama ng hawakan niya ang braso ko.



"Dito ka lang." Nakakaawa siya promise! Biruin niyo yung maangas at masungit na cold hearted team captain eh parang bata ngayon dahil may sakit. Sus! Virus lang palang katapat nitong mongoloid na'to eh.



"Hindi ako aalis. Aalagaan nga kita diba? Gusto mo tawagin ko yung mga atchay mo?"



"No!" napaismid ako sa kanya.



"Ano ba yan? May sakit ka nga't lahat-lahat ako parin ang gusto mong pahirapan? Vengeance is a virtue, yan ba ang motto mo?"



"Cecelia. . ." ay para siyang mabait na kuto. Nangungusap ang mga mata at walang lakas para sungitan ako. I rolled my eyes up.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon