Chapter 33. "Sebastian <3"

1.3K 28 3
                                    



Hindi ako nakatulog. Literal! Totoo! Kung nakikita ako ngayon ni Berto malamang sa malamang aasarin na naman niya ako sa Jansport bag ko. Eyebag? Oo! Nag-iiyak ang beauty ko to the extent na ang hirap ng ibuka ng mata ko. Ayukong bumangon, ayukong maligo, magbihis o kaya rumampa kasi 18 na ako. I'm all grown up young lady as of this moment for Christ sake! But the heck! Is this all what I've got in my 18 year of existence here on earth? Argh!



"Cecelia tanghali na! Baka gusto mong kumain? May chicken joy pa. Napapikit ako sa sigaw ni mama.



"Buti pa ang chicken may joy! Okay lang ako Ma. Okay lang ako."



"Tanghali na nag e-emote ka na naman diyan!"



"No ma. I want to be alone. Respect me! Don't me ma!"



"Ano na naman kayang inaarte niyang bunso mo Martha?" narinig kong bulyaw ni papa.



"Abah ewan ko. Baka hindi pa maka get over sa debut niya. Naku mahal next birthday ko gusto ko ganon ha. Exciting!"



Nyaakk! Mabilis kong natakip ang unan sa mukha ko. Ayukong marinig ang lambingan nila kasi nag tataasan ang mga balahibo ko sa katawan.



Muli akong napatihaya pero napalingon ako sa maliit na box sa tabi ko. It was the small box that baby Andy gave to me last night. Napangiti ako habaNg kinukuha ang laman nito. It was actually a piece of paper na finold ng ilang ulit para magkasya sa maliit na box. You know what's written on it?



WILL YOU BE MY GIRLFRIEND CECELIA?



Yeah! Capslock para instense. But you know what's the most intense part? Sa dulo lang naman nito eh may nakalagay na


Sebastian <3



Oo! May heart emoticon. Kailan pa naging emoticon shit si Sebastian? Jeje na rin ba siya sa nakalipas na weeks na wala siyang paramdam? And pakshet! Nagtatanong si Sebastian niyan tapos may I love you sa text. Isang malaking question mark ang nasa ulo ko magdamag. But guess what? Because of that question mark whatsoever in my head is I've come up with some decision na kahit ang sarili ko ay hindi ko lubos matanggap. Leche!



Yeah sure! Tyrone was always been my dream guy since from the first page of this story. Yung tipong siya ang dahilan kung bakit naging masaya sakin ang pisteng paghihintay. Oh diba? Sa akin lang naging happiness ang "waiting" ng isang taon. Pinaglamayan ko yun, pinag aksayan ng oras at panahon. Iginuhit sa sketch pad, isiniwalat sa journal at itinatak sa kukute na after a year matutupad din ang pangarap kong love life. Siya ang road to forever ko.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon