Chapter 31. "The very thought of you"

1.4K 30 5
                                    


"Bakit ngayon ka lang umuwi?" natuod ako sa kinatatayuan ko sa tanong ni mama. Takte! Ano bang dapat isagot ko? Letter a) Na nag over night ako kina Sebastian kasi naka lock ang pinto? Letter b) Na pinili kong makasama si Sebastian kasi naglalandi ako? Letter c) Na nagharutan kami ni Sebastian buong magdamag kasi na miss namin ang isa't isa? O letter d) all of the above.



"Sumagot ka!"



"Na ospital mo si Cecelia." Literal na nalaglag ang panga ko nang magsalita si Sebastian. "Nong makita kami ni Berto at hinabol, nagwala si Cecelia kaya nagsisigaw siya. Nahimatay po siya dahil sa biglang pagsakit ng ulo niya. Sorry po nay! Kasalanan ko po kung bakit na ospital siya."

"Magkano ang utang namin sa ospital?" yan agad ang lumabas sa bibig ni papa. Nakagat ko ang labi ko sa kasinungalingan ni Sebastian. Takte! Sobrang galing niya talagang magsinungaling.



"It's all free. Mommy ko ang nag-asikaso sa kanya kaya okay na po. Sorry po ulit!" nag bow pa si Sebastian. Napapikit na talaga ako. Hinawakan pa ako ni mama saka sinipat ng tingin.



"Okay ka na ba talaga Cecelia?"



"Okay na po. Sorry po!" nag-iwas na lang ako ng tingin. Lumapit sakin si Berto saka siniko ako. Ewan ko kung naniniwala ba siya sa kwento ni Sebastian pero bahala na. Wala akong lakas ng loob na aminin sa kanya ang nangyari samin.



"Ayaw po kasi ni Cecelia na mag-alala pa kayo kaya hindi ko na po pinaalam sa inyo. Pinagpahinga na lang po siya sa ospital." Dagdag pa ni Sebastian. Sa totoo lang gusto ko na siyang bigwasan ng malupit kasi masyado na siyang maraming alibi. Nauna na lang akong pumasok sa bahay at pasalampak na umupo sa sofa. Si Berto naman parang kabayo na tumalon sa tabi ko.



"Hoy! Saan kayo galing?" sundot niya sa pisngi ko. Sabi ko na nga ba eh.



"Sa ospital nga! Masakit ang ulo ko." Pinangatawanan ko na lang ang pag-arte ko. Bahagya siyang tumawa saka siniko ulit ako.



"Akala ko talaga nagbalikan na kayo. Ano, kumusta?"



"Anong kumusta? Walang nangyari? Wala!" mabilis na depensa ko. Mahirap na baka ipakasal ako nang biglaan sa oras na malaman nilang nag over night ako sa kwarto ni Sebastian.



"Tsk! Buti naman!" ngisi pa niya. Takte! Bigla akong na guilty dahil sa pagsisinungaling ko. "Uwi na muna ako. Okay ka na naman eh!" pinitik pa niya ang ilong ko saka siya lumabas ng bahay. Napabuntong-hininga ako.



Wala naman talagang nangyari samin ni Sebastian eh. Totoo! Nang mahiga kami sa kama at hinalikan niya ako, para lang akong natuod na hindi ko alam kung paano mag react, ni hindi ako nakakilos o anu man. Ilang minuto ring naglapat yung lips namin saka siya dumukwang sakin.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon