Chapter 17. "Sebastian's game rules"

1.4K 45 2
                                    



"Cecelia, be my girlfriend." Tumalon ata sa katawan ko ang kaluluwa ko sa sinabi niya.



"What? Anong sabi mo?" singhal ko. Ngumiti naman siya that makes me nervous. Takte! Kinakabahan ako sa kanya.



"Be my girl."


"Huh!" napabuga ako ng hangin. Tinitigan ko siya while forming a big smile on my face. Kala niya mauuto niya ako. Neknek mo! Tumawa ako ng malakas saka tinuro siya ng tinidor na hawak ko.



"Sa lahat ng kawalang-hiyaan mo, yan ang pinaka walang-kwenta mong joke. Kumain ka na diyan, hindi kong anu-anong sinasabi mo. Nasa harap ng pagkain binu-bwesit mo'ko. Sige na nang makauwi ka na." Pinigilan kong wag pumiyok at palakasin yung boses ko. I don't want to cry. I really don't. Swerte niya kung iiyakan ko na naman siya dahil lang sa napaka insensitive niyang kulugo.



"I'm not kidding Cecelia." Binaba niya ang kutsara saka nagsimulang lumapit sakin. "I'm dead serious." Bigla siyang lumuhod sa harap ko para magpantay kami.



"Ano bang sinasabi mo diyan?" lumayo ako ng kunti sa kanya nang kinuha niya ang kamay ko. Gusto ko siyang sampalin ng paulit-ulit. Tumitig siya sakin ng seryuso.



"Cecelia Christina Calumpit, will you be my girlfriend?"


PAK. Isang malutong na sampal ang binigay ko sa kanya. Sa bilis ng galaw ng kamay ko ay hindi ko namalayang pangalawang ulit ko siyang sinampal ng malakas. I don't know. I just don't know what to do. Ang alam ko lang nasasaktan ako sa mga sinasabi niya and I really don't know why. Damn! Nababaliw na rin ata ako dahil sa kawalang-hiyaan niya.



"Well, I take that as a yes." Mabilis siyang tumayo saka nagpunta sa sofa. Napakurap ako ng ilang ulit ng makita ko ang namumula kong kamay. The F! Malakas nga ang pagkakasampal ko sa kanya. I look at him. Nakaupo lang siya habang sapo ang kaliwang pisngi. Jesus! I think I even saw his face turn to red. Napa face palm ako sa utak ko. I felt guilty. No! I should not! Kasi malamang pinag tri-tripan na naman niya ako diba? Heller! His asking me to be his girl? Nababaliw na ba talaga siya o umabot na ba talaga sa sukdulan ang pagka bipolar niya. Baka mamaya patayin na niya ako eh. Nasapo ko na talaga ang noo ko dahil sa pina-iisip ko. Naman oh! Bakit ba ang dami kong iniisip eh gusto ko lang naman sanang itanong sa kanya lahat. Shit! Kailangan ko atang mag sorry sa kanya.


Mabagal akong lumapit saka umupo sa tabi niya. Nakasandal lang ang ulo niya sa sofa at nasa pisngi parin ang kamay niya. Hayup! Ang konsensiya ko!



"Seb. . ."



"Dito na lang oh." Nilapit niya sakin ang balikat niya. "My cheek hurts like hell Cecelia.". Napalabi ako sa sinabi niya. Kaya imbes na hampasin ko ang balikat niya ay pinihit ko siya paharap saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Aw! Namumula nga.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon