Chapter 1. "I'm waiting for you"

2.8K 65 2
                                    




May nagsasabing 'bakit mo inaabangan ang isang taong hindi mo naman sigurado kung darating?' Yung tipong ang tanong ay, 'may pinanghahawakan ka ba sa pangako niya?' o kaya, 'bakit? magkakilala ba kayo para maniwala kang seryuso siya sayong babalikan ka niya?'



Napaisip tuloy ako. Talaga nga bang babalik ka pagkatapos ng isang taon Tyler? Anong assurance na talagang babalik ka eh di ba nga hindi naman tayo magkakilala? Tsaka sino nga naman ako para pangakuan mo ng ganun diba? Pero kasi kahit ano man ang isipin ko, bumabalik pa rin ako sa pangyayari nung gabing nangako ka sakin. Dalawang araw. Dalawang araw lang kitang nakilala pero pakiramdam ko hinintay na kita buong buhay ko. Korny pakinggan noh? eh anong magagawa ko eh masunurin ako eh. Pag sinabing mag stay lang ako dito, okay fine stay put ang beauty ko. Kaya nung sinabi mong babalik ka, abah! Aabangan ko talaga yan with all my might. Ganyan ako!



"0y, may liga daw sa brgy. Fernando." tumambol bigla ang heart ko. Basketball? Oh My! Akala ko ba isang taon ka pang babalik eh isang linggo pa lang ang nakalipas ah. Hindi ka rin maka paghintay noh? Miss mo rin ako tulad ng pagka miss ko sayo hahaha. Meron palang ganito noh, yung ma mimiss mo yung isang tao na hindi mo naman nakasama ng matagal. Biruin mo yun, makakarinig lang ako ng bola akala ko ikaw na at pag may basketball feeling ko nandun ka. Lang'ya ka talaga!



"Tayka manong para lang po muna!" nahila ko pa ang laylayan ng damit ni manong driver dahil bababa ako.


"Ineng, akala ko ba 1st day mo sa eskwela ngayon?"


"Ha? Ah opo pero may basketball daw sa kabilang brgy kaya sisilip muna ako." agad akong bumaba. Naku! baka kasi nandun ka diba? Sayang ang chance na makita kita saka 1st day of school palang naman diba?


"Ineng mamayang hapon pa ang basketball duon."


"Po? Panu niyo naman nalaman?"


"Taga duon kasi ako. Nandun ba ang boyfriend mo at excited kang makita siya?"


Namula ata ang pisngi ko sa sinabi ni manong. Boyfriend? Naman oh! Boyfriend kita Tyler. NBSB ako kaya malamang ikaw ang 1st boyfriend ko kaya respondibilidad mo tong feelings ko. Kaya kung crush kita, dapat crush mo rin ako. Respito naman dyan.hahaha.



"Hihihi parang. . " nahiya naman daw ako. Tumawa pa si manong saka kinamayan ako.


"Mamayang hapon ako ang susundo sayo para madali kang makapunta duon. Tara na pasok ka na." nag-atubili akong bumalik sa loob ng tricycle. Pasensiya naman! Excited lang eh!



Buong araw wala akong nagawa sa school. 1st day of school nga kaya ang daming pakulo. Introduce yourself at kung anek-anek pa. Excited ako kasi 1st year college na ako pero mas gusto kong pumunta na sa liga baka kasi nandun ka. Tayka, matanong kita, saan ka nga pala nag-aaral? Anong year ka na? Shems! wala nga pala akong alam sayo bukod sa gwapong pangalan mo! Nakaka stress ka na ha! Ginugulo mo yung utak ko eh naka set na sana to sa mga pangarap ko.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon