Special Chapter. "Jersey No. 6"

2.2K 66 5
                                    



"NASAN ANG BESTFRIEND MO???" halos sabunutan ko na si Tyrone sa sobrang sakit ng tiyan ko. Hindi ko na talaga kaya. "BWESIT KA SEBASTIAN!"



"Relax Cecelia. Hooh! Inhale, ex. ."



"SEBASTIAN!!!" sinabunutan ko na talaga si Tyrone. Narinig ko siyang napa aray pero ang sakit na talaga.



"Parating na daw. Tayka, tatawagan ko."



"BILISAN MO!" napasandal ako sa pader. Takte! Gusto ko lang naman mapanuod ang asawa ko. Hindi ko naman akalain na sasakit ang tiyan ko.



"Tol!" sigaw ni Tyrone sa cellphone. Natataranta na rin siya. "Si Cecelia. . ANO? LAMANG ANG KALABAN?"



"TYRONE! WLANG HIYANG BASKETBALL YAN!!!" sigaw ko na talaga. Napapakamot naman siya.



"Tol! Manganganak na si Cecelia! Oo nga! Nandito kami sa may quarter."



"SEBASTIAN BWESIT KA!!!"



*************************



"Hooh! Inhale. . exhale. . a-aray!" napangiwi siya pero mas hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Sebastian. Ayuko siyang bitawan. Naiiyak na ako.



"Smile to the camera love. . ."



"Tang'ina! MASAKIT!" nahablot ko ang buhok niya. Ang lakas ng loob niyang mag video eh halos mamatay na ako sa sakit dito. Umupo naman siya kaya mas nasabunutan ko ang pawisang buhok niya. He's still wearing his basketball jersey.



"Push." The doctor said.



"WAAHHHH! ARAYYYYYYY!!!!"



Sabay na sigaw naming mag-asawa. Ako sa panganganak, siya sa pagsasabunot ko sa kanya.



******************************



"Ohh! How cute! Mana sa tita. Hello baby boy." Napangiti ako ng nilalaro ni Sasha ang kamay ng baby ko. Si Tyrone naman ay nakaakbay lang sa kanya.



"Sa akin ata mana eh. Matinik yan sa chicks. Sigurado!"



"Shut up!" hampas ni Sasha sa mukha ni Tyrone.



"Totoo naman ah. Maldita ka!" at nagbangayan na naman sila. Ako? Napangiti lang. Wala akong lakas para awayin silang dalawa. Ang sakit ng katawan ko. Lang'ya! Ang sakit talaga promise!



Napalingon ako sa left side. "Oy!"



"Oy ka rin." Pinitik pa ni Berto ang ilong ko. Umismid lang ako sa kanya. "Congrats Bestfriend. Ang gwapo ng lahi mo ah."



"Maganda ako eh."



"Haba ng hair." At tumawa siya. Niyakap pa niya ako kaya napangiti na lang ako. Ang sarap niyang hampasin sa mukha sa kakulitan niya. Kinarga pa niya ang anak ko at lumapit kina Sasha kaya nagharutan silang tatlo kasama ng baby ko. Mga adik!



Napapikit ako at kinapa ang ulo nitong lalaking nakatulog sa tabi ko. Ang walang hiyang si Sebastian nakatulog na sa sobrang pagod at sa walang katapusang sabunot na natanggap niya sakin kanina.



"Kasalanan mong lahat to. Wala nang susunod. Ang sakit manganak. Bwesit ka!



******************************



"SEBASTIAN NASAN KA NA NAMAN?" singhal ko sa kanya sa phone. Weekend ngayon pero wala dito sa bahay ang lalaking yon. Hindi na napermi sa bahay ang kulugong yon.



JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon