Chapter 22. "Catch me, I'm fallen"

1.3K 37 3
                                    


"Cecelia, may bazaar daw next week sa school. Ayos! Makakainom ako nito. Inom tayo ha?" binangga niya ang balikat ko. Tumango lang ako sa kanya. Wala ako sa mood. Bigla niya akong inakbayan.



"May dalaw ka ba ngayon? Lukot ang mukha natin ah." Hinila pa niya ang kaliwang pisngi ko. Tinampal ko lang yun saka sumimangot. Matamlay akong naglakad pero umakbay lang siya sakin. Para kaming lasing dito sa kalye. Ewan ko ba sa Bertong to at hindi kami sumakay ng Tricycle at naglalakad lang kami ngayon. Gabi na kaya malamang nag-aalburuto na naman si Mama ngayon.



"Nakipag-away ka naman siguro noh? Asus! Sa ugali mong yan e be-break ka talaga ng boyfriend mo. Kala mo!"



"Eh di makipag break siya. Wala akong pakialam."



"Kunwari ka pa. Nagseselos ka noh?"



"At bakit? Wag mo nga akong akbayan." Tinulak ko siya pero hinila lang naman niya ang balikat ko saka inakbayan ulit ako. Ewan ko kung gaano na ba kami katagal naglalakad. Not feeling well nga kasi si Sebastian diba? At see you tomorrow daw! Pwe! Neknek niya!



"Basta iinom natin yang pagseselos mo. Hanep! Excited akong makita kang lasing. Hahaha."



"Hindi nga sabi ako nagseselos diba? At sino bang nagsabi sayong nagseselos ako? Never as in never!"



"Okay sabi mo eh. Tara na nga!" binilisan niya ang paglalakad kaya nahihila niya ako. Pagdating namin sa bahay nasa labas na si mama at papa, halatang naghihintay samin. Natural mag aalas nuwebe na ng gabi at nag lakad lang kami. Wala atang pamasahe tong bestfriend ko.



"Ninang, ito na po yung anak niyo. Naku! Pahirapan pa ang paghahanap ko diyan. Nagka boyfriend lang naging lakwatsera na." Ngali-ngali kong binigwasan ang ulo ng traydor.



"Aray naman Cecelia. Kita niyo po ninong, ang brutal ng anak niyo. Hindi na ako magtataka kung hihiwalayan siya ng future son-in law niyo." Hinila ko ang damit niya at tinulak siya papunta sa bahay nila.



"Traydor ka talaga. Umuwi ka na nga!"



"Bye ninang, ninong!" kumaway pa siya kina papa saka nag flying kiss sakin. Sarap tapyasan ng nguso eh. Pag harap ko kina mama eh hindi maipinta ang mukha niya, si papa naman natatawa na ewan. Hay life! Bakit ba ang malas ng araw ko ngayon. Nagmano nalang ako saka nauna ng pumasok sa bahay.



"Oh kala ko ba dito kayo maghahapunan ni Tyler?"

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon